Para kaming bata na naglakbay ng walang patutunguhan..
Walang dala ni isa kahit man lang damit na pamalit, nagpatuloy kami papunta sa isang resort sa Batangas.
Nagkasundo na kaming ituloy iyong kasal. Alam kong mag-aalala si Nanay pero mauunawaan niya. Tinawagan ko si Paolo at sinabing aalis kami ni Richard at sinabi ko rin na wala kaming tiyak na pupuntahan. Pero sinabi ko rin na sabihin kay Nanay na huwag mag-alala dahil sinunod ko ang magpapaligaya sa akin. Uuwi rin ako kapag naayos na namin ni Richard yun balak namin. Naunawaan naman ni Paolo at sinabi niyang siya na bahala. Medyo nakahinga ako.
☆☆☆
Buong paglalakbay namin ay nakahawak ang kamay niya sa kamay ko. Pati pagkambyo kasama pati kamay ko.
Natatawa ako sa boyfriend ko.
"Babe, di ako mawawala. Bitawan mo na kaya muna ang yung kamay ko at ng makapagdrive ka ng maayos."
"Ayoko Babe. Dito lang ito." Hinalikan pa niya ang kamay ko.
"Pagtayo, naaksidente, lalo na tayong di makakasal."
"Hindi yan. Pero sige na nga. Dikit ka na lang sa akin. Please. Masaya lang ako kase magkabati na tayo."
"Okay. Sige na pagbigyan na kita."
Humilig ako sa balikat niya. Halos nakaupo na ako sa gitnang bahagi ng harapan ng kotse.
"Babe, wala tayong damit na dala.. paano yan?"
"E di maghubad na lang tayo."
"Sira ka! Di pwede."
"Bakit, magpapakasal na tayo. Kung ano man mangyari mamaya, papanagutan ko. Bukas na bukas pupunta tayo sa judge na kakilala ko."
"Hindi. Basta kailangan natin ng damit."
"Okay. May souvenir shop sa resort. Doon na lang tayo bumili."
"Okay."
So ayun nga, nagtuloy kami sa isang resort sa Nasugbu, Batangas. Sa Canyon Cove. Wala nga halos taong nakacheck in sa hotel, kaya halos kami lang ang naroon.
Nangingiti ang receptionist sa amin. Nakapang-abay pa kase ang suot namin.
"Mam, Sir, ako po si Wally at ito po si Ruby, mukhang nagtanan kayo, Sir." Sabi ng kalbong receptionist.
"Ganun na nga. Paki turo kung saan yun souvenir shop. Wala kase kaming dalang damit ng girlfriend ko."
"This way Sir. Naku, maganda dito. Tago na sa tao, di pa kayo mahahanap ng magulang ng girlfriend ninyo."
"Ganun po ba?" Tanong ni Richard. Napapailing na lang ako sa convo nila. Inilagay ni Richard yun coat niya sa balikat ko at inalalayan akong lumakad na.
"Kuya Wally na lang. Tara po.
Sumunod kami kay Kuya Wally.
Sa souvenir shop, bumili lang kami ng konting damit at underwear. Pati lahat ng kakailanganin namin. Bukas na lang ng maaga kami mamimili ng damit. So talagang magtatagal kami dito? Malamang. Mamimili daw ng mga damit e.
So isusuko ko na kaya ang Bataan ngayong gabi? Ma at Pa! Basta bahala na.
A/N I'll try to finish this today. I hope kaya ko po. Share your thoughts.
BINABASA MO ANG
Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) Completed
FanficAn AlDub/Maichard AU story. My 10th story about Maine and Alden.