apatnapu't lima

1.1K 76 7
                                    


I did not tell Richard about his Lola. Baka sumugod pa siya doon. Naisip ko, matanda na naman ang lola niya at baka kung anong mangyari dito kapag kinompronta ni Richard. Sinabihan ko rin si Nanay na huwag sasabihin kay Richard. Si Paolo alam niya, di ko ililihim sa kanya. Susugurin nga daw niya ang matanda at kakalbuhin pero pinigilan ko. Sinabi kong hayaan na lang. Tutal naman hindi naman mangyayari iyong banta niya. Alam kong mahal ako ng asawa ko. Dama ko iyon.

Di ko na ipapaalam kay Richard. Hinayaan ko na iyon.

☆☆☆

At seven months, mabigat na si baby sa tiyan ko. Kaya dito na lang ako talaga sa bahay nagtratrabaho. May office ako dito. Iyon din ang gusto ni Richard.

I was reading a document na inupload ni Paolo sa email ko. Nasa kwarto namin ako ni Richard ng tumawag ang asawa ko na kailangan daw niyang umuwi sa bahay nila sa Makati dahil tumawag ang tita Marilou niya na may sakit ang lola niya. Malala na daw ito.

"Babe, baka I'll be late. May sakit daw si lola and she is in the hospital. Uuwi ako. But don't wait for me na."

"Go. Okay lang ako. Mag-ingat ka."

"Yes. I love you, babe!"

"Love you, too. Sige na. Go na."

Di ko alam kung bakit ako kinakabahan. Pero sana okay lang ang lola niya. Kahit naman ayaw ng matanda sa akin, alam kong mahal niya si Ricardo. Yun nga lang masyado itong matapobre. Pero sana matanggap din ako nito kalaunan. Sana lang..

Dahil sa pagod ng mata ko sa haba ng binasa ko, inantok na ako. Inilapag ko na ang laptop ko at nahiga na sa kama. Naiisip ko ang asawa ko at pinagdadaanan niya ngayon kaya nag-aalala ako. Sana ayos lang siya.

Nagsabi ako ng maikling panalangin para sa kanya at sa Lola niya kahit naman galit sa akin ang matanda. Ayokong namang may masamang mangyari sa Donya kahit salbahe siya sa akin.

Pagkatapos ay natulog na ako.

Alam ko naman na uuwi rin si Richard. Panatag ako.

☆☆☆

Nagising ako ng bandang alas-dos kase naiihi ako. Ganun talaga ang buntis, maya't-maya umiihi. Pero wala pa si Richard.

Pagkatapos ko sa banyo, kinuha ko ang cellphone ko para icheck kung tumawag siya o nagtext man lang. Pero ni isa ay wala. Siguro ay nasa ospital ito at binabantayan ang lola niya. Nag-aalala ako. Baka sobrang nalulungkot si Richard kaya tinawagan ko na siya. Alam kong gising pa siya.

"Hello, babe? Asan ka na? Bakit di ka pa umuuwi?"

"Sino ito?"sabi ng boses ng isang babae.

"Ikaw ang sino? Bakit hawak mo yun phone ng asawa ko?" Tinignan ko pa ang number kung tama, pero tama naman.

"I'm sorry, asawa ka ba ni Richard? I'm Giselle. He's sleeping e. Napagod."

"Asan siya. Susunduin ko siya."

"No need na. I think di mo na siya magigising. Pero if you want, dito kami sa Sofitel nakacheck in."

"At bakit nandiyan siya? Teka sino ka ba?"

"Hindi ba nasabi sayo ni Richard, ako yun ex-girlfriend niya. Niyaya niya akong magkita kami kanina."

"I thought.. never mind. Goodbye." Naiiyak na ako. Akala ko nasa lola niya siya.

Kaya kahit naman madaling araw na, desidido akong puntahan siya. Ayokong mag-jump into conclusion pero obvious na ang rason. Masakit. Nakakainis. Nakakasakit.

Nagpalit ako ng damit, nagsuot ng long cardigan ko over my maternity dress at chilly sa labas.

Ako na lang magdrive. Ayokong istorbohin ang pagtulog ni Paolo.

Nagmaneho ako, papunta sa Sofitel.

After an hour, nakarating ako. I asked for the room number of my husband, ayaw pa sana nung unang ibigay, pero dahil nagpakita ako ng ID, pinagbigyan na nila ako.

Nangangatog ang tuhod ko sa paglalakad papunta sa kwarto niya. Alam ko na makikita ko. Pero nagdadasal pa rin ako na sana, hindi pa rin totoo ang hinala ko. Na sana, hindi niya ako pinagtaksilan, di ko ata siya mapapatawad. Pero the signs are obvious. Tanga na lang ang hindi maniniwala.

When I was in front of his hotel room, I knocked. Wala akong keycard. Bumukas ang pinto, isang maganda at sexy na babaeng naka-lingerie lang ang bumungad sa akin.

"So you're his wife. Halika, andun ang asawa mo. Napagod sa ginawa namin."

Pumasok ako, dumiretso sa pinaka bedroom, at nandoon nga siya, una kong nakita yun mga damit na nagkalat sa carpet.  Napatakip ako ng bibig.

"Ang kakapal ng mukha ninyo! Ikaw babae ka, may asawa pa kinakalantari mo!" Sigaw ko pero wala pa rin si Richard. Tulog pa rin.

"I'm sorry. Akala ko he's still single. And siya tumawag sa akin. May problema daw siya. Ayun, nag-inom kami tapos we ended up here. And then we had sex."

"Ang kapal ng mukha mo! Nakuha mo pang ipakita sa akin ng kababuyan ninyo!" Hindi na ako nakatiis, pinaghahampas ko yun babae pati si Richard na nagulat na magwawala ako.

"Babe.."

"Huwag mo kong matawag-tawag na babe!
Hayup ka! Hayup kayo!" Iyak, pagwawala, pagsigaw lang ginawa ko. Nagmadaling magbihis ang babae at umalis.

"Hayup ka! Huwag mo kong hawakan! Nandidiri ako sayo! Hayup!"

"It's not what you think!"

"Kitang-kita ng mata ko! It's not what you think! Ang kapal mo! Maghiwalay na tayo.!"

"No! Babe, don't! Magpapaliwanag ako!"

"No need! Go to hell!" Tinabig ko siya.

Inaawat niya ako pero nagmadali akong umalis. Nagtatakbo. Hindi siya agad makakahabol dahil wala siyang suot na damit. Ang boxers lang niya. Hindi niya ako mahahabol. Mabilis akong tumakbo. Runner ata ako nung high school. Kahit malaki na ang tiyan ko, magaan ang katawan ko.

Nang makalayo ako sa kwarto niya... naiiyak ako habang mabagal ng tumatakbo..

Napakatanga ko.

Niloko niya ako.

Hayup siya!

Tama ang lola niya, iiwan din niya ako.

Ngayon alam ko na. Wala ng makakagisnang ama ang anak ko.

Ang sakit.

Pagsakay ko sa kotse, nakaramdam ako ng sakit sa puson. Di ko maipaliwanag.

Binuksan ko ang ilaw ng kotse ko, nakita ko, ang daming dugo..

Nakukunan ata ako..

Lalo na akong natakot.

"Tulong! Tulong! " iyon lang at nawalan na ako ng malay.

A/N kapag kaya pa, sige isa pa. Pero isa na lang. Malapit na talaga matapos. Baka busy kase ako sa mga susunod na araw at gawaan na ng card ng bata.

Pasensiya na sa pakulo ko ha. May sayad din ako, masokista at gustong nasasaktan.

Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon