Bagong Jes

490 10 0
                                    

===★

  Agad nang naglakad si Jes sa disyertong iyon at hinanap ang nag-iisang puno.

  Halos tatlong oras at kalahati rin syang naglalakad.

  Tumitindi ang sikat ng araw. Mahangin ngunit pinagpawisan pa rin sya sa pagod.

.
.
.
.

===★

  At sa wakas!!

  Nakita na rin nya ang nag-iisang puno doon.

Nabuhayan na sya ng loob at napangiti.

Jes: 'Eto na siguro yon..'

--

  Dali-dali na nyang hinukay ang buhangin sa paligid ng puno tulad ng sinabi ni Yahweh.

Isang dipa lang ang nahukay nya ay nakapa na nya ang isang baul.

  Agad nya itong kinuha palabas.

  May kabigatan ang maliit na baul, inilapag nya ito at pinagpagan.

Halos maubo sya dahil sa usok ng buhangin.

  Kulay brown ito, halatang luma na, pero maayos pa naman.

Jes: 'Ito na talaga yung sinasabi Nya!'

****

Binuksan na nya ito kahit nahirapan sya.

  Nakita nya ang isang pares ng kasuotan na kulay brown,

isang pares ng panyapak,

tela na panali sa ulo,

isang lumang tubigan.

Jes: Ano'ng ibig sabihin nito??

(nagtaka sya)

Jes: Malamang ito ang susuotin ko!! (napangiti sya) .. Astig ah!? Ngayon lang ako nakakita nito! Costume!!!

.
.
.

===★

  Isinuot na nya ang lahat ng nakalagay sa baul at tuwang-tuwa sya!

Jes: New look ako! Astig!!!

( buong paghanga nya sa sarili )

  Para naman syang sinaunang tao sa suot nya.

Pero bagay naman sa kanya at masayang-masaya sya.

Jes: Ibang klase, ganito ang suot ko pag magtuturo...?

--

  Muntik na nyang makalimutan na may laman pa pala sa loob ng baul.

  Kinuha na nya ang nakabalumbon na aklat, halos luma na ito sa paningin nya.

  Dahan-dahan nya itong binuksan at binasa ang nakasulat na maliliit.

Jes: Ito pala ang mga sasabihin ko.

-- matagal nya itong tinitigan bago magpasyang tumayo,

at tumanaw sa lungsod...

.
.
.

Jes: Kailangan ko ng makapunta sa lungsod ng Higron! Gagawin ko na ang misyon ko!

***

  Ibinilot na nya ang ang aklat, isinakbit iyon sa kanyang likod at nagsimula na syang maglakad.

=====★

.
.
.

  Ilang oras ng naglalakad si Jes.

Medyo sumasakit na ang mga paa nya.

Jes: 'Ang hirap naman nito...'

( umupo muna sya at nagpahinga )

  Humihingal na sya at nauuhaw, pinagpawisan na rin sya.

Jes: Mukhang mahihirapan ako nito. May tubigan nga ako, pero wala namang tubig. Tapos nagugutom na rin ako.. wala namang pagkain..?

(napabuntong-hininga sya)

Jes: 'Pero may tiwala ako kay Yahweh, alam kong hindi Nya ako pababayaan.'

--

Mayamaya'y nagulat sya...

  nang marinig ang isang agos ng tubig.

Nagpalinga-linga sya.

  Tumayo sya at nakita ang isang napaka-ganda at napaka-linaw na tubig...

isang ilog na umaagos mula sa maliit na talon.

Natulala si Jes,

Jes: Wala yan kanina ah?

-- sa laki ng tuwa nya, agad na syang lumapit sa ilog at uminom.

Jes: 'Hmm.. ang sarap ng tubig! Malinamnam..'

****

  Uminom pa sya ng uminom hanggang mapawi ang uhaw nya.

  Ang sarap at maginhawa na ang pakiramdam nya.

Jes: Ang presko!

  (naghilamos pa sya ng mukha)

Jes: 'Kailangan may baunin akong tubig bago ako maglakad ulit. Mahirap ng mauhaw ulit sa daan'

--

  Kinuha nya ang tubigan, pinuno iyon ng tubig.
Tumayo ulit sya at tumingin sa paligid.

  At nakita nya ang isang supot sa daan.

Jes: Ano yon??

-- dali-dali nyang kinuha yon at binuksan,

nakita ang siksik na dalawang pirasong tinapay.

  Ang laki ng kagalakan nya!!!

  Kahit dalawang piraso lang yon, ay tuwang-tuwa na sya. Isang malaking kasiyahan yon sa taong nagugutom.

Napangiti sya,

Jes: Sigurado ipinadala ito ni Yahweh para sa akin. (tumingin sya sa langit) ... Salamat po.

.
.
.

===★

  Abot-langit ang pasasalamat nya.

Humati lang sya ng kapiraso sa tinapay at kinain.

  Itinabi nya ang isa't kalahating tinapay.

Jes: Hindi ko ito sasayangin!

=====★=====

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon