apatnapu't tatlo

1.2K 89 1
                                    


As a married couple, you can say na maayos ang samahan namin. Minsan may ilang misunderstandings pero we worked it out din. Kailangan naman kase minsan yun tampuhan para malaman ng bawat isa yun do's and don'ts.

Three months into the marriage, we were still like boyfriends/girlfriends. I don't give him reasons to get jealous and same with him, ayaw niya akong magselos kung sino man ang lumalandi sa kanya. The trust is so strong, wala atang makakatibag. 

And sabi ni Nanay, mas maganda daw iyon kase mahalaga ang tiwala sa isang relasyon.

Close na si Nanay at Richard. Actually parang tunay na anak na rin ang turing ng Nanay kay Richard. Kaya masaya ako. Ganun din si Richard, buti daw doon kami tumira sa bahay kase may kasama kami na matanda na magpapayo sa amin kapag may problema. Nabago na yun pananaw niya sa pagsasarili. Pero siyempre dapat din kaming matuto sa buhay. Yun bumuo ng sariling pamilya at mamuhay ng di umaasa sa magulang.

Maayos din naman ang trabaho namin sa ngayon. Si Richard, masaya siya sa itinatakbo ng business niya. Same way sa amin ni Paolo.

Sa relasyon naman naming mag-asawa kay Nanay, okay naman. Hindi naman pakialamera si Nanay.

Si Paolo nga ang mas pakialamero pero dahil alam ni Paolo kung hanggang saan lang daw siya pwede makialam, hinahayaan na niya sa aming mag-asawa ang diskarte. Anyway, Paolo is always out of the town, mukhang may bf ang loka.  Sana nga lang hindi na naman ito katulad ng dati na hinuthutan lang siya tapos yun pala may tunay na jowa. Pinagsasabihan ko nga rin minsan na huwag masyadong ma-fall at tandaan na hindi ordinaryong pag-ibig ang sa kanya. Brutal nga daw ako pero totoo naman. Wala na kaming maitatago sa isa't-isa bilang magkaibigan. Para ng magkadikit ang aming bituka.

Kaya masaya na ako sa buhay ko. Wala na ata akong mahihiling pa lalo na at nagdadalang-tao na ako. Two months na ang baby sa tiyan ko. Napakaselan ko ngang maglihi. Hindi naman yun tulad ng sa pelikula na naghahanap ng kakaibang pagkain sa madaling araw o sa hindi panahon nito, hindi yun ganun. Suka ako ng suka. Ayaw ko ng amoy ng naggigisa, ng pabango, tamad akong maligo dahil ayoko ng amoy ng sabon at shampoo. Nahirapan pa nga si Richard maghanap ng sabon na walang amoy. Sa shampoo, pahirapan. Kaya bago ako makatapos maligo, hilong-hilo ako.

Ang gusto ko lang amuyin ay alkohol. Oo na-aadik ako sa amoy nung parang masakit sa ilong.

Mapili rin ako sa pagkain. Ayoko ng sinigang na dati ay paborito ko, yun manok di ko masikmurang kainin kaya naiiyak ako kapag nagpriprito sila Nanay ng Fried Chicken kase di ako makakakain, mas gusto ko yun Longganisa.

Gusto ko rin laging malamig at madilim sa kwarto. Basta maghihiga lang ako.

Isa pang hilig na hilig ko,  ganun daw ata yun, dahil alam kong lalaki ang tiyan ko kaya yun insecurity ko grabe. Di nga ako selosa pero gusto kong laging kasama ang asawa ko, and lagi kaming intimate. As in, maya't-maya. Napapagod na nga siya minsan pero gusto ko pa talaga. Minsan sabi niya na baka makunan ako sa araw-araw na activity naming mag-asawa sa kwarto. Kaya yun din pinag-aawayan namin. Naiinis ako kapag di niya ako napagbibigyan kase nga pagod sa trabaho. Kaya iyak ako ng iyak. Kaya nakukuha ko ang gusto ko. Ganun ata yun e. Di ko alam.

Ang hirap talagang maglihi.  Nakakadala. Isang buwan pa daw na ganun kase dadalawang buwan pa lang akong nagbubuntis. Pinagleave na ako ni Paolo at Richard kase nga nahihirapan din akong magtrabaho at lahat ng nasa paligid ko, pakiramdam ko mabaho. Kahit naman mabango talaga sila. Si Richard, di muna siya nagpapabango. Nagtitiis din siya. Nasusuka na kase ako kapag naamoy ko yun amoy pabango niya. Mas gusto ko yun natural na amoy niya. Nakaka-el.

Bwisit na bwisit ako at magsusuka na naman ako kapag nakakaamoy ako ng pabango o ng kahit na may amoy. Wala na nga akong gaanong nakakain, magsusuka pa ako, kaya ayun ang daming binigay na vitamins ng doktor kase anemic na daw ako.

Pero sa kabila ng lahat, kaya kong tiisin ang hirap, kase sa totoo lang ang mahalaga ay magkakaroon na kami ng anak ni Richard. Makukumpleto na yun pamilya namin.

A/N Konti na lang..

Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon