tatlumpu't dalawa

1.2K 90 4
                                    

Pag-uwi namin ni Paolo sa bahay, abot hanggang tenga ang ngiti ko.

"Baliw!" Sabi ni Paolo.

"O inaano kita diyan?"

"Nakakainis kase yang ngiti mo! Wagas na wagas! Porke nakaganti ka kay Richard."

"Diba I told you not to mention that name? Ano, kampi ka na sa kanya?"

"Hindi sa ganun! Nakakainis kase yang ngisi mo! Tumingin ka sa salamin ng mainis ka rin!"

Tumingin naman ako sa salaming nadaanan ko.

"O anong masama sa ngiti ko?"

"Wala! Basta nakakainis ka! Yun yon!"

"Hoy bakla! Huwag ka ngang feeling buntis!"

"Dami mong sinasabi! Dyan ka na nga! Mapunit sana yang mukha mo!"

"Ahahaha! Pikon!"

Iniwan na ako ni Paolo at umakyat sa kwarto niya ng padabog. Ako naman ay sumunod na rin at pumasok sa kwarto kona ngingisi-ngisi.

Aaminin ko, nag-enjoy ako sa dinner na iyon. Yung akala ko na ako ang talo e ako pala ang panalo. Sa ngayon.. may bukas ulit. Baka gumanti? Pero handa ako."

Pero nakokonsensiya rin ako kase pati si Dominic na walang muwang ay nadadamay sa paghihiganti ko. He's so nice pa naman.

Bago matulog, inisip ko pa yun ibang mga naganap.

I went to the comfort room para magretouch ng make up ko. Noong palabas na ako ay nag-aabang ang hudas na Richard na iyon.

"Umalis ka nga sa dadaanan ko!" Utos ko sa kanya.

"Mag-usap tayo!"

"Tungkol saan? Wala na tayong dapat pag-usapan! Diba tinapos mo na?"

"Oo nga! Pero ayokong  nakikitang sumasama ka sa Dominic na iyon!"

"Hello? Ayos ka rin no! I'm single and I can date whoever I want to date. Wala kang pakialam! Huwag kang unfair! As far as I know, break na tayo after one day na naging tayo. So wala kang karapatan na pagbawalan ako! Tabi nga diyan!" Tinabig ko siya pero hinila niya ang braso ko.

"Ayoko! And when I say ayoko, ayoko!"

"Wala kang pakialam sa akin, Mr. Faulkerson! Walang wala!"

"I do!"

"Really? Kailan naman yan?"

"Mahiya ka naman! Wala pang 3 months ang break up natin, kung kani-kanino ka na sumasama! Ibang klase ka rin no!"

"Tell that to yourself, Mr
Faulkerson! Huwag ako lang ang sabihan mo! And isa pa, hindi ako nakikipagharutan sa mga public place tulad mo! Disente akong babae!"

Iwinasiwas ko ang mga kamay niya na nakahawak sa braso ko para makawala sa pagkakahawak niya.

Hindi na siya humabol. So isa lang ang ibig sabihan, bahag ang buntot! Sugod ng sugod sa giyera, wala palang dalang bala.

Pagbalik ko, lalo ko pa siyang ininis. Mas naging touchy ako kay Dominic. Yun simpleng paghampas sa balikat ni Dom ng mahina. Yun paglagay ng braso ko sa balikat ni Dominic, enough para lalong mabuwisit sa akin ang hudas.

Napansin nila Paolo ang simpleng tira-han namin kaya sila na rin nagsabi na tapusin na ang dinner at magkita na lang sa mismong kasal.

Pero may pahabol pa ako, doon ako sumabay kay Dominic, at si Paolo ay mag-isa sa sasakyan niya. Nag-convoy kami.

Pero bago pa man kami umalis, nakita ko ang matalim na tingin niya sa amin ni Dominic. Naka-abrisyete kase ako para lalong maasar.

O diba? Nakarami akong puntos. Sino ngayon ang talunan? Not me!

Nangingisi na naman ako. Naiisip na ngayon, nabaligtad na ang mundo, sino na ngayon ang mas apektado? Maramdaman naman niya ang ipinaramdam niyang sakit sa akin ng nakalipas na buwan.

It's payback time na. And the war has just began..

A/N Mamaya po ulit!

Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon