I know that the story seem predictable. Okay lang. Ganun talaga.After our meeting with the Fiscal, everyday, I receive flowers and notes. Almost all deliveries are from Richard. But some are from Dominic. I did not give Dom the signal na pwede na niya akong ligawan. Hindi ako ganung klase ng babae. But he insist na bigyan pa rin ako. I never promised anything. Ayokong magsalita ng tapos pero ayoko rin magpaasa.
Richard most of the time comes to our house. Sa labas lang siya ng bahay nagvi-vigil. As in buong magdamag na nakabantay sa labas. Nakapark lang ang kotse niya sa labas ng bahay. Hindi ko alam kung anong oras siya umuuwi. Pero religiously, nandoon siya gabi-gabi. Minsan naaawa na si Nanay sa kanya pero ako matigas ako. Ayokong padala sa pagpapaawa niya. Di ako nakukuha sa ganun. Sabi nga nila, ang taong mabait at mapagpasensiya, kapag nagalit, wagas. Para maubos ang pasensiya, ibig sabihin sobra ang sakit na dinanas. Yan ako. Napagod na lang ako.
☆☆☆
Ang lakas ng ulan, bumabagyo. Nasilip ko na nasa labas pa rin siya. Pero kahit na ganun, di ko siya inintindi. Hindi na nakatiis si Nanay, inutusan si Paolo na papasukin si Richard. Kahit ayaw ni Paolo, naawa din siya sa tao. Nagkulong ako sa kwarto. Di ko alam kung saan nila pinatulog. Basta di ako lumabas.
Nung pumasok si Paolo sa kwarto ko, sinabi niyang nasa guest room ang estranged husband ko, pero ako deadma. May sakit daw at ang taas ng lagnat. Naawa ako pero ayokong maging mahina. Hindi pa rin ako makukuha sa ganun. Matigas na kalooban ko pagdating kay Richard.
"Bes, ang sama mo!"
"Hindi ako masamang tao Pao. Ayoko na lang siyang bigyan ng pagkakataon. Yun lang."
"What if nagsasabi siya ng totoo? Imbes na masaya kayo."
"Akala ko ba kakampi kita? Bakit bumabaligtad ka na?"
"Bes naman, araw-araw diyan natutulog sa labas ang asawa mo, makita ka lang. Di ka pa ba napapagod?"
"Hindi. Hayaan mo siya. Gusto niya yun. Di ko siya pinilit."
"Kahit na. Magkaroon ka naman ng konting awa."
"Naawa ba siya sa akin ng niloko niya ako?"
"What if nga nagsasabi siya ng totoo? Bakit kaya di natin patignan yun CCTV ng hotel. Malay mo makita natin na pakana ng lola niya yun?"
"Hindi na kailangan. Ano? Para makita ko kagagahan ko?"
"Ayan tayo e! Pride! Yan na lang meron ka. Ibaba mo nga yan."
"Bahala ka na Paolo. Basta ako, hinihintay ko na lang yun desisyon ng Annulment."
"Oo bahala ko. Kakainis ka!"
"Lumabas ka na nga!"
Iniwan na ako ni Paolo.
Di ako matulog. Alam kong nasa kabilang kwarto lang si Richard. Gusto ko siyang makita, dahil kahit papaano mahal ko pa rin siya, yun nga lang, mahirap ng ibalik yun sa amin. Tama nga si Paolo, mataas ang pride ko. Hirap tibagin.
Nagpadala ako sa kagustuhan kong makita ang lagay niya dahil may sakit nga daw. Kaya naman sinilip ko siya ng madaling araw habang tulog na ang lahat. Pumasok ako sa kwarto. Dahan-dahan akong lumapit sa tabi ng kama niya.
I heard him, sniff. Umiiyak siya habang natutulog?
"Babe, I'm sorry. Hindi ko talaga alam na gagawin ni Lola yun. Pero maniwala ka, hindi kita niloko. Bakit mo ako pinahihirapan ng ganito? Mahal na mahal kita, Meng, bumalik ka na."
Sinasabi niya habang tulog. Nag-aalangan akong hawakan ang noo niya kase baka magising siya pero sa tingin ko mataas ang lagnat niya dahil naghahallucinate na siya.
Nanaig sa akin ang curiosity. Hinawakan ko ang noo niya. Mataas nga ang lagnat niya. Pero hindi ko pa natatanggal ang kamay ko ay hinawakan niya ako sa wrist ko.
"Meng, alam ko ikaw yan. Patawarin mo na ako. Nahihirapan na ako." Bulong niya.
Di ako nagsalita. Nanatili akong tuod.
"Babe, please, patawarin mo na ako." Hinila niya ako kaya napahiga ako sa dibdib niya. Ang lalaking ito, kahit may sakit, malakas.
Niyakap niya ako ng mahigpit. Hinagkan ang ulo ko. Naiiyak ako kase namiss ko ang mga yakap at halik niya. Pero kailangan kong makaalis sa bisig niya. Ayokong bigyan pa siya ng pagkakataon. Di na kami pwede. Malaki na ang nawala sa aming dalawa.
Tinanggal ko ang mga kamay niya na nakapulupot sa akin. Tumayo ako.
"I'm sorry, Richard. Tapos na tayo.." Iyon lang at tuluyan na akong lumabas.
Umiyak ako ng umiyak. Hindi ko alam kung paano at kailan ako tumigil. Isa lang ang alam ko, di nawala yun pagmamahal kaya lang yun sakit, di rin maalis.
A/N One last chapter then Epilogue.
BINABASA MO ANG
Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) Completed
FanfictionAn AlDub/Maichard AU story. My 10th story about Maine and Alden.