As soon as makapasok kami sa room namin, sinabi kong maliligo ako magpapalit ng damit. Sinabi naman niya na magpadeliver siya ng room service. Sabi ko gusto ko lang ng coffee at isang slice ng cake para makapagrelax after ng long adventurous day.
Umuna akong maligo at sumunod si Richard.
After niyang maligo ay naupo kami sa may terrace to see the night.
"Ang ganda dito. How'd you know na may ganito pala dito?"
"Matagal na. Kapag nalulungkot ako at naiisip kita, pumupunta ako dito."
"Ah okay. So paano bukas?" Tanong ko.
"Bukas pupunta tayo sa bahay ni Judge Mariano. I called him na kanina. He will wait for us."
"Are you sure na ba?"
"Never been more sure. E ikaw?"
"Siguro. Oo."
"Bakit parang hindi?"
"No! I mean, oo sigurado na ako. Matagal ko ng pangarap ito. I just feel afraid."
"Don't be. Andito ako para sayo."
"I know. Kakayanin natin ito."
"We will. I assure you."
"Tara na. Tulog na tayo."
"Okay."
"But before anything else, wala munang intimacy. Di pa tayo kasal."
"I promise. Yayakapin lang kita. And then kiss na rin."
"Okay. Tara na."
We slept kahit mahirap. Nakayakap siya sa akin. Ako naman ay nakahilig sa braso niya.
Kailangang magpahinga kami. Pero sa kabila ng takot, I felt at ease. Parang I'm finally home. Sa wakas, yun completeness at kasiyahang hinahanap ko, hawak kamay ko na.
And then, I got my shut-eye. With a smile.
☆☆☆
Pagkagising, nagbreakfast muna kami. Gumayak na para makapunta sa bahay ni Judge Mariano sa Laguna. Nag-check out na rin kami. Maayos naman at kahit papaano ay maayos yun nabili naming damit. Yun nga lang, summer ang outfit namin.
After ng kasal ay tutuloy muna kami sa isang hotel sa Maynila. Doon kami magstay before we go to Japan para sa aming honeymoon. Pero siempre, bago kami umalis, gusto ko munang magsabi sa Nanay ko. Sasaglit lang kami doon. Kukunin ko na rin yun passport ko para kumuha na rin ng mga damit. Richard said, na hindi na muna siya uuwi sa kanila. Bumili na lang kami ng ilang gagamitin niya. Ayos lang sa akin kase desisyon niya iyon. Gusto ko rin naman na huwag muna siyang umuwi sa kanila at di ko alam kung anong naghihintay sa kanya.
Iyon ang plano namin para sa araw na ito.
☆☆☆
We went to Judge Mariano's house sa San Pedro, Laguna.
Sandali lang ang ginawang seremonya. Akalain ko bang nasa bulsa pa rin niya ang singsing nung araw na magpapakasal kami sa Zambales. Always ready ang asawa ko. Naanticipate na daw niya ito. As in plano na ang mangyayari.
"Paano kung di ako pumayag?"
"Di kita papakawalan. Wala ka ng magagawa!"
"Sira ka! Lakas ng loob mo, babe."
"Alam kong mahal mo ako. Kaya wala akong dapat ikatakot."
After the civil wedding, naglunch out kami nila Judge sa isang Chinese restaurant para treat na rin sa kanya. Siya na daw kase ang bahala sa papeles. Siya na magfile. Siniguro ni Richard na may copy kami ng marriage contract para sakaling magkaproblema, meron kaming kopya.
After Lunch, tumuloy kami kala Nanay ko and nagsabi na kami na kasal na kami.
Naiyak si Nanay pero masaya daw siya para sa amin. Actually, alam naman daw niya na mahal namin ang isa't-isa kaya tama lang daw na sundin namin ang puso namin. Si Paolo, iyak ng iyak. Iiwan ko na daw siya. Pero sinabi kong hindi ko magagawa iyon at magkasama pa rin kami sa trabaho.
Pagkapaalam kay Nanay at Pao, ay dumiretso kami sa mall para mamili ng mga damit niya.
Gabi na ng makarating kami sa hotel. Nagcheck in kami sa Executive suite nila.
Eto na yun kaba ko pero sinabi ko na hahantong din naman kami doon kaya ayos lang.
Kinakabahan lang ako kase first time.
So ayun, dami ko pang seremonyas, maubos lang ang oras. Di ko talaga maisip kung anong mangyayari.
A/N So ayun nga. Nakakatakot na eksena. Nakakakaba rin. Abangan!
BINABASA MO ANG
Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) Completed
FanfictionAn AlDub/Maichard AU story. My 10th story about Maine and Alden.