At dahil walang pasok, matatapos ko na ito.Happy Long Weekend it is!
I have decided to go back to work. I want to bring back the normalcy in my life despite the pain I'm still in. Wala na akong magagawa kase nandoon na iyon. Marami akong support system na nakukuha kala Nanay, Paolo at ang mga iba ko pang kaibigan tulad nila Andy at Royce. Even Dominic Santillan reached out din. Thankful that I still have shoulders to lean on, nakabawi ako.
I'm planning to file for Annulment. Wala na sigurong dahilan para magsama pa kami. The damage has been done. Hindi na mabubura yun fact na nawala ang baby ko dahil kay Richard.
I called on my lawyers to file for it. Alam kong magkakasalubong kami kapag ginawa ko iyon pero there's no turning back. Handa na akong harapin siya after six months nung nakunan ako.
Oo, I've been working day and night just to overcome the sadness. Pagbalik ko sa trabaho, ibinuhos ko ang lahat ng makakaya ko para makabawi. And Thank God, nakakasurvive ako.
"Okay ka na ba?" Tanong ni Andy isang araw na magkasama kami sa isang coffee shop.
"Yep. Never been better."
"Good. Sana tuluy-tuloy na yan. I support you. Kami ni Royce."
"Thanks, Andy. Alam ko. Kayo lang yun nandiyan para damayan ako."
"Basta kapag kailangan mo ng kaibigan, call me, okay?"
"Oo naman."
Most of the time si Andy ang kasama ko after work o kaya si Paolo. Depende kapag wala si Paolo sa bansa dahil pinunpuntahan niya yun bf niyang Irish.
Pero siyempre I have my alone time. Pumupunta lang ako sa memorial park para dalawin ang anak ko. I missed her. Oo girl ang baby ko. Sabi ni Paolo kamukha ko daw. Sayang nga kase ang puti-puti niya. Mana siya sa ama niyang tisoy. Nakita ko rin yun picture ng baby ko pagkatapos niyang mawala. Kinuhanan ni Paolo para daw may remembrance ako.
Hindi ko pa rin siya malilimutan. Pero ang ama ng anak ko, binura ko na sa systema ko si Richard. Ayoko ng magkaroon ng kinalaman sa kanya.
Malapit na rin ang paghaharap namin sa Fiscal. Handa na ako.
Kailangan ko ng harapin ito.
☆☆☆
Fiscal's office.
Late kami ng 10 minutes ng lawyers ko kase natraffic kami.
As soon as pumasok kami sa Fiscal's office, nandoon na siya. He was looking at me. Ako, di ko siya tinatapunan ng tingin.
"Meng..."
I just nod. Yun lang.
Sinimulan na ang presentation.
"I'm giving you time para mag-counter affidavit Mr. Faulkerson. If and if maisip ninyong huwag ituloy ang Annulment ni Misis, which is what we want, mabuti iyon. Pero Misis, if you insist na ituloy, kayo po ang bahala. Bibigyan namin kayo ng isang oras para mag-usap sa court room on your own. Baka po maayos pa ninyo yan. Kakakasal pa lamang ninyo pala." Sabi ng Fiscal.
"Sir, I'm already decided." Deklara ko.
"Basta po, Mrs. Faulkerson, isang oras kayong mag-uusap. SOP natin iyon. Without the lawyers po."
"Yes Fiscal. I agree." Sabat ng estranged husband ko.
Lumabas muna kami at pinapasok sa isang private room kung saan daw kami dapat mag-usap.
As soon as makapasok kami, umupo siya. Nanatili akong nakatayo. Nakatingin sa malayo.
"Babe, sit down. Mag-usap tayo." Bungad niya.
"We don't need to talk. Ubusin natin ang oras sa pagtahimik. I'm already decided. There's nothing more that will change my mind."
"Di mo na ba ako mahal?"
"..."
"I'm sorry kung nasaktan ka. Pero pakinggan mo naman ako. Hindi ko alam kung paano ako napunta doon. Basta all I know, nasa bahay ako ni Lola. Then yun na ang nangyari."
"I don't care kung anong nangyari. Please stop explaining. Wala na akong papakinggan."
"I know galit ka. Sorry nawala ang baby natin. Pero hindi lang ikaw ang nagluluksa, pati ako. Masakit din sa akin na mawala ang anak natin. Sana makinig ka na hindi ako nagtaksil sayo. Di ko alam kung paano ako napunta sa hotel. Di ko talaga alam. Nahihirapan na ako. Ayoko ng malayo sayo. Patawarin mo naman ako. Wala akong kasalanan."
Umiiyak na siya. Pero ako, matigas na ako. Pinatibay na ako mg panahon. Ayoko ng umiyak, kaawaan at lalung-lalo na masaktan. I stayed firm. Di ako makukuha sa mga paliwanag na mismong ang mata ko ang nakasaksi sa pagtataksil niya. Napakagaling naman ng lola niya para magawa iyong ganung panloloko. At kahit na hindi niya sinadya, hinayaan pa rin niyang manipulahin siya ng lola niya ng sumama siya sa babaeng iyon.
I stayed silent. Umupo ako sa malayo. Ayoko siyang kausap. Ni hindi ko siya tinitignan. Naiinis ako. Bumabalik lahat ng sakit.
"Hindi ka man lang sasagot?"
"Anong gusto mong marinig? Na pinapatawad na kita? Na ayos lang? Well sorry! Wala ka ng aasahan sa akin. So stop explaining."
"Sige. Kung ayaw mo ng makinig sa akin, I will give you silence. But I will also tell you this. Kahit magrant ang Annulment natin, hindi ako titigil sa pagmamahal ko sayo. Susuyuin pa rin kita. Kahit mahirapan ako. Hanggang sa maisip mo na mahal mo pa rin ako. Hanggang sa maramdaman mo na hindi kita niloko. Handa akong magpakahirap, magmukhang tanga, para mapatunayan ko sayo na ikaw lang ang mahal ko at hinding-hindi ko ninais na lokohin ka."
"Whatever, Richard! Bahala ka! Buhay mo yan!"
Tinalikuran ko siya. Kahit mukha na siyang tanga sa kahihingi ng sorry. Wala akong pakialam. Masakit, oo, na ang mahal mo pa ang gumawa sayo ng di maganda. Pero kailangan kong tanggapin na hindi na kami maayos. Tapos na kami.
BINABASA MO ANG
Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) Completed
FanfictionAn AlDub/Maichard AU story. My 10th story about Maine and Alden.