labing-apat

1.3K 105 3
                                    

We had a good time ni Royce. Marami kaming napag-usapan kahit naman hindi naging maganda ang umpisa ng gabi namin dahil sa akin. Pero I think nakabawi naman ako sa coffee date namin.

He brought me home before the clock strikes twelve. Parang si Cinderella lang.

Akala ko pagdating ko sa bahay ay tulog na si Paolo. Hindi pa. He's waiting for me.

"Did you get laid?" Bungad agad ni bakla.

"Gago ka! Di ako cheap!"

"I know! Binibiro ka lang naman. O kwento mo, anong nangyari?"

"Wala naman. Okay naman siya."

"Did he say na manliligaw na siya sayo?"

"Yes."

"And what did you say?"

"Okay lang."

"Nakakainis kang kausap! Ano nga?"

"Yun nga! Sinabi ko na okay lang siyang manligaw. Napakaslow, aba!"

"Sorry naman! Tamad mo kaseng sumagot e! Teka may pag-asa ba?"

"Di ko pa alam. Malaman natin. It's too early my dear. Isa pa, nasa getting to know pa lang kami."

"Pero may pag-asa nga ba?"

"Di ko pa alam. Basta, bahala na. Tara na akyat na tayo."

"Bukas kwento mo pa sa akin ang napag-usapan ninyo ha!"

"Sure. Basta tara na!"

Umakyat na kami. Naligo muna ako bago ako humiga sa kama ko. Naiisip ko pa ang mga naganap. Actually, mas lamang ang alaala na nakita ko si Richard na may kasamang babae. Naiinis ako na sabihin niyang gusto din niya ako tapos nakikipaglandian pa siya sa iba. Ang kapal talaga ng mukha.

Naisip ko tuloy na hindi na lang ako papadala sa kasinungalingan niya. And lalong di ko siya sisiputin bukas. Ayokong mabiktima ng lalaking iyon. Ang layo na niya sa lalaking minahal ko, yun mabait at may malasakit sa mga babae. Ngayon, nag-iba na siya, playboy at paasa.

Natulog ako magbabandang- alas dos ng madaling araw. At bago ako natulog, ipinangako ko sa sarili ko na bibigyan ko si Royce ng pagkakataon na makilala ako at ako sa kanya.

☆☆☆☆

"Miss Maine, nay bisita po kayo. Mr. Richard Faulkerson Jr. po. He's waiting at the meeting room."

"Chanel, anong oras pa siya nandiyan?"

"Kakadating lang po. Mga 10 minutes pa lang."

"Okay thank you. I'll call you na lang if may kailangan ako ha."

"Yes Mam!"

Pumasok ako sa meeting room kung saan nandoon si Richard.

"What brings you here, Mr. Faulkerson?"

"Meng, I want to talk to you."

"About business ba yan? If not, I have lots of work to do. You can leave."

"May galit ka ba sa akin? Bakit iniiwasan mo ako?"

"Bakit ako magagalit sayo? May ginawa ka ba sa akin?"

"Wala. And I want to know, bakit bigla ka na lang nagbago?"

"Because, matanda na tayo. Matagal na tayong di nagkikita. Marami na tayong di alam sa isa't-isa. I guess that's enough para totally, magbago na tayo."

"Well, ako hindi. Ako pa rin yun kababata mo. Ako pa rin yun kaibigan mo."

"That was before, iba na ngayon."

"At bakit?"

"Because iba na ako."

"Dahil mayaman ka na? It does'nt make sense. Wala naman tayong pinag-awayan. Bakit parang galit na galit ka sa akin?"

"You know what, wala nga tayong pinag-awayan, pero iba na tayo. I have my own life without you,my so-called bestfriend. Si Paolo na lang ang matalik kong kaibigan."

"Ganun na lang iyon? Anong nagawa ko sayo? Bakit ayaw mo na akong maging kaibigan?"

"Simple lang Mr. Faulkerson, I'm not at ease na maging kaibigan mo. I don't trust you. Yun lang."

"Sa pagkakaintindi ko alam mo, you're like a jealous ex-girlfriend na bitter."

"How dare you!"

"Yes, I got you there! Look! It's not what you think it is, okay! Andrea is a very dear friend. Wala kaming relasyon."

"Oh really? I don't care naman if meron o wala."

"You're jealous!"

"Why would I?"

"Kase alam kong gusto mo ako! Dati pa! Alam ko iyon! Di ako bulag."

"Don't shout at me! You're in my office!"

"I'm just stating a fact!"

"I'm sorry, I  can't stand this. Bahala ka kung anong gusto mong isipin, pero I'm putting an end to our friendship, right at this moment. Tapos na."

"Hindi ako titigil hangga't di kita nakukumbinse. Alam ko kaya ka nagkakaganyan ay dahil akala mo, hindi kita kailanman nagustuhan. Pero you're wrong! Definitely wrong."

"Whatever, Mr. Faulkerson, I'll leave you here. May gagawin pa ako. Alam mo na ang way out mo."

I walked away. May tama lahat ang sinabi niya. Di ko alam kung bakit inis na inis ako  sa kanya, samantalang di naman niya ko talaga pinaasa, ako nagpaasa sa sarili ko dati, na mamahalin din niya ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Pero kahit na, paninindigan ko ito. Ayokong masaktan, lalo na't alam kong kapag itinuloy ko pa kabaliwan ko kay Richard ay masasaktan lang ako.

☆☆☆

As soon as makapasok ako sa office ko..

I locked my office door and  called Chanel to ask her not to disturb me. Gusto ko munang mapag-isa. I need to regroup, halos sumabog ang damdamin ko sa harap niya mismo. And I won't give him the idea that I still am madly, deeply inlove with him.

A/N Only one for tonight. I hope you'll follow me here.

No proofread na po. Kakapagod mag-edit. Ang pagsusulat ko ay random lang at dire-diretso kapag nasa mokd ako. Walang malinaw na patutunguhan, pero sa huli, nabubuo na lang.

Di ko pa rin kase alam kung paano ko pagtatagpuin ang pag-ibig nila.

Anyway, salamat ng marami sa inyo!

Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon