labing-dalawa

1.2K 101 6
                                    

The rest of the night was a wreck. Nakakahiya talaga sa kadate kong si Royce.

Nag-isip ako ng malapit na kaming matapos magdinner ng option para makabawi. Nakakahiya talaga kung hindi ako babawi kay Royce kaya I asked him na lang to have coffee after dinner sa ibang lugar.

"Royce, I'm sorry for tonight. Pero I want yo make up to you. Will you have coffee with me sa ibang lugar? I mean, my treat."

"It's okay. That would be nice."

"Thank you! So let's go?"

"Sure. Bayaran ko lang ito." So tinawag na niya ang waiter for the bill.

Not too long din ay we are on our way outside when badluck strikes again.

Sabay kami papalabas nila Richard at ng date niya.

"Mr. Faulkerson! What a pleasant surprise!" Bati ni Royce sa kanya.

"Mr. Madrigal!" Iniaabot ni Royce ang kamay niya kay Richard to shake hands.

"Have you met, Miss Maine Mendoza, my date?"

"Hi, Maine!" Bati sa akin ni Richard.

"Hello there, Mr. Faulkerson and..."

"Andrea. Andrea Peralta. You look good together, Miss Mendoza, Mr. Madrigal."

"Kayo din!" Sabi ni Royce. Ngumiti lang ako and pretended na wala lang sa akin at di kami magkakakilala ni Richard.

"Royce, let's go?"

"Okay, sweetie. Mr. Faulkerson, Miss Andrea, nice to see you."

"Same here!" Sagot nung Andrea.

Tumalikod na ako as soon as she said that. Ayoko ng makipagplastikan kay Richard. Naramdaman kong nakatingin pa rin si Richard sa aming dalawa ni Royce. Pwes, mabuti na rin na ganun. At least alam niya na hindi ako sisipot sa usapan kinabukasan. Magsasayang lang ako ng oras.

Nang makalapit na kami sa kotse niya na ipinasa ng valet parking attendant ay tinanong niya ako.

"Are you okay? Bakit parang lalo ka atang nairita?"

"Huy! Nu ka ba! Hindi. Ganito lang talaga ang mukha ko,mukhang iritable lagi. Don't say that."

"Okay. Sure ka ba?

"Oo naman. Ikaw talaga! Napaka-observant mo naman!"

"Hindi naman. Come on, saan tayo?"

"Ikaw bahala.  Basta my treat!"

"No need. Ako na. Ako naman ang nagyaya sayo ng dinner, til' coffee, ako dapat." Di na ako nakipagtalo. Napakarami ko ng palpak ngayong araw na ito.

"Sinabi mo e."

Tinulungan niya akong makapasok sa sasakyan bago siya pumunta sa driver's side. Tunay ngang gentleman ang taong ito. Hindi malayong mahulog ako. Pero hindi pa sa ngayon.

I realized, I'm just going to give myself a chance and Royce, too. Kaysa naman hanggang ngayon ay umaasa ako sa isang taong kahit kailan ay di naman ako nabigyan ng kahit na konting pagpapahalaga.
Wala namang masama na magbigay ng pagkakataon sa ibang tao. Isa pa, kailangan ko ring lumigaya kaysa laging naghihintay sa wala. Di lang naman siya ang lalaki. Might as well, go with the flow, kung saan man kami dadalhin ng friendship namin na ito ni Royce, hahayaan ko na.

And kay Richard, siguro it's about time na tapusin na ang chapter ng buhay ko na may kinalaman siya. Mahirap man pero kailangan. And I know kaya ko ito.

A/N Later na po ulit ang update. May lalakarin lang pong importante. Just enjoy the rest of the afternoon!

Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon