Pagsuko??? (KAPANGYARIHAN)

235 7 0
                                    

===★

  Nagagalit na sina Sodoma, pilit nilang kinukuha ang patpat kay Jes, pero nakukuryente lang sila.

  Nag-isip sila ng paraan para makuha ang patpat.

  Malakas nila itong pinitik! Nabigla si Jes at napadapa.

  Nagkaroon ng pagkakataon si Gomora, tinapakan nya ang kamay ni Jes.

  --napasigaw siya na tila nadudurog ang buto nya sa braso.

   Tumawa sila, kinuha nila ang patpat at inihagis sa malayo.

Jes: Huwaaagg………!!!

--
pero tumilapon na ang patpat sa kung saan.

Sodoma: Iyon siguro ang lakas mo! Tingnan natin kung hanggang saan na lang ang kaya mo!!!

 (napangiwi sya, muli namang nagpalakpakan ang mga tao)

  Nabuhayan ng loob ang mananamba ni Baal,

  samantalang sina Samaria ay may tiwala pa rin na matatalo ni Jes sina Sodoma.

.
.
.

  Binitbit ni Sodoma si Jes, tinawanan pa sya at iwinawagwag.

Gomora: Kaya mo pa ba??

Jes: Bitawan nyo 'ko!!

  (nagpupumilit syang makababa, nakalutang sya sa hangin dahil bitbit nga sya ni Sodoma)

Sodoma: Ibig mong bitawan kita!? Sige…

 (at binitawan nga si Jes)

.
.
.
.

Jes: Aaaaaaahhhhhh……!!!!

-- malakas syang bumagsak sa lupa at sumakit ang katawan nya.

  Gumagapang na sya sa lupa, pero sinipa sya ni Gomora.

Napasigaw ulit sya sa sakit.

Gomora: Hindi mo kami kaya!

  Pinilit pa ring bumangon ni Jes, tinangka nyang tirahin ang isa sa kanila... pero paulit-ulit syang binalibag.

Tumawa ang lahat.

   Nagkawasak-wasak ang damit nya, puro dugo na rin ang kanyang braso.. pinipilit pa rin nyang tumayo.

   Nagtulong ulit sina Sodoma at Gomora na pabagsakin si Jes at nagawa nga nila!

Humandusay si Jes na mahinang-mahina.

--

Sodoma: Nasaan na ngayon ang iyong Diyos? Tingnan mo ang iyong sarili ngayon! Ni hindi ka na makagalaw at nanghihina ka na!!!

 (naghiyawan sa tuwa)

  Sinipang muli si Jes, pero pinilit pa rin nyang gumapang kahit duguan na sya…

  Dahan-dahan syang tinapakan ni Gomora… namilipit sya sa sakit nang maramdaman ang mabigat na paa na umapak sa likod nya.

Halos madurog ang mga buto nya.

Gomora: Kaya mo pa ba…?

--
  at idiniin ni Gomora ang pagtapak na lalong nagpasakit sa katawan ni Jes, napasigaw sya.

Tawanan.

  Tila naawa naman si Gomora at inalis ang paa.

Sodoma: Mahinang-mahina na sya ngayon…

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon