Pasensiya na po kung mabagal ang phasing ng story. Part of the story po talaga siya. Pero huwag po kayong mag-alala gagawan po natin ng paraan para ang ating mga bida ay magtagpo at magmahalan sa huli.
Andrea and I became good friends. Di ko sinabi sa kanya na si Richard ay kababata ko at dating bestfriend. Ayoko na kaseng maging kumplikado pa ang mga pangyayari lalo na at ikakasal na sila.
Nakilala na rin ni Paolo si Andrea pero hindi ito at ease sa babae.
"Meng, ikaw sadyang tanga at bobita?"
"Grabe ka naman! Bakit na naman ako naging tanga?"
"Hangal ka! Mas gusto mo pang masaktan? Tigilan mo yan pakikipagkaibigan doon sa Andrea na yun!"
"Wala naman masama ah!"
"Oo walang masama pero yan puso mo? Sinasaktan mo lang yan!"
"Hindi no!"
"Weh?"
"Talaga!"
"Shit ka! Hindi ako naniniwala!"
"E di wag!"
"Bahala ka! Pero ako sinasabi ko sayo, tumigil ka na sa ginagawa mo, kase mag-aasawa na iyong tao. Alam ko ang ginagawa mo!"
"Sobra ka! Wala akong balak. At lalong di ako masamang tao para mang-agaw ng di para sa akin. Kaibigan ko lang si Andrea!"
"Relax. Di ako ang kaaway. Iniingatan lang kita."
"Alam ko! Pero hayaan mo na ako. The more na maging kaibigan ko si Andrea, the more na dapat kong limutin si Richard. Importante sa magkakaibigan ang tiwala."
"So sinabi mo rin ba sa kanya na dati kayong mag-bestfriend?"
"Hindi."
"So dapat ka niyang paniwalaan? Asan ang pagtitiwala doon?"
"Oo nga. Pero sasabihin ko din. Sa tamang panahon."
"Bahala ka!" Sumimangot na si Paolo, tanda ng pagka-inis niya.
"Alam mo, Bes, ikaw ang bff ko. Walang makakapalit doon kahit ilang Andrea pa. Hhwag kang magselos."
"Gaga! Di ako nagseselos. Nahihirapan lang ako para sayo. Alam ko nasasaktan ka! At kahit di mo maamin sa sarili mo na mahal mo pa yun kumag na Richard na iyon, alam ko. Nahihirapan akong nakikita kang ganyan. Masakit din sa akin."
"I love you, bes! Kaya ko ito. Intindihin mo yan Fashion Show mo! Gusto ko ikaw ang pinakabida sa araw na iyon."
"I know right. Basta ipangako mo, hindi mo sasaktan ang sarili mo. Give yourself a chance at love. Si Royce, mabait siya at alam kong aalagaan ka niya. O kahit sino man magustuhan mo, huwag lang yun Richard na yun na mag-aasawa na."
"Opo. Tama na tampo. Libre kita. Tara kain tayo sa KFC. Namiss ko na yun gravy na unli."
"Tara! Gusto ko ng mashed potato."
☆☆☆☆
Fashion Gala...
"Bes, di ka makale! Relax! Ikaw naman. Masyado kang tensed!"
"Kinakabahan ako Meng. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng lahat sa Collections ko?"
"E di siyempre mapapawow!"
"Oo kase sinasabi mo yan dahil bestfriensd kita."
"Oo dahil kahit bestfriend mo ako, pamatay naman mga collections mo! Kaya cheer up! Masisira ang Kim Kardashian make up mo!" Oo. Magaling siya sa damit at sa make up. Mas maganda pa nga si Paolo sa akin kapag nag transform siya sa gusto niyang character na babae.
BINABASA MO ANG
Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) Completed
FanfictionAn AlDub/Maichard AU story. My 10th story about Maine and Alden.