Kalungkutan

244 7 0
                                    

===★

KALUNGKUTAN...

Gabi.

  Sa Gubat, nandon pa rin ang mga tao.

  Nagsindi sila ng apoy sa kahoy upang mainitan ang kani-kanilang sarili sa kalamigan ng gabi, ang apoy ang nagsisilbing liwanag.

--

Pero naiinip na ang iba at nalulungkot,

Ginang: Hanggang kailan ba tayo dito? Nagrereklamo na ang mga anak ko!

(nagkatinginan sila)

Siquem: Ginang, sumama kayo sa amin upang magtiis, hindi ba?

(tumahimik na lang ang ginang at pinatahan ang umiiyak na mga anak)

.
.
.

-

Tamar: Hanggang kailan nga ba tayo mamamalagi dito!? May kanya-kanya rin tayong pamilya! Habang buhay na lang ba tayong magtatago!?

Jotbata: Ngunit Tamar, delikado kapag lumabas tayo sa gubat.

Tamar: Bakit ba nila tayo huhuliin!? Wala tayong kasalanan! Hindi naman tayo pumatay o gumawa ng krimen!

Siquem: Kailangan nating magtiis.

Tamar: (nainis) Ano baa!? Tayo na nga itong walang ginagawang masama ay tayo pa ang natatakot at nangangamba?

(natahimik sila)

--

Naglakad ng kaunti si Tamar na napaiyak na...

Tamar: Mabuti sana kung-- gumagawa ng paraan si Yahweh... na hindi Nya tayo hinahayaang magdusa. (umiiyak)

(naawa naman si Samaria)

Samaria: Tamar... (lumapit)

--humarap si Tamar at umiiyak na sinabi..

Tamar: Mabuti siguro kung bumalik na lang ako sa lungsod!

Samaria: Nagsisisi ka na ba? Nagsisisi ka na sa pagsama mo sa 'min?

Tamar: Hindi Samaria, subalit-- sadyang nahihirapan na 'ko!

Samaria: Alam ko, Tamar... pero hindi lang ikaw ang nahihirapan, pati rin kami. Ano ba ang gusto mo, ang magdusa kasama kami... o magpakasaya kasama ang mananamba ni Baal?

--tumigil sa pag-iyak si Tamar at tumingin kay Samaria,

Tamar: Kung nanaisin ko lamang, ay babalik nga ako sa lungsod at magkukunwaring walang alam. Ngunit-- hindi ko gagawin, dahil pinili ko na ito at handa na akong magdusa kasama ninyo.

(napangiti na si Samaria at niyakap si Tamar)

.
.
.

===★

  Sa bilangguan, ay tulog na tulog na ang mga kasamahan ni Jes, samantalang sya ay gising pa rin.

Nakaupo si Jes at nag-iisip.

Jes: 'Hanggang kailan ba ako dito? Hanggang kailan nga ba ako mananatili rito? Paano ako makakaalis? Paano ko pa matutupad ang bilin ni Yahweh?'

.
.
.
.

==★

Lumipas pa ang mga araw...

  sa piitan na rin tinubuan ng bigote at kaunting balbas si Jes, lumago na rin ang kanyang buhok.

  Halos mapabayaan na nya ang kanyang sarili, ngunit hindi pa rin nawala ang kanyang pananalig bagamat nahihirapan na sya sa bilangguan.

  Patuloy pa rin naman ang kanyang pagtuturo ng palihim sa kanyang mga kasama.

  Nangangaral pa rin sya kahit alam nyang malalagay sya sa panganib.

.
.
.
.

===★

  Isang umaga, sa lungsod ng Higron...

-- nagpapakasaya ang mananamba ni Baal.

Sayawan. Tugtugan. Kainan.

  At nagriritwal rin sila pagkatapos. Masaya silang sumasamba, maingay na muli ang lungsod.

  Tuwang-tuwa naman ang Gobernador at si Palmira...

Palmira: Buhay na muli ang mga tao ni Baal!!

Gbrndr: Tama ka, mas lalo pa tayong nagiging masaya simula nang mawala ang salot na si Jes!

(tumingin sila sa isa't-isa)

Gbrndr: Ngunit mas maganda sana kung kasama natin ang mga taong tumakas para kay Yahweh!

(nagtaka si Palmira)

Palmira: Bakit? Nais mo bang pabalikin muli ang mga taksil..?

Gbrndr: Syanga, Palmira! Ibig ko talaga silang piliting sumamba kay Baal dahil hanggat nasa panig nila si Yahweh, tuluyang magkakagulo ang buong lungsod!

Palmira: Gobernador, hindi natin sila kailangan! Higit na mas marami tayo kaysa sa kanila!

Gbrndr: Hindi ko gustong magka-iba-iba ang ating relihiyon. Gusto kong magkaisa tayo.

Palmira: Ano ang iyong binabalak? Ipapaalam mo ba ito sa Hari? Nasisiguro kong matutulungan tayo ng hari laban sa kanila.

(tumango ang Gobernador na nangingiti)

====★====

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon