Natulala ako sa huling sinabi niya.
Gusto na niya ako dati pa? Ang saklap naman nun! Bakit di niya sinabi sa akin iyon, walong taon na ang nakalilipas? Bakit ngayon lang?
Naalala ko pa ang araw na nagtext siya sa akin..
"Meng, gising ka pa ba?"
"Naku, hindi. Tulog na! Kaluluwa ko na lang ito!"
"Patawa ka! Pero may itatanong ako sayo?"
"Ano yun? Tanong mo na!"
"Maganda ba si Thea? Sa tingin mo, magtatagal kami?"
"Inaantok na ako. Ikaw? Ano ba sa tingin mo?"
"Di ko makita."
"Ganun? Bulag ka ba?"
"Kakatawa ka! Labas ka!magkita tayo!"
"Di pwede! Mapapagalitan ako ni Nanay."
"Tumakas ka?"
"Ayoko!"
"Sama mo!"
"Dinadamay mo pa ako! Itulog mo yan!"
"Teka naman. Tinatanong kita."
"Richard, pwede ba? Bata pa ako sa ganyan!"
"Tinatanong ka lang!"
"Ayoko ngang sumagot!"
"Sungit!"
"Maganda naman!"
"Saan?"
"Ewan ko sayo! Baboo!"
Ibinaba ko ang telepono. Nakakainis. Friendzone! Bakit ba sa akin nagsasabi at nagtatanong tungkol sa impaktang gf niya?
Pero in fairness, ang swerte ng bruha. Mapalad siya. Matagal ko na kayang pangarap ang bf niya, pero dahil di nga ako kagandahan, at nagkataon, purita de mallorca ang lola ninyo, na-friendzone agad. Di pa nga nakakadiga. Wala ng laban.
"Hoy! Tulala ka na naman! Ano na naman naiisip mo?" Sigaw ni Paolo sa tenga ko.
"Makasigaw! Wagas na wagas! Mababasag ang eardrums ko!"
"Kase hanggang ngayon, di pumapasok diyan sa kukute mo na ayaw sayo ni Tisoy!"
"Gusto niya ako!"
"Aba, ang taas ng pangarap!"
"Di no! Totoo!"
"Sino nagsabi? Aber?"
"Sinabi niya kagabi!"
"Leche! Loko lang iyon. Baka pinagtritripan ka lang ng Richard na yun!"
"Bahala ka! Basta sinabi niya!"
So bibigay ka na? Ganun?"
"Hindi!"
"E anong drama mo? Bakit pinagpipilitan mong gusto ka?"
"Wala lang. Natutuwa lang ako."
"And so?"
"And so? Siyempre, tagal ko kayang hinintay yun pagkakataon. At ngayon, di na ako kaapi-api!"
"Bahala ka! Basta ako, binabalaan kita. Di ka gusto ng Donya. Baka mapahiya ka lang!"
"Bakit, sinabi ko bang sasagutin ko?"
"At bakit din? Nililigawan ka ba?"
"Hindi!"
"So stop, fantasizing!"
"Di ako nababaliw!"
Sa itsura mong yan, oo!"
"Ang sama mo sa akin. Feeling ko, inlove ka sa akin!"
"Yuck! Kapal ha! Bakit may hotdog at ilog ka ba?"
"Bastos mo!"
"Pero kidding aside ha, ingat ka. If ever, bes, huwag agad bibigay. Magpakipot ka! Suportahan kita."
"Well..."
"Hala! Sasagutin agad, kapag nanligaw?"
"It depends!"
"Pokla ka! Trabaho na tayo. May mga pipirmahan ka. And ang approval mo nga pala sa new suppliers ha. Isa pa, tumawag si Royce, dinner daw."
"Ikaw na lang sumama."
"Kung pwede nga lang e. Kaso, special mention ka!"
"Kase naman!"
"Huwag ka ng magreklamo! Ikaw na mahaba ang hair sa baba! Lagpas puwet!"
"Hay! Iwan mo na muna ako. Yun design team, pakisabihan, pang summer line, simulan na."
"Ikaw magmodel?"
"Pwede rin!"
"Gotta go, girl!"
Iniwan ako ni Paolo na busy sa pagtatally ng balance ko.
Pero, ano nga kaya kung manligaw si Tisoy? Sasagutin ko kaya?
I'll know when I get there na lang ang peg..
Bahala na.
Pero ngayon pa lang, kinakabahan na ako.
Meng, remember, buhay oa ang lola at malamang, di papayag iyon sa tulad mo! Kahit pa mayaman ka na. Galing ka pa rin sa putikan.
A/N Can't sleep. Filler chapter lang po.
BINABASA MO ANG
Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) Completed
FanfictionAn AlDub/Maichard AU story. My 10th story about Maine and Alden.