Hindi ko na sinabi kay Nanay ang nangyari. Di rin naman nagsabi si Donya Rosalinda sa kanya. Marahil dahil di na ako bumalik sa loob at nagwalis na lang sa bakuran nila ng lumabas ako.
Pinalipas ko na lang ang araw na yun. Katulad ng napag-isipan ko na medyo lumayo kay Richard dahil alam kong mas mahalaga ang trabaho ni Nanay sa mansyon kaysa sa pakikipagkaibigan ko kay Richard.
Di ko rin naman masyado nakita si Richard dahil marahil pinagbawalan na ng lola niyang makipagkita sa akin.
Lumipas ang ilang araw ay di kami nagkikita ni Richard. Iniwasan ko ang pagpasok sa bahay. Lagi lamang ako sa labas at tumutulong sa mga hardinero o kaya ibang katulong sa paglilinis ng bakuran. Pero sa murang edad ko ay namimiss ko ang kaibigan ko. Nais ko siyang makita o masilayan man lang.
Ngunit sadyang ganun ang tadhana, dahil sa katayuan namin sa buhay, langit siya at lupa naman ako ay natanggap kong hanggang doon na lamang ang aming pagkakakilala.
Isang araw ay napagpasyahan kong magpaiwan na lang sa bahay at gumawa ng ibang bagay na makakatulong sa amin ni Nanay tulad ng pagtitinda ng banana cue at kamote cue sa aming lugar.
Nakilala ko ang aking bagong kaibigan, si Paolo, isa siyang binabae. Hindi nga lang niya ito maipahalata dahil labag iyon sa kagustuhan ng Tatay niyang pulis. Kami lang ang nakakaalam.
Buti pa ang magulang ni Paolo, tanggap ako. Akala kase nila ay magkasintahan kami dahil palagi kaming magka-abrisyete.
"Bessy, salamat sa pagtatakip sa tunay kong pagkatao ha!" Bungad ni Paolo isang araw na naglalako kami ng paninda ko.
"Wala iyon. Ikaw pa e ikaw lang naman ang kaibigan ko."
"Salamat talaga. Nawala ang pagdududa ni Tatay na bakla ako."
"Bakit nga ba ayaw mong sabihin ang totoo?"
"Gusto mo bang majombag ako?"
"Oo nga no? Huwag na nga, baka mamaya masira ang maganda mong mukha."
"Hahaha! Kwento mo nga uli yun tungkol dun sa Richard. Ano na nangyari?"
"Wala. Ayun di ko na nakita simula ng pagalitan kami ni Donya Rosalinda."
"Ang sama ng tanders na iyon! Sarap krompalin ng mukha."
"Shhh! Baka may makarinig sayo. Tara na ng makaubos na ako. Magluluto pa ako ng hapunan namin ni Nanay."
"Okay. Tara na bessy!"
Palagi kaming magkasama ni Paolo. Halos siya ang kasama ko buong araw kaya mapagkamalan kaming mag-nobyo.
Isang araw, habang naglalakad kami at naglalako ng paninda ay bigla kaming tinigilan ng isang kotse.
"Meng?"
Si Richard.
"Richard?"
Bumaba siya sa sasakyan. Si Manong Rod lang ang kasama niya.
"Hinihintay kitang bumalik. Pero bakit?"
"Pasensiya ka na Richard ha, kase ano e.. kase nga nagtitinda na ako kaya di na ako pumupunta sa mansyon."
"Ganun ba? Sino siya?" Nakatingin si Richard kay Paolo. Si Paolo naman ay nakatulala.
"Paolo, si Richard. Richard, si Paolo, kaibigan ko."
"Hi, Richard." Ang landi ng gaga.
"Ha ah eh.. Hello." Nauutal na sagot ni Richard. Napagtanto na siguro niya na bakla si Paolo.
"Sige na, baka naiinip na si Mang Rod. Aalis na kami. Madami pa akong paninda."
"Sandali, pwede ba tayo mag-usap. Wala naman si Lola e."
"Ah eh... Sige.." lumayo kami ng bahagya kay Paolo.
"Meng, namiss kita. Ako ba namiss mo?"
"Ha? Siyempre. Pasensiya na ha, umiiwas lang ako na mapagalitan ka pa ng lola mo."
"Pasensiya na rin. Di ko gusto ang sinabi ni Lola. Ako na humihingi ng dispensa."
"Wala iyon. Hayaan mo na."
"Pwede ba kitang makita kahit sandali lang. Saan kita pwede makita?"
"Naku, baka malaman ng lola mo?"
"Hindi. Magdahilan ako. Isa pa, hindi lumalabas iyon."
"Natatakot ako."
"Huwag. Basta gusto kitang makita. Hayaan mo naman ako."
"Ah eh.. sige. Pero sana maging maingat tayo. Kase baka mahuli ka ng Lola mo."
"Pangako."
"O paano, aalis na kami. Nagpapapadyak na si Paolo e."
"Ay oo nga. Sige, ingat ka."
"Sige salamat."
☆☆☆
Naging madalas ang pagkikita namin. Kasama ko lagi si Paolo. Si Paolo ang nagsilbing lookout namin.
Nagkaayos kaming muli bilang magkaibigan. At masasabi kong masaya kami.
Sa halos dalawang buwang pagtatagpo namin ng lihim ay naging mas malalim ang aming pagkakaibigan.
Mas lalo ata akong nahulog. Ngayon mas malinaw na ang lahat. Ngunit si Richard, di niya alam ang nararamdaman ko para sa kanya.
Ngunit ang kaligayahang iyon ay agad ding napalitan ng lungkot.
Aalis na kase siya papunta sa Maynila at doon na mag-aaral ng kolehiyo. Ako'y nasa Third Year High School pa lang kaya maiiwan ako dito sa San Rafael.
"Meng, aalis na ako sa makalawa. Mamiss kita. Alagaan mo ang sarili mo ha"
"Ikaw din. Mamiss kita. Sulatan mo ako."
"Di na uso yun sulat. May cellphone na."
"Wala naman akong cellphone."
"Eto, ibibigay ko sayo."
"Huwag, sayo iyan. Sulat na lang."
"Okay lang. Eto tanggapin mo!" Iniabot niya sa akin ang isang Nokia 3310 na bagung-bago.
"Ayokong tanggapin."
"Hindi! Magagalit ako sayo. May pambili pa ako niyan."
"Sige na nga. Pero kapag nakaipon ako, babayaran ko ito ha?"
"Hindi na kailangan. Regalo ko sayo yan. Basta mag-aral kang mabuti at hintayin mo ako. Alagaan mo ang sarili mo. Mamiss kita." Hinalikan niya ako sa ulo. Yumakap ako sa beywang niya. Ang sakit!
"O paano, uwi na tayo. Baka hinahanap na tayo sa bahay."
"Sige." Hinila ko na si Paolo paalis sa lugar. Si Richard naman ay nakatayo lang habang pinagmamasdan ang pag-alis namin. May dala siyang bike.
Ang sakit. Pero kailangan kong tanggapin para sa kanya. Para sa magandang kinabukasang naghihintay sa kanya.
At ako. Dito lang ako. Ni hindi ko alam kung mabibigyan din ako ng pagkakataong makapag-aral ng kolehiyo.
Masakit. Nakakalungkot. Pero kakayanin ko.
A/N No proofread pa rin.
BINABASA MO ANG
Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) Completed
FanfictionAn AlDub/Maichard AU story. My 10th story about Maine and Alden.