apatnapu't anim

1.1K 79 5
                                    


When I opened my eyes, nasa ospital na ako.

Nandoon si Paolo at si Nanay.

Nagbalik ang alaala ng naganap kagabi.

Masakit. Nakita kong maliit na ang tiyan ko. Nagsimula na akong umiyak.

"Asan na ang baby ko?" Tanong ko kay Paolo.

"Meng, wala na siya. Wala na ang baby mo. Di siya nakaligtas. Kulang pa kase siya sa buwan e." Naiiyak na sabi ni Paolo.

"Hindi! Hindi!" Nagpupumiglas ako. Pinagtatanggal ko ang mga nakakabit sa akin. Pero di ako gaanong makakagalaw. CS delivery kase ang nangyari sa akin. Di ko rin kayang makatayo kase nanghihina ako. Mabigat sa may tiyan ko. Masakit pa yun tahi. Kaya nag-iiyak na lang ako at sumigaw ng sumigaw. Kahit masakit sa tiyan dahil napwepwersa ako.

"Meng, anak, tama na muna. Hindi makakabuti sayo yan." Umiiyak na rin si Nanay.

"Nay, Paolo, ang baby ko. Asan na siya? Hindi siya nawala. Baka asa nursery lang. Sabijmhin ninyong biro lang yan." Pagmamakaawa ko.

"Meng, sorry wala na siya."

Humagulgol na ako. Pinagbabato ko ang unan. Pati lahat ng mahawakan ko. Pinipigilan ako ni Paolo pero hindi niya ako kaya. Ang sakit! Sobra. Hayop na Richard na yan! Kasalanan niya ito! Kasalanan niya! Di ko siya mapapatawad.

Sinaksakan na ako ng pampakalma at pampatulog.

Kaya minuto lang ay nawalan ulit ako ng malay. Hindi ko na alam kung ano pang nangyari.

Pero bago ako makatulog, inisip ko na sana huwag na akong magising. Ayoko ng mabuhay, wala na ang baby ko. Wala na yun pinakamahalagang tao sa buhay ko. Wala ng magmamahal sa akin at wala na ring mag-aalaga sa akin pagtanda ko.

Kaya bago ako pumikit, bakas yun luha at sakit sa mukha ko. Nakita ko sila Nanay at Paolo na naaawa sa akin. Ayoko nito. Ayoko ng magising kung gigising lang  din ako at muli akong masasaktan dahil wala na ang anak ko. Wala na rin akong asawa. Niloko niya ako. So bakit pa ako mabubuhay? Wala ng dahilan.

☆☆☆

It's been three days.

Nakauwi na kami sa bahay. Hindi ako umiimik. Iyak, tulog, tulala. Yan lang ang alam kong gawin. Ayoko rin kumain kahit pilitin nila ako.

Si Richard, di siya makauwi dahil galit na galit din si Paolo sa kanya. Nalaman na rin kase ni Paolo ang nangyari dahil sinabi ko iyon, dalawang araw matapos akong makunan.

"Meng, palakas ka. Magbakasyon tayo nila Nanay sa Maldives. Treat ko."

"Ayoko."

"Sige na. Anong gusto mo? Bibilhin ko." Pagmamakaawa ni Paolo. Hindi ko na siya sinagot. Napapagod akong sumagot. Ayoko ng magsalita.

Nakatingin lang ako sa kawalan. Iniisip ko ang baby ko. Ano kaya ang itsura niya kung nabuhay siya? Naiiyak na naman ako. Ang sakit talaga.

"Sige kung ayaw mong kumain, palalagyan na lang kita ng swero. Ang payat mo na. Namumutla ka pa. Si Nanay nag-aalala na sayo. Baka pati siya magkasakit. Sige na, please." Pakiusap pa rin niya.

"Pao, hayaan mo muna akong magluksa. Huwag ninyo akong intindihin. Malalagpasan ko rin ito. Huwag kang mag-alala, hindi ako magpapakamatay."

Iyon lang at ipinikit ko ang mata kong may luha. Hindi umalis si Paolo sa tabi ko. Palitan sila ni Nanay. Ayaw nilang maiwan akong mag-isa. Alam kong iniisip nila na magpapakamatay ako, hindi. Hindi pa ako nahihibang. Nasasaktan, oo. Pero kakayanin ko ito. Kailangan ko lang ipagluksa ang anak ko.

☆☆☆

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan, medyo lumalabas na ako ng kwarto. Bawal banggitin si Richard sa bahay. Ayoko.

Sinabi ko kay Paolo na ibenta namin ang bahay at bumili na lang ng iba sa may bandang Antipolo. Hindi ko kayang tumira sa bahay na pinagsamahan namin ni Richard. Di ako makakaahon sa sakit.

Sinabi ko rin na kung gusto niya ay bumili rin siya ng Condo para di malayo ang uuwian niya kapag napapagod siya mula sa trabaho. Ayaw daw niya akong iwan. Di kase muna ako nagtratrabaho. Doon muna ako sa bagong bahay kung sakali.

☆☆☆

Nakalipat kami sa isang exclusive subdivision dito sa Antipolo. Over-looking ang Laguna Bay at maganda ang neighborhood. Layu-layo ang bahay at malalaki ang lawn. Nakakarefresh sa buhay. Bagong bahay, bagong buhay.

I decided, I need to work na rin. Pero siguro after a month pa.

Pero kahit nakakabangon na ako sa panibagong yugto ng buhay ko, naiisip ko pa rin ang pagtataksil ni Richard. Hindi ko siya mapapatawad. Dahil sa kataksilan niya, nawala ang anak ko. Pinagkatiwalaan ko siya pero nakuha pa rin niya akong lokohin. Walang kapatawaran ang mga ginawa niya. Hinding-hindi ko siya mapapatawad. Ipinapangako iyan.

A/N Last na for today. Huli na ring pasakit ito. Matatapos na ang istoryang ito.

Abangan ang nalalapit na pagtatapos.

Goodnight!


Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon