Gusto kong magtago ng bumalik si Richard at si Royce na may dalang wedding ring. Oo wedding ring at di engagement ring.
Paolo being Paolo, ayun bumida na naman.
"So Meng, wala na itong atrasan. Ikaw din Andy. Hangga't maaga pa, sabihin na ninyo kung papayag kayo. Kase mahirap naman na magmadali kayo tapos di naman pala kayo sigurado." Bungad ni Paolo.
"Don't worry, Andy. Hindi naman kita pinipilit. And besides, hindi pa tayo magkakilala. Pero gusto kitang tulungan, in a way na matutulungan mo rin ako." Sabi ni Royce.
"Ano naman ang maitutulong ng pagpapakasal ko sayo, sa atin?" Sagot ni Andy.
"Well, hindi ka na maikakasal kay Richard, maiiwasan yun paghihiwalay bunga ng away. And ako naman, sa age ko na ito, kailangan ko na rin mag-asawa. Pagod na rin akong mag-isa. I guess we could work this out."
"How about love?"
"Matutuhan din iyon. And I promise, I will be faithful to you. Walang iba. I won't reach this stage kung di ako pihikan sa babae."
"Kaya pala si Meng ang nagustuhan mo? Kase mabait siya at maganda ang pagkatao." Sabi ni Andy.
"Yes. Pero dahil wala pala akong laban sa pagmamahalan nila mula pagkabata, I guess mag-concede na ako."
"Iyon lang ang dahilan?"
"Aaminin ko, at first wala naman talaga akong gusto sayo although I find you attractive. Yun nga lang akala ko isa kang mayamang brat."
"Huy,hindi ah!" Sagot ni Andy.
"So papayag ka ba?" Tanong muli ni Royce.
"I guess, we will both benefit in this marriage, kaya sige. I'm accepting your proposal." Sagot ni Andy.
Buti pa sila nagkakaintindihan na kahit madaming mga bagay na hindi pa malinaw, pero willing silang kilalanin ang isa't-isa. E ako? Kami? Ano bang ikinatatakot ko? Mahal ko na naman siya dati pa, kaya lang ang Lola niya? Ang imahe niyang pagiging playboy? Yan ang mga tanong na gusto kong sagutin. Isa pa pala, si Nanay. Sasama ang loob niya kung di siya magiging parte ng mahalagang araw na ito sa aking buhay.
"Babe, ikaw? What's your decision? Eto na yun wedding ring natin. Tumawag na kami ni Royce ng Judge. She's on her way here." Lalo na akong kinabahan.
"As in?"
"Oo. Payag ka na ba? Hindi ka ba nagtitiwala sa akin?"
"Hindi sa ganun. Pero di biro ang gagawin natin. Si Nanay, wala pa siya dito. Si Lola mo? Paano kung hindi niya ako matanggap? Anong mangyayari sa atin?"
"We will stay married kahit ayaw ni Lola. I've already decided to push through with this. Ikaw na lang ang hinihintay ko. All set na sila Royce at Andy. How about you? Us?"
"Pwede bang mag-pass na muna? Tutal naman ikakasal na sila Andy and sa tingin ko, hindi ka na mapipilit ng Lola mo."
"Why? Di mo ba ako mahal? Bakit ayaw mo? Sigurado na ako. What's wrong?"
"It's just that, nabibilisan ako. Kahapon lang naging tayo, tapos ngayon magpapakasal na. I think it's not right."
"So hindi tama na magpakasal ka sa akin? Yun ba ang gusto mong sabihin?" Tumaas na ang boses niya na ikinagulat nila Andy.
"Sandali lang ha.. lalabas muna kami, huwag kayong mag-away. Tara na, Andy, Royce. Hayaan na muna natin silang mag-usap." Lumabas na yun tatlo. Naiwan kaming dalawa.
"So ano? Di ka sigurado? Bakit? Hindi mo ba ako mahal?"
"Mahal kita. Kaya lang iniisip ko na baka nadadala lang tayo ng sitwasyon. Mamaya hindi pa pala tayo sigurado sa nararamdaman natin and baka sa bandang huli, maghiwalay din tayo. I just want to be sure."
"So hindi mo nga ako mahal. Kase nagdududa ka pa sa nararamdaman mo para sa akin. I can't believe it! Akala ko mahal mo ako? Yun pala pinaasa mo lang ako!" Mataas na boses niya.
"Richard, babe naman makinig ka sa akin. Hindi sa hindi kita mahal. I just want to be sure. Yun lang. Gusto kong kapag nagpakasal na tayo, lahat umaayon. Hindi yun tayong dalawa lang ang nagdesisyon."
"Bakit? Sino ba papakasalan mo? Diba ako?"
"Oo nga! Pero madami pang naka-pagitna sa ating dalawa. Ang lola mo, alam kong di siya papayag na ako ang pakasalan mo!"
"Hindi mo nga ako mahal. Tsk. Tsk. Ang dami mong hang-ups. I won't force you! Let's break up! Wala ka naman palang tiwala sa akin."
"Babe, don't! It's not what you think."
"Well, alam ko na. Let's forget about this. Tama na. If you don't want to marry me, okay, fine! I won't bother you." Umalis siya at iniwan akong nakatulala.
Kasalanan bang mag-isip muna? Kawalan na ba ng tiwala iyon? Bakit hindi niya maintindihan na gusto ko lang naman na maayos kaming magpapakasal kapag tanggap na ako ng Lola niya. Pero bakit ganun agad ang reaksiyon niya?
Naiyak na ako. Wala na. Isang araw lang kami nagkaintindihan, tapos ngayon balik na naman kami sa pagiging estranghero sa isa't-isa.
I don't want to be here. I need to leave. Ayokong makita nila na nasasaktan ako dahil iniwan ako ni Richard dahil sa hindi ko pagpayag sa alok niyang kasal.
So the first thing I did after our break-up, Kinuha ko lahat ng damit ko sa kwarto. I want to get lost muna. Uuwi ako sa amin. Alam ko naman na pwedeng sumabay si Paolo sa kanila.
Umalis ako without even saying goodbye.
Kung ano man ang isipin niya, let him. He needs to grow up. Di ako suicidal sa mga ganung klase ng desisyon tulad ni Andy at Royce. Nangingibabaw pa rin sa akin ang values at beliefs ko. And I stand by my decision na mali na madaliin namin ang isang bagay na mahalaga tulad ng kasal.
A/N Pasensiya na po at napapabayaan ko ang pagsusulat dito. Pero I will try to finish this as soon as possible para mapagtuunan ko ng pansin ang other Fanfic ko which is Akin Ka na Lang.
BINABASA MO ANG
Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) Completed
FanfictionAn AlDub/Maichard AU story. My 10th story about Maine and Alden.