labing-isa

1.4K 107 10
                                    

Busy kami sa buong linggo. Mabuting distraction ang mga pinaggagawa namin ni Paolo.

We are currently into expansion. And I can say that our business is doing great.

"Meng, may invitations ka dito from Mr. Madrigal. Nagconfirm na ako."

"Ano? Bakit di mo muna ako tinanong?"

"Hindi na kita tinanong kase alam kong di ka papayag. I think you need distractions. Mula noong makita mo yung Richard na iyon, naiba ang body clock mo."

"How dare you, Paolo!"

"Basta! Tama na echoz mo! Mamaya, he'll pick you up at 6:30 pm sa bahay. Ako magbibihis sayo at mag-aayos."

"E paano kung ayaw ko?"

"Hindi ka makakatanggi! Itatali kita sa kama mo!"

"Subukan mo!"

"I can! Don't force me, dear sister, kaya ko. Lalaki pa rin ako, remember?"

"What's with that Mr. Madrigal? Bakit ba ako itinutulak mo?"

"Buti nga sana kung ako ang type, e lagi ka na lang bukang bibig ng lalaking iyon."

"Well, di ako magpapaligaw."

"Try mo lang, bes. Please. Kung ayaw mo, e di sabihin mo. Gentleman naman yun tao. Isa pa, magandangalaki rin naman tulad ni Richard. Mayaman pa. Ano pa hahanapin mo?"

"Exactly, hindi siya si Richard."

"Hanggang ngayon pa rin ba?"

"Sad to say, pero oo."

"Hay! Bahala ka, pero Meng, try mo lang. Please. Naka-oo na ako."

"Mag-transform ka na lang. Tutal magaling ka Make Up transformation."

"E paano kung di ko mapigil kalandian ko, tapos umabot kami sa hotel, e di nabuking din ako. Kaya never na. Ikaw na lang."

"Ayoko nga kase!"

"Pwes, kung ayaw mo, it means, di mo ako love."

"May ganyanan?"

"Simple lang naman hiling ko sayo e."

"Oo sige na!"

"Yun! Tapos usapan. Mamayang 4pm umuwi na tayo at aayusan pa kita."

"Sige na! Tsupi, dami kong pipirmahan at ireview!"

May pagkendeng pa ang bruhang kaibigan ko. Ayoko nga sana kaya lang wala akong magawa. Minsan lang humiling si Pao sa akin tapos di ko pa mapagbibigyan.

Kaya lang ayoko kaseng magreject ng tao. What if sabihing manligaw? Paano ko sasabihing, hindi pwede? Hindi pa ako nakaranas na maligawan kase laging nakabantay si Paolo sa tabi ko. Akala nila ay boyfriend ko ito. Di lang alam ng iba na baklang-bakla ang kaibigan ko. Kahit ba ubod ng kisig ng baklang Paolo na yan, berde pa rin ang dugo!

☆☆☆

"Miss Maine, may nagbigay po sa receptiom ng bouquet. For you daw po." Sabi ni Chanel, ang secretary ko.

"From who daw?"

"Mam, nasa card po. Di ko binuksan."

"Okay."

Binuksan ko kaagad ang card and I saw his name.

Hi! I missed you. Please meet me tomorrow night sa The Spiral. 8 in the evening. I'll be waiting for you.

-Richard-

Napatili ako ng walang tunog. Nagtatalon kahit hindi mataas.

Eto na ba iyon? Yun pinakahihintay kong araw? Yun matagal ko ng gustong mangyari?

Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon