dalawampu't lima

1.2K 96 4
                                    

Habang masaya kami ni Richard na nag-uusap sa tabing dagat ay bumalik na sila Royce at Andrea.

Lumapit kami agad sa kanila.

"Alam ko na. I'm sorry Richard, di ko alam na kayo na pala." Bungad ni Royce.

"Okay lang pre. So ayos na?" Sagot ni Richard.

"Wala ng magagawa. Pero mas okay na yan." Si Royce.

"Di ka galit, Royce?" Tanong ko sa kanya.

"Okay lang. I hope you'll be happy, Meng."sagot niya.

"Tara na. Let's go back sa rest house." Yaya ni Andrea.

Lumakad na kami. Kinuha ni Richard ang kamay ko at hinawakan ito.

Bumulong ako sa kanya.

"Sa tingin mo nagkaintindihan na sila?" Tanong ko sa kanya.

"I hope so, babe."

Tumango na lang ako. Tinignan ko sila Royce at Andrea na nauunang naglalakad. Wala naman kakaiba kaya lang pansin ko na medyo may hiyaan sila.

Pagbalik sa rest house, sinundan ko si Andy sa kusina.

"Anong nangyari?" Tanong ko kaagad sa kanya.

"Ayun. Medyo malungkot siya. Pero huwag kang mag-alala matatanggap niya yun. Tutulungan ko siya."

"Salamat ha. Pero bagay kayo."

"Talaga?"

"Oo naman. Tulungan ka din namin na mapansin niya. Akala ko pagbalik kayo na."

"Di naman posible yun. Konti-konti lang muna. Pero I promise, pipilitin kong mainlove siya sa akin."

"That's my girl!"

"Paano kaya?"

"Magluto tayo. Para sa kanila. The best way to a man's heart is through his stomach."

"Tama. Iluto ko yun forte ko."

"Sige. Masaya yan."

Inutusan niya ang kanilang tagapamahala ng rest house na  bumili ng ingredients ng recipe namin. Excited kami.

Habang naghihintay, bumalik kami sa sala para makipagkwentuhan sa nga lalaki.

"Babe, dito ka." Tawag ni Richard.

Umupo ako sa tabi niya. Humalik pa sa ulo ko sabay akbay sa akin.

"Royce, alam mo masarap ng may minamahal." Bungad pa niya.

Napailing kami ni Andrea.

Tumingin si Royce sa amin at kay Andrea. Ngumiti si Andrea na parang nagpapacute.

"Bakit di mo sinabi agad sa akin, Meng?" Tanong niya.

"Pasensiya na. Akala ko kase ikakasal na sila ni Andy. Yun pala arranged marriage lang."

"So paano yan? Anong mangyari, Andy, Richard?"

"Pagbalik namin, magsabi na ako sa Papa ko. Ayoko naman ipilit ang mga ganyang bagay."

"Kunsabagay."

"Ako din. Magsasabi ako sa Lola ko. Matagal akong naging duwag ng hayaan kong lumayo si Meng sa akin, ngayon, di na ako papayag. Babe, magpakasal na kaya tayo?"

"Richard, ano ka ba? Hindi ganyan." Sagot ko.

"Pero, babe? Ayoko ng maghiwalay tayo."

"Ako din naman. Pero kailangang maghintay tayo."

"Kunsabagay."

Nakatingin lang yun dalawa sa amin.

"Paano kung di pumayag ang Papa mo? Ang lola ni Richard?" Tanong ni Royce.

"Bahala na. Tatakas ako." Sagot ni Andy.

"Di rin ako papayag. Mahal ko si Meng." Sagot naman ni Richard.

"May suggestion ako." Sabi ni Royce.

"Ano?" Tanong ko.

"Pakasal ka sa akin, Andy?" Deklara niya.

Nagulat kami.

"Ano?" Tanong ni Andy.

"Papayag ka ba?" Balik ni Royce kay Andy.

"Sigurado ka ba?" Tanong naman ni Andy. Nakamasid na lang kami.

"Ako din, Meng, pakasal na tayo." Nakisawsaw naman itong boyfriend ko.

"Anong pakasal, Richard?" Sigaw ni Paolo na pupungas-pungas pa.

"Magpakasal na kaming apat. Double wedding." Sagot ni Richard.

"Teka, di pa ako pumapayag." Awat ko.

"Ako din." Si Andy din.

"Mga Echosera! Teka, di ako papayag na walang documentation yan. Asan pati ang singsing ninyo? Paano kayo paniniwalaan?"

"Oo nga no!" Sagot ni Richard. Bumulong itong bf ko kay Royce.

Bigla silang tumayo at lumabas. Nagmamadali. Parang alam na namin kung saan  pupunta.

Kami naman ni Andy ay tumayo na rin at papunta na sa kusina dahil dumating na yun inutusan namin.

"Aba! Mga letche kayo! Iniwan niyo ako dito? Ano na?" Sigaw ni Paolo.

"Mamaya yun continuation ha.." sabi ko sabay tawa at umalis na kami.

"Ang lalandi! Paano ako? Sino partner ko?" Napasabunot siya sa ulo niya.

A/N sorry for the late update. Will try later. Thanks!



Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon