I drove without even looking back. Hilam ang mata sa luhang dumadaloy dito.
My heart says I wanted to go back to beg him to take me back, but my mind says otherwise.
When I was a hundred kilometer away, itinigil ko muna ang sasakyan ko sa isang gasoline station. I want to slow down. Halu-halo ang nararamdaman ko pero isa lang ang nangingibabaw, I'm brokenhearted.
I cried and cried. By now, alam na nila na umalis ako.
I heard my phone ringing. Tinignan ko kung sino. It was Paolo. I did not answer the phone. And then Andy and Royce are calling din pero dinivert ko sa voice mail ang tawag nila. I'll return their call kapag okay na ako.
After 30 minutes of self pity, I continued my journey. Alam kong wala naman akong magagawa na dahil he already decided to leave me. All that is left is to accept and move on.
☆☆☆
Dumating ako sa bahay past seven ng gabi. Nagulat si Nanay dahil akala niya ay kinabukasan pa ako uuwi. Of course hinanap niya s Paolo, pero I told her, naiwan siya. I also told her what happened.
"Anak, wala kang kasalanan. Tama naman ang ginawa mo. Pero kung napagpasyahan mong magpakasal kay Richard ng mga oras na yun, hindi ako tututol alam ko kase na mahal mo siya dati pa. Pero dahil nanaig sa iyo ang natutuhan mo sa akin ang maghintay ng tamang panahon, anak, proud ako sayo. Masasabi kong naging matagumpay ako sa pagpapalaki sayo kahit wala na si Tatay mo. Mahal na mahal kita anak. Tandaan mo yan. Kung ano man ang maging pasya mo at magiging pasya mo pa sa hinaharap, mahal pa rin kita at susuportahan kita anak." Umiyak akong muli kay Nanay. Hindi talaga siya nauubusan ng magagandang sasabihin. Maswerte ako na may ina akong katulad niya.
"Nanay, salamat po. Mahal ko din kayo. Huwag kayong mag-alala, magiging okay din ako. Magiging masaya din ako. Pangako yan."
"Sige. Tama na pag-iyak. Maganda ka, marami pang lalaking iba diyan ang magmamahal sayo. Huwag kang malungkot."
"Nay, siya lang ang mahal ko. Alam ko yun. Pero kung di na niya ako mapapatawad at maiintindihan kahit kailan, tatanggapin ko. Basta alam kong nandiyan kayo ni Paolo, kakayanin ko, Nay."
"Mabuti naman anak. Kumain ka na ba? Baka nagugutom ka na?"
"Nay, hindi po ako nagugutom. Matutulog na po muna ako at masama ang pakiramdam ko." Hinipo ni Nanay ang noo ko.
"Wala ka namang lagnat. Sige, ipahinga mo ang isip mo. Maaayos din ang lahat. Magtiwala ka lang sa Diyos."
"Salamat Nay. Salamat." Umakyat na ako. Naligo ng matagal. Gusto kong mag-emote sa banyo. Para katulad ng pagtapos ng pagtulo ng tubig ay tumigil na rin ang pagtulo ng luha ko. Buti pa ang shower, naititigil ang pagpatak ng tubig, pero ang luha ko, hindi.
Makalipas ang ilang minuto ay nagbihis ako ng pajama ko at simpleng malaking tshirt. Pinatay ang lahat ng ilaw. Gusto kong magluksa. Wala na sa akin ang lalaking pinakamamahal ko. Ayaw na niya sa akin. Iniwan na niya ako.
Ipapahinga ko muna ito. Baka bukas, magising ako sa masamang panaginip na ito. Sana..
A/N More updates coming...
BINABASA MO ANG
Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) Completed
FanficAn AlDub/Maichard AU story. My 10th story about Maine and Alden.