Hindi ko pa rin malimutan ang mukha ng anghel ko. Hindi ko rin alam ang tawag sa pang-uring iyon. Basta ang alam ko ay maganda siya sa paningin ko.
"Meng, mag-ayos ka na. Bilisan mo at aalis na tayo. Maaga akong pinapupunta ng donya para maglinis ng kwarto ng senyorito Richard."
"Sino po iyon, Nanay?"
"Anak ni Senyorito Ricardo."
"Sino po si Senyorito Ricardo?"
"Ang dami mong tanong anak. Di mo naman kilala yun. Tama na katatanong. Ubusin mo na yun gatas mo at umalis na tayo."
"Opo,Nay."
Sa murang edad ko, ang sabi ng Nanay ko, masyado daw mataas ang IQ ko para sa isang anim na taong gulang na bata.
Para sa akin, hindi naman. Mahilig lang kase akong magbasa. Oo, marunong na akong magbasa dahil nakikinig ako palagi sa guro ko nung Kinder, Si Mrs. Rodriguez. Matiyaga niya kaming pinababasa ng mga story books sa klase. Ang ilang kaklase ko ay ayaw makinig at mas ninanais maglaro, samantalang ako ay matiyagang inaaral ang bawat aralin. Gusto ko na kaseng matutong magbasa simula ng makita ko ang pinagkakaabalahan ng mga kabataang nakatambay sa tindahan ni Aling Tindeng, ang magbasa ng komiks na nakasabit at pwedeng rentahan sa halagang piso.
☆☆☆
Katulad ng dati ay iniwan na ako ni Nanay sa ilalim ng puno. Bitbit si Pipi at ang isang bote ng tubig at isang biskwit na meryenda ko sa buong umaga ay hinintay ko si Nanay na matapos sa kanyang gawain.
May kaba sa dibdib na naghintay ako sa ilalim ng puno. Di ko mawari, at di ko rin malaman. Bakit parang ang lukso ng dibdib ko'y kakaiba.
"Psst! Bata! Bata!" Tawag sa akin ng isang batang di ko naman nakikita.
Nilinga ko ang abuong paligid at di ko makita kung sino tumatawag sa akin.
"Psst! Bata, dito. Sa taas ka tumingin!"
Tumingala ako. Siya ang bumungad sa akin.
"Ikaw? Sino ka?"
"Ikaw ang sino? Bakit nandito ka sa bakuran namin?"
"Sa inyo? Inyo itong mansiyon?"
"Oo, kaya nga nandito ako sa bahay e. Sino ka?"
"Anak ako ng katulong ninyo, si Nanay Mariana."
"E bakit nandiyan ka?"
"Bawal daw ako sa loob."
"Gusto mong pumasok?"
"Magagalit si Nanay."
"Ah... ako na lang pupunta diyan. Hintayin mo ako."
Di ko maintindihan bakit sa murang edad kong ito ay lumulukso na ang puso ko. Kakaiba. May konting sakit at pagsikip ngunit di naman siguro pag-atake sa puso ang tawag dito.
"Ako nga pala si Richard. Ikaw?" Nagulat ako kase nasa likod ko na pala siya. Nakahawak pa ako sa dibdib ko ng mga oras na iyon.
"Ahh ehh.. Meng. Meng ang pangalan ko."
"Hi! Laro tayo. Nakakinip sa loob. Wala akong magawa. "
"Sige. Anong laro?"
"Bahay-bahayan."
"Bakit iyon?"
"Diba yun ang gusto ng mga babae? Babae ka kaya bahay-bahayan tayo. Ikaw ang Nanay, ako ang Tatay."
"Ano? Ako ang Nanay? Ikaw ang Tatay?"
"Oo. Ayaw mo ba?"
"E sige. Pero anong gagawin natin?"
"Ano ba ang ginagawa ng Nanay at Tatay?"
"Di ko alam. Wala na kase ang tatay ko."
"Asan siya?"
"Patay na."
"Pareho pala tayo. Ang Nanay ko naman ang namatay na."
"Ganun ba? Malungkot ka rin pala."
"Hindi naman. May asawa ng bago si Daddy ko."
"Ano yun asawa?"
"Yun asawa, yun katulad ni Daddy, asawa niya si Tita Marilou."
"Parang si Tatay, kay Nanay?"
"Oo. Parang tayo, ako ang tatay at ikaw ang asawa ko, ang nanay."
"Ano ginagawa nila?"
"Nagkiss."
"Nagkiss? Bawal pa iyon sa atin. Laro lang ito."
"E sa pisngi na lang."
"Ayoko, baka mabuntis ako."
"Sino nagsabi sayo?"
"Si Nanay. Huwag na lang bahay-bahayan. Taguan na lang."
"Sige. Ikaw taya, ako ang hanapin mo!"
"Daya mo. Jack en Poy na lang."
"Basta. Magtago na ako. Hanapin mo ako!"
Naglaro kami. Masaya siyang kasama. Mas lalo palang naging mukhang anghel siya sa malapitan. Lalo na ng makita ko ang biloy sa kaliwang pisngi niya.
Tumibok na naman ang puso ko. Sa murang edad, nakakaramdam na ako ng ganito. Kakaiba.
A/N Bukas po ulit. Fastforward na natin. Nagbigay lang ako ng background para makita ang pundasyon at panimula ng istorya.
As usual di ko na muna iproofread. Nanlalabo na mata ko. Maaga pa po pati pasok ko. Pero bukas, dapat may kulay na ang istorya
natin.
BINABASA MO ANG
Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) Completed
FanfictionAn AlDub/Maichard AU story. My 10th story about Maine and Alden.