Ngayon ang araw ng alis ni Richard. Hindi naman ako mabibigyan ng pagkakataon na makapag-paalam sa kanya.
Tinawagan niya ako kagabi bago kami matulog.
Naiiyak ako pero hindi ko pinahalata. Pinilit kong maging masaya kunwari para sa kanya. Para hindi siya magkaroon ng dahilan para magbago ang isip.
"Mag-iingat ka doon ha! Huwag kang magpapakagutom o magpapakapagod." Bilin ko sa kanya.
"Ikaw din. Iingatan mo ang sarili mo. Huwag munang magpaligaw. Dapat makilala ko muna yun lalaki bago mo sagutin." Parang nagdamdam ako sa sinabi niya. Hanggang kaibigan lang pala talaga ako para sa kanya. Kase naiisip niya na magpapaligaw ako sa iba at ipagpapaalam ko pa sa kanya. Mabuti na rin iyon. Kaysa naman umasa ako. At least ngayon, alam kong wala na akong aasahan pa kaya mabuti pang hayaan ko na siya. Maging kaibigan sa kanya ay sapat na siguro para sa akin.
"O sige, Richard. Inaantok na ako. Matulog ka na rin at maaga ka pa ata bukas. Ingat ka doon. Goodnight."
Di ko na hinintay ang sagot niya. Ibinaba ko na ang telepono.
Tinignan ko ang cellphone na bigay niya. Hinalikan iyon. Ito lang ang pag-aari ko dahil ang nagbigay nito ay hindi. Ang saklap. One sided lang pala. Umasa ako, sa mura kong edad. Pero sadyang kaibigan lang pala talaga ang silbi ko sa kanya.
"Meng, parika na at mag-agahan ka na. Mamamalengke ka pa para sa paninda mo."
"Sige po Nay."
Naputol ang pag-mumuni ko ng tawagin ako ni Nanay.
Hindi pa rin ako makakilos ng maayos. Naiisip ko na papalayo na si Richard. Di lamang dahil papunta siya sa Maynila kundi papalayo na siya sa pagiging pangarap kong pag-ibig.
☆☆☆
"Bes, kamusta ka na? Nagtext na ba yang crush mo?"
"Hindi pa. Baka busy doon. Nag-aayos pa siguro ng lugar na titirhan niya. Isa pa, sino naman ako diba?"
"Ay gaga! Nagpaawa pa! Tigilan mo nga ako bakla!"
"Sus! Tara na nga. Hindi mauubos ang paninda ko kung puro tayo kwentuhan."
"Drama! Halika na."
Naglakad na kami para maglako. Pero sa loob-loob ko, miss ko na agad siya. Kahit naman 2 araw pa lang kaming di nagkikita. Kamusta na kaya siya? Naiisip kaya niya ako tulad ng pag-iisip ko sa kanya?
☆☆☆
Lumipas ang mga buwan. Nagtetext pa si Richard sa akin pero madalang na.
Isang araw ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya.
Uuwi daw siya para sa sembreak nila.
Excited ako. Sa totoo lang, naisip ko na sana mahila ko na ang panahon.
"Ang kiri! Tigilan no nga yan, Bes!"
"Ang alin na naman Pao?"
"Yang pagtawa-tawa mo mag-isa! Naiisip mo na naman si Tisoy ano?"
"Uuwi na daw siya. Magbakasyon para sa sembreak nila."
"Wow! Kinikilig ka girl!"
"Hindi naman. Masaya lang kase makikita ko ulit siya."
"Kailan ba dating?"
"Sa makalawa."
"Magpaganda ka! Para naman mapansin ka na sa susunod. Ng hindi ka nafre-friendzone!"
"Sobra ka! Kaibigan ko lang naman yun."
"Pero mahal mo?"
"Hindi!"
"Chosera!"
"Hindi nga!"
"Kiki mo!"
"Bastos!"
"Di nga? Di ka talaga inlove?"
"Pao naman, tama na."
"Alam ko, girl, huwag ka lang umasa. Madaming magandang babae sa Maynila. Wala kang panalo. Sino ka ba? Mayayaman pati ang mga kakilala niya doon."
"Paano mo nalaman?"
"Siyempre! Sa pangmayamang paaralan siya nag-aaral! Gaga ka!"
"Sobra ka sa akin!"
"Huwag ka kaseng naive!"
"Oo na. Masama bang umasa?"
"Oo! Tanga lang ang umaasa. Langit siya, lupa ka! Sa tulad ko lang ikaw nababagay!"
"Di ka pwede! Bakla ka, tandaan mo!"
"Oo na. Huwag mo ng isigaw. Baka masumbong pa ako sa Tatay."
"Kundi lang kita kaibigan, matagal na kitang isinumbong sa tatay mo!"
"Di mo gagawin iyon!"
"At bakit naman?"
"E di wala ka ng kasamang maglako!"
"So?"
"Anong so?"
"Oo na. Ikaw na kailangan ko!"
"Yan! Mahal naman kita bilang soul sister ko. Okay na yun! Nandidiri na ako kapag lumagpas pa sa ganun!"
"Lalo na ako."
Kahit papaano, may Paolo na nagtatanggol at nakakasama kong kaibigan. Siya lang ang nag-iisa kong kaibigan dito sa amin. Siya lang kase ang nakakaintindi sa akin.
Pero mabalik tayo, masaya ako. Sobrang saya. Makikita ko na ang anghel ng buhay ko.
☆☆☆☆
Araw ng dating ni Richard..
Sumama ako kay Nanay. May pahanda daw si Donya Rosalinda para sa pagdating ni Richard. Excited ako pero di ko pinahalata. Di pa rin kase alam ni Nanay.
Maya-maya lang ay dumating na sila.
Sumilip ako mula sa komedor papunta sa sala para makita ko siya.
Nakita ko na si Richard. Hindi niya alam na naroon ako.
Pero di siya nag-iisa, may kasama siya.
Nakaabrisyete ang babae sa kanya. Narinig ko ang pakilala niya.
"Lola, Si Thea, pamangkin ni Tita Marilou, girlfriend ko."
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.
Tumakbo ako sa labas.
Lumabas ng bakuran.
Umupo sa tabing daan sa lilim ng puno.
Doon inilabas ang sakit na nararamdaman.
Hindi ako ang gusto niya.
Kahit kailan.
Hindi magiging ako.
Ang sakit.
Walang kasing sakit.
Tumayo ako.
Buo ang loob.
Hindi na ako aasa.
Wala pala talaga akong aasahan.
Hahayaan ko na.
Tutal kaibigan lang ako.
Yun lang.
A/N Last for tonight. Bukas po ulit.
BINABASA MO ANG
Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) Completed
FanfictionAn AlDub/Maichard AU story. My 10th story about Maine and Alden.