"Anong palit?" Tanong ni Paolo habang nakataas ang kilay.
"Ha? Ano kase, magpalit na daw ako ng swimsuit at magswimming na kami." Sagot ko.
"Hindi! Menggay? Ano nga?" Nakatawa pa rin si Andy.
"Paolo naman kase. Ano nga kase palit nga daw ng swimsuit."
"Hindi yon! Ako nga huwag mo kong pikahin!"
"Hahaha! Highblood na aba!"
"Iiwan kita dito sige ka!"
"Eto naman. Nagtatampo na agad."
"Andrea, ano yun? Alam ko may itinatago kayo."
"Pao, kase ganito yun, alam ko na kase na dating magkaibigan si Richard at si Meng."
"Alam mo na?" Nagulat si Pao.
"O ano? Nagulat ka?"
"Teka, so ang palit na sinasabi ninyo ba e yun mga jowa to be ninyo ganun ba?"
"Exactly!" Sagot ni Andy.
"Wow ha! Payag naman ba yun dalawa?"
"Dyan mo nga kami matutulungan. May role play tayo." Simula ni Andy.
"Ganun? Ano naman ang ganap ko doon? Mamasang?"
"Hindi. Paglalapitin mo si Andy at si Royce. Tutal bagay sila. Aminin mo!"
"Kunsabagay. Lakas ng chemistry o!"
"Shoot! Game ka?" Excited na tanong ni Andy.
"Sure. Ganito, ako direktor ha! Hahaha!"
"So what's the plan?" Tanong ko.
"Teka pagplanuhan natin muna." Sagot naman ni Paolo.
Nag-usap kami. Nagplano. Masaya ito. Excited kaming lahat sa mga magaganap. Pero bago ang lahat, tinanong ko muna si Paolo kahit kaharap si Andy.
"Papayag ka na ba sa idea na maging kami ni Richard?"
"Papayag? Eto nga o! Ako pa direktor. Kaya nga ganyan mga pinasusuot ko sayo. Para lumuwa mata ng lalaking yon. Bes, alam ko kahit ayaw mong sabihin, mahal mo si Richard. At kaya ka lang ganyan e dahil iniisip mo na ayaw ko at ni Nanay."
"Alam na ni Nanay."
"Talaga? So wala na palang problema. Si Andy for Royce and my Meng, for Richard. Ang saya diba!"
"Yes! We're in for this. So pasok na ba ako sa bff goals ninyo, Meng, Pao!" Tanong ni Andy.
"Welcome na welcome!" Sagot ko.
"Eh ikaw Pao?" Tanong ni Andy.
"Of course! Tara na mga bessy, maghanda na tayo."
☆☆☆
Nagtataka si Richard kung bakit kami nagbubulungan.
"Meron ba kayong tinatago?"
"Wala! Ikaw talaga! Isa ka pa!" Sabi ni Paolo.
"Sorry naman. Kanina pa kayo nung hapunan ha!"
"Richard kase ano, plinaplano na namin yun date ni Meng at ni Royce bukas ng gabi. Sasagutin na kase ni Meng e."
"Sasagutin? Sigurado ka Maine? Mamaya niloloko ka nun?"
"What's with boys ba? Bakit affected ka Mr. Faulkerson?" Tanong ko.
"Ah eh ano kase.. sigurado ka ba? I mean, sasagutin mo talaga? Meron pang iba. Baka nabibigla ka lang."
"Oo nga, hon! Bakit nakikialam ka? May gusto ka ba kay Maine?"
Kunwari na naiinis si Andy. Ako naman todo akting din.
"Mr. Faulkerson, you have no right to tell me what to do. Kaanu-ano ba kita? And isa pa, may fiancee ka. Kaharap pa natin."
"I'm sorry. Nagbibigay lang ako ng opinyon. Sorry Andy."
"Good!Tama na yan! Huwag ka ng umapila, Faulkerson. Basta ready na ha, Meng. Alam mo na gagawin. Ikaw din Andy."
"Yep!" Sabay pa kami ni Andy.
Napapailing si Richard. Nakuyog ba naman. Pero lingid sa kanya, pinagseselos lang namin siya para gumawa siya ng move. Ano ako pa ang kikilos at magsasabi sa kanya?
"Tara na nga sa veranda. Doon na nati planuhin. Faulkerson dyan ka na lang. Kami lang tatlo magplano. Pero kung gusto mong sumali, okay naman." Yaya ni Pao.
Lumakad na kaming tatlo palabas. Sumunod din ang loko.
Tahimik lang siya. Talagang pinipika namin siya ng bongga. Si Paolo pa ang promotor.
"Ganito Meng, bukas suot mo yun pinili ko sayo na bikini. Yayain mo doon sa dalampasigan. Tapos kunwari magpapamasahe ka. Tapos ayun, akitin mo ha. Kailangan bring home the bacon." Drastic move talaga. Para tagos hanggang bone marrow ang pang-aasar.
"Grabe! Pero kaya ko yan!" Sagot ko.
"Meng, ganito,papalagay ako sa mga tauhan ko ng maliit na bed and papayos ko para maganda ang ambiance, with matching scented candle lights. Bahala ka na kung paano mo siya maaakit." Tulong pa ni Andy.
"Ganun? Teka kaya ko ba?"
"Oo. Kaya mo yan. Mas masarap sa tabing beach." Dagdag pa ni Paolo.
"Wow! Inggit ako." Sabi naman ni Andy.
"Teka, makasabat lang. Sasagutin mo ba o makikipaglove-making ka? At ganyan talaga ang suhestiyon ninyo dito kay Maine. Unbelievable!"
"O bakit? Oras na para sa ganyan. Pagkasagot, tihaya agad!" Sagot ni Paolo.
"Ikaw Meng, payag ka naman? Di mo ba naiisip na mamaya niloloko ka lang nung tukmol na yun?"
"Teka,Richard, nagseselos ka ba? Bakit galit na galit ka?" Naggalit-galitan na si Andy.
"Bakit ako magselos? Teka, mali sinasabi kase ninyo. Mali mga payo ninyo." Tumaas na boses niya meaning nagalit na siya. Na iyon naman ang gusto namin.
"Teka nga Richard! Sinisigawan mo ba ako? So pag-asawa mo na ako, sisigawsigawan mo na lang ako?"
"Hindi sa ganun! Mali naman kayo e!"
"Wala kang pakialam!"
"Meron!"
Nanunuod lang kami ni Paolo sa kanila. Ang intense ng sagutan e.
"Meron? Bakit? Gusto mo ba si Meng? Siguronga lihim kang may gusto kaya ka ganyan. Naku, mabuti pa tigilan na natin itong kasal na ito."
"You know what? Tama ka! Hindi naman natin gusto ang isa't-isa. Tigilan na natin ito."
"Good! Gusto ko yan! Malaya na ako!" Pumalakpak pa ang gagang Andy.
"Teka, bakit nag-away kayo? Kami ang may plano dito, bakit nadamay pa kayo?"
"Meng, pasensiya na ha. Pero sa totoo lang, tama lang na huwag na naming ituloy. Kalokohan lang ito. Pag-uwi natin sa isang araw, magsasabi na ako kay Papa."
"Good! Sana nga pumayag sila." May bahid ng pag-aalala si Richard.
"Back to our plan. Nakastrike one na kami. Ang problema, paano namin pagtatagpuin ang bawat isa para makita ang nararapat para kanino.
A/N No proofread po. Tamad lang.
BINABASA MO ANG
Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) Completed
FanfictionAn AlDub/Maichard AU story. My 10th story about Maine and Alden.