pang-anim

1.4K 111 5
                                    

Mabigat ang paa kong umuwi sa bahay. Magdadahilan na lang ako kay Nanay.

Nagwalis-walis ng kapaligiran ng bahay namin.

Nilinis ang mga kalat na wala naman dahil masipag kami ni Nanay at pinanatili namin ang kaayusan sa bakuran.

Ang isip ko at puso ko ang dapat kong linisin. Isaayos. Iwaksi ang damdaming hindi kayang suklian. Ipagtabuyan ang pagmamahal na di masusuklian.

Lahat ng magagawa ko ginawa ko. Para lang mawala at mapalis ang damdaming ayoko na.

Buo na sa loob ko na ibaling sa ibang bagay ang pag-mamahal ko. Katulad kay Nanay, kay Paolo at sa pag-aaral ko. Gusto kong makatapos para sa sarili ko. Para maiahon ko ang sarili ko sa sitwasyon namin.

At sisimulan ko na ngayon.

☆☆☆

Lumipas ang mga araw at di ako nangahas na magpakita kay Richard kahit tinetext niya ako. Sinabi kong hindi ako makakapagpakita sa kanya dahil ipinasok ako ni Nanay na kasambahay sa kabilang bayan at hindi ako umuuwi. Bago magpasukan pa ako makakabalik.

Iniwasan ko ring lumabas ng bahay dahil tutal naman ay walang pasok pa at sembreak.

Nagtatampo daw siya sa akin pero sinabi ko na pasensiya na kase nga kailangan kong maghanap-buhay para makapag-ipon ng kaunti para sa susunod na taon ay may pambayad ako sa mga bayarin kapag Fourth Year High School na ako.

Hindi na siya nagpumilitm marahil ay busy rin siya dahil kasama niya ang nobya niya sa bahay.

☆☆☆

Lumipas ang araw ng pagtatago ko. Sa bahay o kala Paolo lang ako naglalagi. Di rin muna ako naglako ng paninda dahil natatakot akong baka makita ako ni Richard.

Nasa tapat kami ng bahay nila Paolo ng biglang may humintong sasakyan.

Kilala ko kung sino ang may-ari noon.

Si Richard.

Bumaba siya mula sa sasakyan.

"Meng? Akala ko ba nasa kabilang bayan ka? Hinanap pa kita doon. Andito ka lang pala."

"Ah Richard pasensiya na, kakauwi ko lang."

"Akala ko hindi ka pwede umuwi?"

"Kase ano, may kailangan akong gawin dito. Pero babalik din ako mamaya."

"Samahan na kita."

"Huwag na. Kaya ko na. Sige na at baka may makahuli pa sa iyo. Ite-text na lang kita."

"Mag-usap pa tayo. Namiss kita. Sumama kayo sa akin ni Paolo, may ipapakilala ako sa inyo tapos magmeryenda na rin tayo."

"Naku, nakakahiya. Huwag na. Sige na umuwi ka na!"

"Magtatampo na talaga ako sayo. Iniiwasan mo ba ako?"

"Hindi naman sa ganun, kaya lang umiiwas lang ako na makitang kasama mo kami. Alam mo na, ayaw ng lola mo sa akin."

"Wala siya ngayon. Nasa Maynila. Halika na kayo."

"Meng, sumama na tayo kay Richard. Para matapos na yan." Sabat ni Paolo.

Wala akong nagawa ng hilahin ako ni Paolo. Sa likod kami pinaupo samantalang nasa harap si Richard.

Dumiretso kami sa isang pancitan sa may dulo ng bayan.

"Manong Rod, pakisundo na po si Thea. Malamang naiinip na iyon." Dinig kong utos ni Richard sa driver. Kumirot na naman ang puso ko. Pero sabi ko nga diba, iwaksi. Mahirap ha. Sa paghinga pa lang hirap na ako.

Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon