I've been exploring the world. For a year, nag-ikot ikot ako sa buong mundo without thinking of going back. But then I had to come back kase Nanay is sick.I had to book a flight back to Manila 3 days before my first year anniversary of being single again. Kundi pa nagkasakit si Nanay, hindi ako uuwi.
I've been to different places, making money through the ads on my Vlog. Enough to feed me and pay for my hotel accomodations. Nung una, personal expenses ko gamit ko, pero when I started Vlogging, dumami ang sponsors and ads sa channel ko which helped me para di ko na magastos ang savings ko. It was enough. Living in cheap hotels and eating noodles to get by, I survived. Tiniis ko iyon just to show the world, kaya kong mabuhay sa pamamagitan ng pagtratravel. And though mahirap, I was happy. Beyond happy pa nga. I found my happiness. I forgive myself na sa katangahan ko.
I had dated men along the way, pero wala. One almost got me, this French guy, turns out we did not click. No intimacy, kaya siguro nanawa. Ayokong madungisan ang katawan ko. I don't know why. Am I saving myself for Richard ba? Siguro. Have I moved on? Yes. Pero yun pagmamahal? I guess no! My heart is always his. Eversince. So what seems to be the problem? Maybe may iba na siya. Nakamoved on na rin siguro siya. And thinking na babalik ako sa kanya just to admit my fault of not hearing him out, di ko kaya yun. Let it be. I still can manage.
As soon as tumuntong ako sa Manila, diretso ako sa hospital. Nanay is confined due to stroke. Pero she's doing fine na and she's undergoing therapy. Thank God Paolo is my bestfriend. Inalagaan niya si Nanay kahit hindi siya tunay na anak.
Pagpasok ko sa kwarto ni Nanay, she was sleeping. Bitbit ko pa ang nag-iisang travel luggage ko kase dumiretso ako sa ospital instead sa bahay.
"Nay, nandito na ako.." naiiyak akong yumakap kay Nanay.
"Meng, anak.. kamusta ka na?"
"Ayos naman ako Nay. Huwag na muna kayo magsalita, basta dito na ako. Di na muna ako aalis."
"Huwag ka na munang umalis anak. Baka mamaya hindi na ako magtatagal."
"Nanay naman, bata pa kayo. Huwag kayong magsalita ng ganyan. Basta di ako aalis. Dito lang ako."
"Pangako?"
"Opo Nanay." Nagyakap lang kaming mag-ina.
Dumating si Paolo.
"Umuwi ka rin, bruha ka!" Binatukan pa ako.
"Ganyan ba talaga bati mo?"
"Oo. Gaga! Sasabunutan pa kita. O ano, aalis ka na naman ulit?"
"Hindi na muna. Dito muna ako sa tabi ni Nanay. Saka na kapag malakas na si Nanay."
"Gago! Huwag ka ng umalis. Bumalik ka na sa trabaho. Miss na miss na kita!" Umiyak na ang bakla.
Ako din umiyak na. Nagyakap kami. Hindi pa rin pala ako nag-iisa. Kasama ko pa rin si Paolo. Till death do us part.
"Tama na iyakan natin. Namiss kita, Bru!" Sabi niya.
"Ako din. Dami ko nakilalang foreigner, papakilala kita."
"My bf na ko landi! O ano, may jowa ka na ba dun?"
"Wala. Ayoko."
"Landi mo kase. Alam ko naman mahal mo pa rin."
"Tsk! Tama na. Iba pag-usapan natin." Iniba ko na usapan. Mahirap na. At isa pa, masaya na yung isa. Nabalitaan ko kaseng dinedate yun isang artista na bago. Nalimutan ko lang ang pangalan. So it means, nalimutan na niya ako. How sad. Pero okay lang. Ganun talaga.
BINABASA MO ANG
Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) Completed
FanfictionAn AlDub/Maichard AU story. My 10th story about Maine and Alden.