I stayed a bit longer to observe. And wow, just wow! Parang walang nangyari sa amin. Hindi man lang siya affected. Masaya pa siyang nakikipagharutan sa babaeng kasama niya. So that's it then! Wala na akong dapat asahan. And to think I've been crying my heart out over someone not deserving.
I decided to leave the premises with Paolo still sleepy.
"Girl, nakakainis ka! Ang sarap ng tulog ko! Istorbo!"
"Shut up! Uuwi na tayo. Sa bahay mo na lang yan ituloy."
"Mukhang okay ka na girl. Mataray ka na naman. Let's go!"
"Ikaw talaga!" Nakita ko na ang Valet Parking attendant na papalapit sa amin. Hindi ko binanggit kay Paolo ang nakita ko.
Isinakay ko na siya sa kotse. Lasing na lasing ang bakla. Pagod nga talaga siya. Pero kahit nabibigatan ako sa pag-alalay kay Paolo, ramdam ko yun sakit na makitang ipinagpalit na ako ng Richard na yun. Ganun pala yun brokenheart, sobrang sakit. Pero kakayanin ko. Alam ko, with Nanay and this guy sleeping and snoring beside me, kakayanin ko.
☆☆☆
I did not sleep muna. Nagmuni-muni. Nagplaplano. Nag-iisip ng mga hakbang na gagawin ko.
And before sleep took over, naisip ko na tigilan na. As in, tumigil na. Yun sakit, nandiyan yan, natural, yun panghihinayang, nandyan din yan, pero kakayanin.
☆☆☆
It's been a week. Baby steps, nakakarecover na ako. Salamat sa Nanay ko at kay Paolo na laging nandiyan para sa akin, masasabi kong nakakabawas na ng sama ng loob.
"Day, I heard, nalaman na ng Papa ni Andy ang tungkol sa kasal nila, it seems na tanggap na niya na nag-asawa na ang anak nila. Ang sabi ni Andy, akala niya magagalit ang Papa niya, pero hindi daw. Nagkasundo daw agad si Royce at ang Papa niya dahil pareho sila ng hobby, ang golf. Girl, kakainggit ano! Sayang! Dapat ikaw iyon e."
"Hep! Huwag mo ng itutuloy yang mga idadagdag mo! Okay na. Mabuti naman, bagay sila. And I hope maging maayos yun pagsasama nila."
"Hmmp! Pero infairness, sinagot daw ng Papa ni Andy ang honeymoon sa Switzerland. Pero ikakasal daw muna sila sa simbahan. Kinukuha kang Maid of Honor. At ako ang designer ng gown. What do you think?"
"Okay."
"Igagawa kita ng magandang gown. Dadaigin mo pa ang bride."
"Loka. Huwag ganun! Okay na sa akin yun simple."
"Okay. Alam ko naman ang tipo mo e. Basta hayaan mo na ako na magdesign ha."
"Oo na nga! Tsupi ka na! May meeting pa ako sa board. Mamaya na lang tayo mag-usap, pag-uwi sa bahay."
"Gotta go! May client nga pala ako."
Iniwan na ako ni Paolo. Lahat ng trabahong nakaligtaan ko ay binalikan ko. Medyo nag-hang din ako ng ilang araw pero ngayon, I'm really back at it.
So much for the pity, it's time to show the world who Maine Mendoza is..Ang hindi swerte sa pag-ibig, swerte daw sa pera. Yeah right! Our business meets our current target at mas tumaas pa ang sales. So maybe, eto talaga ang destiny ko. And I'm accepting it wholeheartedly. Ang love, maybe it can wait. Kung may dumating, di ko na pipigilan. I will welcome it. Malay mo naman, may dahilan kung bakit kami naghiwalay, dahil hindi kami para sa isa't-isa. Baka may mas mabuting nakalaan sa akin. Positive lang. Anyway, at my age, bata pa ako. A lot will happen. And I'm looking forward to that.
A/N Last for this. So tomorrow ulit. Kita-kita sa kasal nila Andrea at Royce. Invited kayo.
BINABASA MO ANG
Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) Completed
FanfictionAn AlDub/Maichard AU story. My 10th story about Maine and Alden.