pangatlo

1.5K 116 8
                                    

Araw-araw, isinasama ako ni Nanay sa mansyon. Araw-araw ko rin nakikita si Richard.

Sa loob ng 2 taon ay pumupunta ako araw-araw sa mansyon nila Richard. Sa umaga ay inihahatid ako ni Nanay sa paaralan at sa hapon ay dumadaan na lamang ako doon para sabay na kami umuwi. Sa hapon ay nakikipaglaro si Richard sa akin pagkagaling din niya sa paaralan.

Isang araw, excited pa akong bumangon dahil napagkasunduan kami ni Richard na maglaro ng bago niyang laruang Gameboy.

Nang makarating kami ni Nanay ay iniwan na niya ako sa ilalim ng puno dahil uumpisahan na daw niya ang mga gawain niya.

Naghihintay ako sa ilalim ng puno pero higit isang oras na ay wala pa si Richard.

Naiinip na ako.

Matagal pero di siya dumating sa aming tagpuan. Marahil madami siyang Takdang-aralin na dapat tapusin. Hinayaan ko na lang.

Papauwi na kami pero walang Richard ang lumabas. Nagdaramdam ako sa murang edad ko pero pilit kong inuunawa ang sitwasyon.

Kinabukasan pagdating sa mansyon ay umupo akong muli sa ilalim ng puno. Umaasa na makikita ko sa Richard sa araw na iyon.

Pero wala pa rin siya.

Malungkot pa rin ako ng mga oras na yun na pauwi na kami.

Isang linggong ganun. Wala siya. Siguro ay nalimutan na niya ako. Masakit pala. Ang mawalan ka ng kaibigan,  ganun pala iyon.

Lumipas ang dalawang linggo na mag-isa ako sa ilalim ng puno sa likod ng mansyon ng biglang sumulpot si Richard.

"Meng! Kamusta?" Bati niya. Nagalak ang puso ko. Galak na  hindi ko maipaliwanag.

"Mabuti! Ikaw? Saan ka nanggaling?" Sagot ko.

"Pasensiya na ha. Nagbakasyon kami sa Singapore. Sumakay ng eroplano."

"Talaga? Diba nakakatakot doon? Mataas iyon e."

"Hindi naman. Masaya nga e."

"Ganun ba?"

"Anong ginawa mo dito nung wala ako?"

"Wala naman. Dito lang. Kalaro ko si Pipi."

"Ganun ba? Ako, may nakilala ako doon. Yun pamangkin ni Tita Marilou. Kasama namin siya doon. Si Thea. Maganda siya at mabait. Parang ikaw."

"Talaga ba?" Pero sa dibdib ko, parang nagsisikip. Anong tawag dito? Bakit may kirot na malaman na may iba pa siyang kaibigan?

"Oo. Dadalaw daw siya dito sabi niya. Doon kase siya nakatira. Ipapakilala ko siya sayo."

"Sige. Sana magustuhan din niya ako."

"Maglaro na tayo. Habulan. Ako ang taya. Habulin kita."

"Sige." At dahil bata ay nalimutan ang naramdaman. Masaya kase ako na magkasama na kaming muli.

☆☆☆

Lumipas ang mga araw, buwan at taon. Katorse anyos na ako. Namamasukan pa rin si Nanay sa mansyon. Nakakapasok na ako at tumutulong na sa mga gawain ni Nanay. Nakilala na rin ako ng Donya bilang anak ni Nanay at hindi bilang kaibigan ni Richard.

Si Richard naman ay disisyete na. Malapit na rin siyang magkolehiyo sa pasukan.

"Meng, mamaya tulungan mo ako sa assignments ko ha. Di ko talaga maintindihan."

"Ay sige Richard."

Narinig ni Donya Rosalinda ang sinabi ko kaya bigla itong tumingin sa akin.

"Hindi kaan lang marunong manginopo sa amo mo? Di ka ba tinuruan ng Nanay mo? Senyorito! Hindi ka kauri namin! Umayos ka!"

"Pasenya na po, Senyora. Di na po maulit." Nakayuko ako. Napahiya.

"Lola, kaibigan ko po si Meng." Pagtatanggol ni Richard sa akin.

"Hindi! Anak lang siya ng katulong! Huwag kang makipag-kaibigan sa kanya! Ikukuha kita ng tuitor!"

"Pero Lola.."

"Sinabi ko na Richard! Ayaw kong nakikipagkaibigan ka sa kanya! At ikaw bata ka! Di ko kayo binabayaran para lang makipagkaibigan ka sa apo ko! Hampaslupa lang kayo at wala kang karapatan maging kaibigan ng apo ko!"

"Opo. Pasensiya na po." Umalis na ako. Naluluha at naawa sa sarili.

Hindi na nakapagsalita si Richard. Ni hindi niya ako naipagtanggol. Ayos lang. Alam ko naman na gusto pa rin niya akong maging kaibigan.

Umalis ako at lumabas. Di ko na ipinakita kay Nanay na nasasaktan ako. Baka makasama pa sa loob niya kung malaman ang mga sinabi ni Donya Rosalinda. Kaya akin na lang. Buti na lang at nasa palengke si Nanay para bumili ng mga sahog sa hapunan ng mga Faulkersons.

A/N Ayan po, nakikita na unti-unti ang istorya.

No proofread. Nakakatamad pong basahin. Saka na.

Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon