labing-walo

1.3K 95 6
                                    

We went to this restaurant near the event venue. Chinese restaurant iyon.

Nagconvoy na lang kami. Si Paolo, Royce at ako ay nakasakay sa Audi R8 ni Royce while si Richard brought his R8 also. Royce's is dark gray while Richard's is black. What's with men and their cars? Nakakagwapo talaga.

Bumulong si Paolo sa akin.

"Day, ang taray ng tsekot nila pero siyempre di ako papatalo."

"Oo alam ko! Ikaw pa! Ang dami mo masyadong kotse, e iisa ka lang."

"Siyempre para makakuha ako ng papa."

"Landi!"

Nagtatawanan kami ni Paolo papasok ng resto.

"What's funny? Kayo talagang dalawa, pagmakasama kayo, OP na ako." Sabat ni Royce.

"Hindi naman. Tinatanong kase ni Meng kung ano meron sa kotse. Bakit daw hilig ng lalaki ang mga mamahaling kotse?"

"Oo nga! Bakit nga ba?" Dagdag ko.

"Well, dagdag pogi points."

"So ayun nga Meng. Alam mo na."

"Sa akin gwapo kapag mabait. Kapag gentleman kahit nakabike lang."

"Echosera con impakta ka talaga bessy!" Eto na naman sa gay lingo si baklang Paolo.

"It's not the car. Siyempre kapag mabait at simpatiko ang lalaki, malaki na puntos sa akin."

"So bes, you mean to say, malaki na puntos ni Royce sayo?"

"Ha?" Kakainis si Paolo, nahahalata tuloy akong hindi ko type si Royce.

"Well." Sabi pa ni bakla.

"Tara na. Naghihintay na sila doon sa table." Putol ko sa sasabihin pa ni Paolo. Pero si Royce napapailing at parang nalungkot.

Inalalayan ako ni Royce paupo sa mesa. Sa master's, doon nakaupo si Pao and kaharap ko si Richard while si Andrea naman si Royce ang nasa harapan. Nasa right side ako ni Paolo from the master's seat and si Richard sa left. Ang saya diba. Pinagtapat pa.

"So what do you like, Maine?" Tanong ni Richard.

"Yes, sweetie, what do you like?" Tanong ni Royce sabay hawak sa braso ko.

"Kayo? Andrea, anong gusto mo?" Sabi ko naman.

"Anything. Ano ba house specialty dito?"

"Ako na oorder, ang tagal ng tanungan ha! Nasisira na ang beauty regimen ko sa inyo!" Sabat ng ever reliable friend to the rescue kong si Paolo.

Paolo ordered so many food from the menu. Akala mo fiesta.

Napaka-awkward talaga ng sitwasyon namin ngayon. Si Richard na katitig sa akin samantalang kanina pa nagkwekwento si Andrea. Ako naman pilit iniiwasan ng tingin si Richard kase nakikita ko kung paano siya may side ngisi. As in, smirking ang loko. Feel na feel ang pagiging uneasy ko. Si Royce naman napaka-serious sa kwentuhan nila ni Andrea that he forgot na may kasama sila sa table. Aaminin ko bagay sila. Kaya lang pagkakataon nga naman. Ikakasal na yun isa. And isa pa, hindi naman si Andrea ang nililigawan ni Royce kundi ako. Hinayaan ko lang sila magkwentuhan and I kept myself busy sa pagkain.

"Psst." Tawag ni Paolo.

"Bakit?" I mouthed without sound.

Tumuro si Paolo sa CR. Kaya tumayo ako. Pagtayo ko, sabay tumayo si Royce at Richard.

"Comfort room lang." Paalam ko.

Umalis na ako. Nakita ko na maya-maya ay tumayo si Paolo para sumunod.

"Hoy babae! Alam ko ginagawa mo!"

"Anong ginagawa ko?"

"Talagang hinahayaan mo si Royce na iflirt nun syota niyang crush mo no?"

"Gaga! Di ah! Di ko alam mga pinagsasabi mo!"

"Maang-maangan! Ikaw nga huwag ka ngang ganyan. Hayaan mo sila."

"Yun nga. Malay ko ba na may chemistry."

"Kahit na. Pero last na ito. Di na tayo sasama sa mga alok nila. Bawal na!"

"Nanay opo!"

"Lukaret!"

"Tara na! Yan lang pala sasabihin mo, kala ko naman kung ano!"

"Bakit ano pa?"

"Wala na! Tara na!"

Bumalik kami ni Paolo sa mesa. Tumayo muli ang dalawang lalaki. Gentleman nga daw diba. Baka nagpapa-impress.

Pero what if si Andrea at si Royce na lang? Tutal bagay sila. At kami ni Richard. Hay malamang unang-una ng aayaw si Paolo. And isa pa, si Richard, kahit gusto ko pa siya, di ko naman hahayaan na mabiktima niya ako no! At lalong di ako papayag na maging isa sa mga babae sa listahan niya. Sa tingin ko pa lang, ang laki na ng pinagbago niya. Base sa mga  nabasa ko tungkol sa kanya, nalaman ko na Millionaire playboy ang bansag sa kanya.

A/N No proofread.



Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon