Pagsugod ng marami

269 6 0
                                    

===★

  Inayos na ni Jes ang kanyang sarili, ganadong-ganado pa syang naglakad.

Jes: 'Alam ko naman na iingatan ako ni Yahweh... kaya hindi ako natatakot.'

.
.
.

==*

  Bumalik ulit sya sa maingay at magulong lungsod. Tumayo sya na may lakas ng loob.

  Nakatingin sa kanya ang iba habang naglalakad sya, napatingin na rin ang marami.

-- Para syang artista, ang lahat ng atensyon ay naagaw nya.

  Halos hindi sila magsalita, pero bakas ang kanilang pagtataka at pagsalubong ng kilay.

Pinakiramdaman nila si Jes.

....

  Dahan-dahan syang naglalakad-- nagkunwaring hindi niya napapansin ang mga sulyap sa kanya.

  Napapatingin pa rin sa kanya ang lahat, pinalilibutan sya ng mga babae at lalaki, pati matatanda at malalakas ang katawan.

  "Sya yun, di ba?" ,bulong ng isa

(narinig nya yon)

  Sandaling tumigil si Jes, napansin nyang sya lang ang nasa gitna, sa kanya naka-sentro ang tingin nila.

  Tumingin sya ng seryoso. Walang kibo ang iba, tahimik lang.

Wala ring salitang lumabas sa kanyang bibig.

Galit naman ang mga mukha ng iba.

.
.
.
.
.

Mga tao: Oras na... (bulong nila)

--

  Alam ni Jes at nararamdaman nya ang mangyayari.

  Tumalikod sya at agad ng sumalakay ang mga kalalakihan!

Susugurin na sya sa likuran-- ngunit lumaban agad sya.

  Oras na rin para kumilos sya!

Nakipaglaban sya sa limang lalaki.

  Nakatingin lang ang iba, nanonood lang pero nag-aalala sila na baka hindi mahuli si Jes.

  Malakas si Jes at napatumba nya ang limang lalaki na hindi man lang nakasuntok sa kanya.

  "Ang lakas nya!" ,sigaw ng marami.

Mga lalaki: Sumugod na tayong lahat!!!!!!

--

  Pero nakahanda na sya na makipaglaban sa lahat.

  Nakikipaglaban na sya ngunit sa dami nyang kalaban ay maraming nanakit sa kanya at nasasaktan sya, nadadapa.

.
.
.

  Gumagapang na si Jes sa lupa kahit maraming tumatadyak sa kanya.

  Napangiwi sya at tila kay sikip, hindi sya makakilos.

Mga tao: Wag ka ng lumaban pa! Sumuko ka na!

Jes: Bakit nyo ba ako huhulihin!? ... Wala akong kasalanan sa inyo!!!

--

Ngunit galit ang marami,

Mga tao: Magpahuli ka na! Dahil sinungaling ka!!!

Jes: Hindi ako nagsisinungaling!!! Tunay ang ipinahahayag ko!

  Lalong nagalit ang mga tao, pinagtulungan pa sya ng mga lalaki at sinasampal sya ng mga babae...

Nanghihina na sya, ang daming tao...

  kagulo at ang ingay ng paligid-- tila may bakang papatayin.

---

.
.
.

  Nakita naman iyon ni Samaria, hindi pa sya nakakalapit ay naiiyak na sya.

  Nakipagsiksikan sya sa mga tao, nakita nya si Jes na may mga pasa na, maraming sugat at hiwa sa katawan, marami na ding dugo sa mukha.

Samaria: (napaluha) Bitawan nyo si Jes! Layuan nyo sya!!! Wag nyo syang sasaktan!

(halos lumuhod na sya sa lupa ngunit mas maraming tao ang walang pakialam sa kanya)

-- hindi sya pinansin, hindi sya narinig at humarang ang marami sa harapan nya.

***

 Umalis si Samaria habang umiiyak, lumayo sya ng kaunti, hindi nya kayang makita si Jes na ginugulpi at sinasaktan.

.
.
.
.

Lalaki3: Tama na! Dalhin na natin sya sa Gobernador!

Tumahimik.

  Lupaypay ang katawan ni Jes, napakarami nyang sugat.

***

  Binuhat nila si Jes at lalakad na sana ngunit--

... may narinig silang sumigaw,

.
.
.

Ama: Tulungan nyo 'ko! Tulungan nyo ang pamilya ko! Tulungan nyo kami!!!!

(napalingon sila)

-- lahat ng atensyon ay napunta sa umiiyak na lalaki at natatakot itong lumapit

Babae: Ano ang nangyari??

Ama: Yung anak ko... yung asawa ko.... sinasaniban na naman sila!!! Sinasaniban sila ng mga demonyo! (umiyak ng umiyak)

Natakot ang iba,

Lalaki4: Halina kayo! Tulungan natin sya!

-- sumunod ang marami at dali-dali silang nagatakbo paalis.

   Agad nilang binitawan si Jes at ibinagsak-- hinayaang humandusay sa lupa!

Nakalimutan agad sya.

.
.
.

==★

  Nang wala na ang mga tao, nagdesisyon na si Samaria na lapitan si Jes,

Samaria: Jes... Jes... Jeeeeeessss...!!!!

--agad nyang niyakap ang bugbog na katawan ni Jes.

♥•♥•♥

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon