Chapter 24: Pagharap sa Hari

248 6 0
                                    

===★

  Mahabang oras ang nilakbay ni Jes kasama si Cades at ilang kawal papunta sa Palasyo, sakay sila sa karwahe.

--

  Nang makarating na sila doon, iniharap na si Jes sa hari.

Dinala sya sa pribadong silid.

  Silang dalawa lang ng hari ang nandoon at nag-usap..

.
.
.

===★

Hari: Ikaw nga ba si Jes?

(yumuko si Jes)

Jes: Ako na nga po, mahal na hari.

  Lumapit sa kanya ng husto ang hari at pinagmasdan syang mabuti.

Hari: Naniniwala akong ikaw nga ang ipinadala ng Panginoon... kaya ako ay kampi sa iyo.

(tumingin si Jes, nagtaka at nabigla..

nakita nya ang hari na nakangiti sa kanya)

Hari: Huwag kang mag-alala, hindi kita parurusahan. Sa halip ay tutulungan kita na maipamalas ang tunay na kapangyarihan ni Yahweh... upang masabi mo sa kahuli-hulihang beses ang babala sa lungsod ng Higron. Matutupad mo na rin ang misyon na pinag-uutos Nya sayo.

--

(laking pagtataka ni Jes)

Jes: Tila nalalaman nyo na sa simula pa ang aking pakay?

--ngumiti ang hari,

Hari: Noon pa Nya ito sinabi... na magpapadala Sya ng isang katulad mo na magpapalinaw sa buong lungsod. Alam ko sa simula pa ang mga nangyayari sa iyo, at sinadya ko rin na ipadala si Cades sa bilangguan.

(natulala si Jes)

Hari: Huwag kang mag-alala Jes, kapanig mo 'ko. Salamat sa pagdating mo, hindi ko na muling susuwayin si Yahweh. Nagsisisi na 'ko sa aking maling nagawa. Sya dapat ang inibig ko na higit sa lahat.

(tumango si Jes at napangiti)

.
.
.

Hari: Alam kong malapit na ang paggunaw... Bukas ay pista na ng lungsod, magkakaroon ng malaking piging at pasasalamat sa diyus-diyosang si Baal.
Gamitin mo ang pagdiriwang na iyon upang bigyan ulit sila ng huling babala.

Jes: Opo, mahal na hari.

Hari: May tiwala ako sayo at may tiwala ako sa Diyos.

Jes: Salamat po.

Hari: Dito ka na rin magpalipas ng magdamag, at ihanda mo ang iyong sarili.

.
.
.

==★

  Pinapunta si Jes sa isang tago at tahimik na silid, doon sya pinagpahinga ng mahal na hari.

  Dinulutan rin sya ng pagkain at inumin ng mga alipin.

--

  Pagkatapos nyang kumain, isinarado na nya ang pinto ng silid.

  Sa isang dingding ay may salamin, humarap sya sa salamin at pinagmasdan ang sarili.

--Saka pa lang nya napansin na malago at makapal na ang kanyang buhok, pati ang kanyang bigote at balbas.

  Halos hindi na nya makilala ang sarili, madungis rin pala sya.

... Saktong nakita nya ang gunting at mga pang-ahit.

  Agad nya itong kinuha at nagsimula syang gupitan ang kanyang buhok at ahitin ang kanyang bigote at balbas.

.
.
.

  Pagkatapos ay naging malinis ulit syang tingnan, at gumwapo ulit sya.

Napangiti sya.

===★

  Pagkagising nya kinaumagahan ay nanalangin muna sya.

  Inanyayahan sya ng mga alipin na maligo.

  Pinapunta sya sa paliguan, at nilinis nyang mabuti ang kanyang sarili.

Masaya syang naligo.

--

  Pagkatapos nyang maligo, ipinaghanda sya ng matino at malinis na kasuotan galing sa hari.

-- binigyan din sya ng mamahalin at magandang balabal.

.
.
.

===★

  Inanyayahan si Jes na kumain sa maliit na hapag-kainan sa kusina, nandoon na ang hari na nakaupo na at nakangiti sa kanya.

Jes: Salamat po. (ngiting sabi)

Hari: Maupo ka Jes, at magkasalo tayong kakain.

Jes: Ngunit nakakahiya po sa inyo ang makasalo ang isang hamak na tulad ko.

Hari: Wag mong sabihin yan Jes... sapagkat higit kang mas marangal kaysa sa akin.

(ngumiti at naupo na sya)

---

Nakahanda na ang mga pagkain sa mesa.

  Hindi pa sila nakakain ay tumingin si Jes sa mga alipin na nagbabantay.

  Napansin sya ng hari at sinabi sa mga alipin...

Hari: Makisalo na rin kayo sa 'min.

  (nagkatinginan ang mga alipin, nabigla sila sa sinabi ng hari)

Hari: Kumain kayo kasabay namin..

--at sumunod ang mga alipin.

Hari: Mas masarap ang kumain nang magkakasama.

(ngumiti sila)

Hari: Huwag na kayong magtaka, kahit si Jesus ay nakisama at nakisalo sa mga aba...

(nanalangin muna sila at saka nagsimulang kumain)

.
.
.

==★

   Pagkatapos kumain, nag-usap muli ang hari at si Jes.

Hari: Ngayon na ang araw ng pista ng lungsod, siguradong ngayon pa lang ay nagkakasiyahan na sila... (seryosong tumingin) Jes, gawin mo na ang nararapat mong gawin.

Jes: Opo mahal na hari.

Hari: Gabayan ka pa lalo ni Yahweh at patnubayan.

--

  Narinig nilang may tumatawag mula sa kabila...

Reyna: Mahal na hari! Mahal na hari!

(papalapit ang mga yabag patungo kina Jes)

Reyna: Nasaan ka mahal na hari!? Mahal na hari!

--

Nataranta ang hari,

Hari: Madali ka Jes! Mauna ka ng pumunta sa Lungsod at susunod ako. Hindi ka maaaring makita ng Reyna Gaza, kaya lumakad ka na!

Jes: Opo. Salamat pong muli!

--at nagpasya na syang umalis.

****

  Sa likuran na sya pinadaan at pinalabas agad sya ng mga kawal sa pag-uutos ng hari.

.
.
.
.

==★

  Nakalabas na ng Palasyo si Jes, kinuha nya ang telang panali at itinali nya iyon sa kanyang ulo.

  Maayos at malinis na syang tingnan ngayon, dahil na rin sa kanyang kasuotan.

  Lumakad na syang muli, ngumiti at nagsimula na syang tahakin ang Lungsod na puno ng tapang.

====★====

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon