apatnapu

1.3K 87 4
                                    

After three days sa hotel, nagcheck out muna kami para magstay sa bahay.  One week bago kami pumunta ng Japan for our honeymoon.

Gusto ko munang magstay sa bahay kasama si Nanay at si Paolo.

We've been doing great din as husband and wife.

His family lerned about us na rin and gusto daw ng lola niya na makita ako. Richard did not tell her I am Maine Mendoza, ang anak ng dating katulong sa mansiyon ng Donya.

As much as I want to decline na sumama, naisip kong pumunta na rin dahil kailangan ko ng harapin sila. Anyway, may maipagmamalaki na ako.

Kaya two days bago kami pumunta ng Japan, pumunta kami sa bahay ng Donya Rosalinda sa Makati.

"Babe, hindi ba nila alam na ang Nanay ko ang dati ninyong kasambahay?"

"Hindi ko na sinabi. Do you want ba?"

"I don't know."

"Don't worry, hindi ka nila pwedeng apihin doon. Let's leave it that way. She doesn't have to know."

"I know."

Nagpunta kami sa kanila. Pagdating doon ay sinalubong kami ng Daddy at ng Tita Marilou niya.

"Good evening po." Bati ko sa Dad at tita niya.

"Good evening iha. Come, nasa loob na si Mama. Kanina pa kayo hinihintay."

"Sige po." Sagot ko.

"Dad, I hope everything will be fine. Kung magiging hadlang si Lola, I swear aalis kami ng asawa ko." Sabi ni Richard.

"Don't worry. Okay na sa lola mo."

"That's good to hear." Sagot pa niya.

Pagpasok namin. Nakahawak pa rin si Richard sa beywang ko.

"Iho! Namiss kita. Bakit di mo sinabing nagpakasal ka na?" Bati ng lola ni Richard. I kept silent. Nagmamasid lang.

"Lola. Namiss din kita. This is my wife, Maine Mendoza."

"I know her. Siya yun may ari ng bagong kumpanyang PMV, right?"

"Yes po, Mam." Sagot ko.

"Oh so ikaw nga yun sinasabi ni Marilou na nakita niyang kasama ni Royce Madrigal. What happened? I thought you're dating him? How come kayo ni Ricardo?" Sarkastikong tanong ng Lola niya.

"La, stop it. Hindi naging sila. He was just a friend." Sabat ni Richard.

"Okay. So it's rumor din lang pala. I'm sorry. Anyway, I heard you're an Accounting graduate?"

"Opo Mam."

"Well saan ka nga ba grumaduate?" Nakasalang pala ako sa hot seat. Grabe lang mga tanong. Para akong binabalatan ng buhay.

"Sa UP Diliman po, Magna Cum Laude." Pagmamalaki ko.

"Good. Akala ko kung saang eskwelahan ka lang nakatapos. You know naman, I want someone who's smart and rich like us."

"Lola! Please, huwag ninyong igisa ang asawa ko."

"Okay. Okay. Let's eat. Matilda! Pakisabi sa mga katulong i-serve na yun food." May pagka authocratic talagang makautos ang matandang ito. Paano pa kaya kapag nalaman nito na anak ako ng dati nilang katulong?

☆☆☆

Sa dining area, katapat ko yun Tita Marilou ni Richard. Nasa kanan ang daddy niya ng Master's while Richard is in the left. Katabi niya ako.

"Huwag kang mahihiya, iha." Sabi ng daddy niya. Mukhang mabait ito.

"Opo. Salamat po." Sagot ko.

While eating, tahimik lang ang lahat. Ang Lola lang niya ang nagsasalita.

"Maine, right?" Tanong uli ng matanda.

"Yes po."

"I heard, you're from Laguna rin. Where in Laguna?"

"Sa San Pedro po."

"Taga-San Pedro rin kami. How come di ko narinig ang apelyidong Mendoza sa mayayaman kong kaibigan?"

"Ah e.." nauutal ako.

"Lola, she did not stay there. Sa Maynila siya lumaki." Pagsisinungaling ni Richard.

"Kahit na. Dapat kilala din yun pamilyang Mendoza sa Laguna. Pero wala akong kilalang Mendoza na mayaman, pwera lang yun dati kong katulong na si Mariana Mendoza."

"Ma, stop na the interview. Nai-stress ang asawa ng apo mo."

"Huwag kang makialam sa akin, I just want to know her background! And I guess you won't mind,May diba? This is what I am."

"It's Maine po. Okay lang din po sa akin." Pinilit kong maging maayos pa rin sa pakikiharap sa lola ni Richard pero nakakapikon na rin. Kaya lang, naisip ko na ayokong maging bastos. Dahil iyon ang itinuro ni Nanay sa akin.

"Are you related to Mariana? Baka kase kamag-anak mo siya?" Natulala na ako. Si Richard ay sasagot sana pero inunahan ko siya.

"She's my Nanay, Mam." Inamin ko na. Hindi ko itatatwa ang nanay ko.

"What? Ikaw yun batang kasa-kasama niya kapag nagtratrabaho siya sa mansiyon?"

"Ako po iyun."

"Ricardo! Katulong ang asawa mo? Why did you marry this woman? Hindi siya nabibilang sa pamilyang mayayaman. Anak siya ng katulong!"

"Lola! You have no right to tell me who to love! I can't believe ginaganito ninyo ang asawa ko. After all these years, ganyan pa din kayo sa mga tao?"

"Stop it young man! I only want what's best for you! Di ko inakala na sasayangin mo ang lahat ng ginastos ko sayo tapos kukuha ka lang ng isang tsimay na asawa? My God! You're a disgrace!"

"I don't care! I love Maine, and hindi ninyo kami mapaghihiwalay! Kahit itakwil pa ninyo ako!" Tumayo na kami. Nagulat din ako. So hindi pala nagbago ang Donya. Matapobre pa rin ito.

Hinila na ako ni Richard palabas ng bahay. Hinabol pa kami ng Daddy niya.

"Sorry anak. Maine, anak, sorry rin ha. Pasensiya na kayo kay Mama."

"Ayos lang po. Sige po, uuna na kami ng uwi."

"Its not okay Dad. Galit ako kay Lola!"

"Sorry anak."

"Richard, tama na. Let's go. Sir, pasensiya na rin po."

"Daddy na rin, anak na kita."

"Opo Dad"

"Mag-iingat kayo. Alagaan mo ang asawa mo, Richard. Ikaw din iha."

"Sige, Dad. You know where to call me."

"Yeah I do. Ingat."

Umalis kami doon sa mansiyon and batid ko, galit na galit si Richard. Pero siyempre masaya din ako dahil ipinaglalaban niya ako sa lola niya.

A/N Kaya ko pa ba? Teka, pero bukas I hope. And then start na nung bago.







Mi Corazón Es Tuyo (My Heart is Yours) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon