tatlumpu't apat

1.3K 92 10
                                    

Eversince that day, lagi na lang akong tulala at wala sa sarili. Aaminin ko nagsisisi ako sa ginawa ko pero ano pa nga ba ang magagawa ko, ako din naman kase ang may kasalanan, matigas ako e. Ayaw kong ibaba ang pride ko.

What if makipag-ayos ako sa kanya? What would he think? Hindi kaya lalabas na cheap ako? Magmumukhang tanga? Umayaw na tapos di naman pala sigurado. So what I did, I kept it to myself. I tried to focus on my work. Itried to enjoy what life has to offer. I tried to divert my feelings to Dominic. Pero ang hirap talaga. Half-hearted ako sa mga ginagawa ko. And I know hindi ako masaya.

☆☆☆

Two days before Andrea and Royce's wedding, Paolo and I are doing final revisions sa gown ko. Siyempre naman gusto ko rin maging maganda sa araw ng kasal ng kaibigan ko, lalo na at naroon si Richard. If and if lapitan niya ako, what would I do? Hayaan ko na ba yun feelings ko na gumawa ng move, afterall, alam ko naman na gusto ko pa rin siya. Pero ang tanong, did he give up na kaya? I mean, tinotoo kaya niya yun sinabi niyang hahayaan na niya ako tutal ayoko na naman sa kanya. Hay! Kasalanan ko ito at ng bwisit na pride na ito. Pero sabi ko nga, bahala na. Kung ano man ang mangyari, bahala na talaga.

☆☆☆

The day of the wedding..

I was with Andrea sa bridal car before the wedding.

Sabay kaming bumaba. Ako yung huling lalakad bago siya. I have to assist her sa wedding mismo kase it is my obligation.

As soon as I was walking down the aisle, nakita ko kaagad si Paolo with Dominic. And then I saw Richard. Kasama niya yun Jules. And they look sweet. I frowned when I saw them.  Pero split second lang, I returned to normal.

I was wearing a two tone A-line Champagne lace chiffon bridesmaid dress. Ayoko kase ng masyadong revealing. It's not sexy as it looks but very elegant. Siyempre si Paolo pa, gusto nun na maging maganda ang bestfriend niya sa kasal nila Andy.

Ctto: bridesmaid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ctto: bridesmaid.design

All eyes are looking at me when I walked down the aisle. Pero siyempre, di ako ang bida dito. So hindi ako nagpamake-up ng sobrang kapal. Ang buhok ko ay naka-ayos lang ng nakapausod na nilagyan ng diamonds in floral silver accent. Enough para magmukha akong elegante. Overall, I like my look. Bagay sa personality ko.

I continued walking down the aisle and settled sa seat na malapit sa bride.

Then it was Andy's turn to walk down the aisle.

She was so beautiful while Royce is a picture of a smitten husband. Alam kong natutuhan na nilang magustuhan ang isa't-isa. Kase kita sa tinginan nila ang kasiyahan. At hindi ko maalis na mainggit. Siguro kung pumayag din ako kay Richard noong araw na iyon, marahil ikakasal na rin kami sa simbahan. Malamang, masaya na rin kami. Hay, me and my pride. Ayun na eh. Lumipad pa sa hangin. Anyway, pakonswelo na lang na bata pa ako at makikilala ko pa rin naman ang magiging forever ko, pero sa ngayon, mainggit na lang muna.

☆☆☆

Sa reception, ako ang punong abala. Tinutulungan naman ako ni Paolo.

Dominic seats beside me and Pao. And ang nakakatawa, katable pa namin sila Richard at Jules. As usual, wala silang ginawa kundi magharutan sa harapan namin. Aaminin ko maganda rin naman yun Jules, it's just that ang haba ng baba niya. Pero sexy rin siya at mukhang yayamanin. Naobserbahan ko talaga.

Dominic is so attentive to my needs nandiyan na siya naghihiwa ng food ko for me. Or minsan sinusubuan niya ako. What a perfect boyfriend he would be.

Pero kita ko ang mga reaksiyon ni Richard whenever Dominic will put his arm at the back of my chair and kapag may sinasabi ito na kailangang ibulong sa akin dahil maingay ang music at ang mga tao sa pagkwe-kwentuhan. Nakikita ko na matalim ang tingin niya at nangingiti ako. Effective din pala ang may pinagseselosan ang lalaking ito kase dati, hindi siya ganyan sa akin dahil iniisip niya na wala sigurong magkagusto sa isang probinsiyana, mahirap at simpleng babaeng tulad ko. Pero iba na ngayon. Hindi na ako ganun.

Tinititigan ako ni Richard, same way na ako din tumititig sa kanya. Pero kung may inis at poot sa mata niya, ako naman ay may pang-iinis pa.

Bigla siyang tumayo dahil di na siguro nakayanan ang nangyayari. Akala ko aalis at uuwi na, pero nagkamali ako, lumapit ito sa akin at hinila ako patayo para dalhin kung saan.

"Richard, ano ba?" Tanong ko sa kanya.

"Pasensiya na Dominic, pero di ko na kayang makipaglaro sa babaeng ito."

"Pare, teka date ko si Maine. May date ka."

"She's my ex! Itong babaeng ito na sinasabi mong ka-date mo, ex-girlfriend ko. And we need to talk. Kaya hayaan mo kami."

"Ako? Richard, ano ako sayo?" Sumali na rin yun Jules.

"I don't care about you. Ikaw nagpumilit sumama. Umuwi ka na!"

Salbahe itong lalaking ito talaga.

"Akala ko okay tayo? Diba sweet ka sa akin kanina?"

"Akala mo lang iyon! Akala ko magseselos ang mahal ko e, di pala. Kaya di ko na kailangan ang serbisyo mo! Get lost!"

"Hayup ka!"

Ang ginawa ni Paolo, hinila niya yun Jules palabas ng venue. Ewan ko na kung anong nangyari.

I mouthed sorry to Dominic. I know he understands. Tumango na lang ito at umupo muli sa silya. Buti na lang di mahahalata ang nangyayaring komosyon sa venue, nasa may bandang dulo kase kami at kasalukuyang nagsasaya na ang mga bisita.

So eto na.. ano ng gagawin ko? Susuko na ba ako?

Bahala na..

A/N Pa-survey. Patulong, ituloy ba ang pag-iinarte o bumigay na? Please comment your suggestions. Thank you!

Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon