Akala ko after three months matitigil na yun paglilihi ko, aba, 6 months na akong buntis pero ganun pa din. Ngunit medyo nasasanay na ako.
At four months ko unang naramdaman yun pagpitik ng baby sa tiyan ko. I remember, naiyak ako kase naramdaman ko yun paggalaw niya. Lalo na ngayon, anim na buwan na. Malikot na siya at medyo malaki na rin ang tiyan ko.
Richard is busy with work pero sinisiguro niya na lagi siyang nariyan kapag kailangan ko siya.
☆☆☆
Ngayong araw di ako pumasok, nasa bahay lang ako with Nanay, kase si Paolo ay pumasok sa office, biglang may dumating kaming bisita.
I do the work kase sa bahay. Minsan lang ako pumunta sa opisina. Di ko talaga kayang maamoy ang mga pabango ng tauhan ko.
Anyway, about the bisita, nagulat ako na dumating ang lola ni Richard sa bahay. Hindi kami bastos ni Nanay kaya pinakiharapan namin siya ng maayos.
"Buntis ka na pala sa apo ko sa tuhod?" Bungad niya. Magmamano ako pero pinalis niya ako.
"Ah opo lola." Napataas ang kilay ko sa inasal niya.
"Don't call me Lola. Hindi kita apo. At kahit pinakasalan ka ng apo ko, hindi pa rin kita gusto." Nagpanting ang tenga ko. Pati si Nanay nainis na rin.
"Donya Rosalinda, hindi ho namin kayo pinapasok sa bahay namin para ganyanin lang ninyo ang anak ko. Wala po kayong karapatan na pagsabihan ng ganyan ang anak ko o kami. Pamamahay po namin ito." Galit na sabi ni Nanay. Hinawakan ko si Nanay at pinakalma.
"Ano po ba ang pakay ninyo, Senyora?" Balik ako sa pagiging pormal sa kanya.
"Gusto ko lang malaman kung maayos ang apo ko. Baka mamaya ay pinahihirapan mo lang siya. Ibalik mo na lang sa akin si Ricardo."
"Asawa ko po siya. At hindi ko po pinahihirapan ang apo ninyo. Masaya kami. Sana makita ninyo yan."
"Ganun ba? Mabuti naman. Pero may pakay pa akong isa sa iyo."
"Ano po iyon?"
"Bibigyan kita ng malaking halaga, layuan mo lang ang apo ko."
"Nahihibang po ba kayo?"
"Hindi. Ayan ang tsekeng isang daang milyon, layuan mo siya at mamuhay ka kasama ang anak mo. Di ko matatanggap ang anak sayo ni Ricardo. Isang hampas-lupa rin ang bata sa sinapupunan mo!" Nainis na rin ako sa mga sinasabi niya. Kinuha ko ang tseke at pinunit iyon sa harapan niya.
"Hindi ho ninyo kayang bilhin ang pagkatao ko. Kung ayaw ninyo sa amin ng anak ko para sa apo ninyo, bakit hindi po si Richard ang kausapin ninyo. Pero kung ako ang tatanungin ninyo, di ako papayag na ilayo ninyo sa aming mag-ina si Richard." Inis na inis kong sagot. Tumaas ang kilay niya.
"Umalis na kayo, Senyora. Baka ipapulis ko kayo sa panghaharass ninyo sa amin ng anak ko." Sabat ni Nanay.
"Di pa tayo tapos, May. Iiwan ka rin ng apo ko, ipinapangako ko yan!" May pagbabanta ng Donya.
"Hihintayin ko po ang banta ninyo, Senyora. Isa pa, hindi ho May ang pangalan ko, Maine Mendoza!" Sabi ko.
Tuluyan na siyang umalis. May pagkamatapobre talaga ang matanda. Kita sa kanya na hindi niya ako kayang tanggapin. Pero wala na akong pakialam. Basta ang alam ko ay masaya kami ni Richard.
At hindi ako papayag kailanman na sirain niya ang pagsasama namin. Hindi mawawalan ng ama ang anak ko.
BINABASA MO ANG
Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) Completed
FanficAn AlDub/Maichard AU story. My 10th story about Maine and Alden.