dalawampu't dalawa

1.3K 101 5
                                    

Ganun lang kadali silang nagkaintindihan? Akala ata nila ganun din kadaling kumbinsihin ang mga parientes nila tungkol sa pag-urong nila sa kasal.

"Bakit?" Tanong ni Andrea kay Richard ng nakatitig lang ito sa kawalan.

"Anong bakit? Di ka ba natatakot na baka hindi pumayag sila Lola sa gusto natin? Paano kung ipilit pa rin nila?"

"I don't care! Ayoko sayo at lalong ayoko pang magpakasal." Sagot ni Andrea.

"Teka, mawalang galang na sa inyo ha, pero lalabas kami ni Meng para doon mag-usap. Di kase kami kasali sa usapan ninyo." Awat ni Paolo.

"Oo nga. Andrea, Mr. Richard, pagusapan ninyo yan." Dugtong ko.

"Teka Meng, pwede ba tayo mag-usap?" Si Richard

"Tayo? Bakit? Anong kinalaman ko diyan?"

"It's about time na malaman na ni Andrea na since bata pa tayo nila Paolo ay magkakilala na tayo! Stop calling me Mister!"

"Alam ko na. Sinabi na ni Meng sa akin." Sabi ni Andrea.

"Alam mo na? Bakit di ninyo sinabi sa akin? Kanina pa ako mukhang tanga dito, yun pala alam mo na Andy!"

"Pasensiya na, kase ano.. basta alam ko na. Hindi na lang natin itutuloy ang kasal kase I realized, hindi tayo bagay! Kayo ni Meng ang bagay!" Sagot ni Andrea.

"Wait, Andy! Mag-usap muna kayo! Richard later na tayo mag-usap!"

"Teka Meng, ano pa ba pag-uusapan natin e sasagutin mo na si Royce? Ano ng laban ko e lamang na siya sa akin?"

Parang pingpong ang usapan. Kanya-kanyang batuhan.

"Wait din! Tara Andrea, hindi naman kayo ang dapat mag-usap. Silang dalawa. Doon tayo sa labas. Pag-usapan natin kung paano kayo magkakatuluyan ni Royce!" Yaya ni Paolo.

"What? Andrea, ikaw din? Si Royce ang gusto mo?"

"May problema ba doon, Richard? E ano ngayon?" Sagot ni Andrea.

"Naguguluhan ako sa inyo!" Sabay kamot sa batok niya dahil sa mga nagaganap ngayong oras na ito.

"Alam mo Richard, bilang ako lang ang lalaki dito bukod sayo.."

"Excuse me, lalaking pusong babae! Yun yon!" Sabat ko.

"Tumigil ka Menggay! Ayusin ninyo yan! Ikaw Richard, kung ako sayo, dalian mo na at baka maunahan ka! Tama na yang pabebe ninyo, alam naman namin na gusto ninyo isa't-isa ni Meng!"

"Paolo!" Sigaw ko.

"Menggay! Umayos ka! Tara na Andy. Ang sakit sa bangs ng mga ito!"

"Okay! Pagbalik namin kayo na dapat ha!" Sabi ni Andy.

Napailing na lang ako. Nang tignan ko si Richard ay nakangiti siya sa akin na parang nakakaasar.

Lumabas si Paolo at Andy sa veranda na magka-abrisyete pa. May mga ngisi at nag-aapiran pa.

"Meng, ako ba pinagseselos mo?"

"Ha? Bakit naman kita pagseselosin?"

"Isang tanong, isang sagot! Gusto mo ba ako? Mahal mo ba ako? Kase ako,alam ko bata pa tayo, mahal na mahal na kita."

Natahimik ako. Yumuko. Ano bang sasabihin ko?

Naramdaman ko na lang na lumapit siya at hinawakan ako sa may baba at itinaas ang aking mukha lara makita niya ang reaksiyon ko.

"Tatanungin kita ulit, gusto mo rin ba ako? Mahal mo rin ba ako?" Malumanay ngunit may sinseridad na sabi niya.

"Richard, ano kase.. ano.. ah eh.." nauutal ako.

"Meng? Huwag mong pagilan. Sabihin mo lang na gusto mo ako, na mahal mo ko, ipaglalaban kita kahit pa sa lola ko. Sabihin mo lang."

"Ano kase... Oo! Matagal na. Mula pa bata tayo! Mula pa ng una kitang makita. Nung unang kita ko pa lang sayo, alam ko na ikaw ang gusto ko. Kahit alam kong magkalayo ang agwat ng estado natin sa buhay. Ikaw lang ang nagmamay-ari ng puso ko. Sayo lang.." naiiyak na ako sa mga confessions ko. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na malaman na mahal ka ng mahal mo. Na ang matagal mo ng pinapangarap ay nagmamahal din sayo.

"I love you! Promise, I'll take care of you. Please believe me! Pinasaya mo ako. Now you don't have to pretend na di tayo magkakilala. I love you, mahal na mahal kita."

"Promise mo na hindi mo ako sasaktan ha? Kase ikaw lang ang nilalaman nito." Sabay turo ko sa puso ko.

Kinuha niya ang dalawang kamay ko at inilapit sa labi niya sabay inilagay sa dibdib niya.

"Pakinggan mo, Babe. Ikaw lang ang laman nito. Pangalan mo lang ang isinisigaw ng puso ko."

Ngumiti ako. Tumingin sa kanya. Inilapit naman niya ang labi niya sa akin sa isang maigsi ngunit matamis na smack sa lips.

"Wait so tayo na?" Tanong niya.

"Humalik ka na nga o!"

"Yes! Mahal na mahal kita!"

"Ako din. I love you!" Tapos na pabebe. Patatagalin pa ba ito?

"Teka lang.. e paano yun plinaplano ninyo nila Paolo? Si Royce?"

"You know what, pakana ni Paolo lahat. Gusto niya kase na malaman kung mahal mo rin ako. Alam kase niya na gusto na kita mula pa pagkabata natin."

"Talaga? Akala ko kase ayaw niya sa akin?"

"Oo, dati. Kase alam niya na sasaktan mo lang ako. Pero dahil nasasaktan na ako na hindi kita makuha, gumawa na siya ng paraan."

"So drama ninyo lang yun kay Royce?"

"Yes. And si Andy, crush niya si Royce. Kaya palit kami."

"Wow sa palit. Pero mabuti na lang. Akin ka na ngayon."

"Sayo lang. Ngayon, si Royce at Andy naman tulungan natin. Kailangan sila din."

"Game ako diyan."

"Tara na. Sunod tayo sa dalawa. Kasali ka na sa drama ngayon."

"Sure. For you, babe!"

Finally, may boyfriend na ako. Sana nga lang maging maayos kami at walang humadlang.

A/N Will try to update later. Sorry for the wrong spelling and grammar. I don't proofread po kase.

Kapag wala akong update, it's either nasa work ako, gumagawa ng gawaing pang-Nanay or nagbabasa rin ako ng mga stories sa Wattpad.

Anyway, Happy Monday!

Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon