Chapter 14: Pangangaral

275 8 0
                                    

===★

  Nakapagpangaral nga si Jes sa mga tao, maraming natuwa at nabuhayan ng loob.

--Ngunit sa pangangaral nyang iyon... ay nakita sya ng dalawang kawal ng Gobernador.

Galit silang bumulong,

Kawal1: Nangangaral na sya ng maling katuruan! At nakapanghikayat na sya ng marami!

Kawal2: Kailangan malaman ito ng Gobernador!

(at umalis na sila)

**

  Nagpatuloy pa si Jes, hindi na lang nya inisip na nanganganib ang buhay nya.

Jes: Lahat ng lalapit sa Kanya ay hindi na magugutom, at hindi na muling mauuhaw... sapagkat Sya ang Tinapay at Tubig ng Buhay...

--

  Maraming naniwala kay Jes, sumamba kay Yahweh at nanampalataya kay Jesus...

.. pero mas marami pa ring tumutuya at hindi naniniwala.

.
.
.

===★

  Dumaan pa ang mga araw... ay sa bundok na rin sya nagtuturo at maraming sumama sa kanya.

  Natupad na rin ang pangarap nya na makapagpangaral sa Bundok.

  Ito'y nagpaligaya sa kanilang buhay, lahat ng Salita ay nakatulong sa kanila sa pang-araw-araw, patuloy sila sa paglingkod kay Yahweh.

  Nagbibigayan, nagmamahalan, nagngingitian, nag-uunawan at nagkakapatawaran.

.
.
.

===★

  Natuwa si Jes sa mga nangyayari, may ngiti sa kanyang mga labi.

  Lumapit sa kanya ang dalawang matanda na mag-asawa dala ang isang tinapay, mga prutas at inumin.

Lolo: Iho, pagpasensyahan mo na sana ang bigay naming ito para sayo, bilang aming pasasalamat.

(napangiti si Jes)

Jes: Maraming salamat po, ngunit--

Lola: Huwag mo na sanang tanggihan iyan... Nais lang talaga naming magpasalamat dahil ikaw ang kaisa-isang nagbalik ng Salita ng Diyos.

Lolo: Ikaw ang matagal na naming hinihintay... sapagkat noon ay natatakot kaming sumamba sa Kanya dahil kami'y malalagay sa peligro, ngunit ngayon ay nandito ka na!

(lalong ngumiti si Jes at tumango)

Jes: Salamat po.

.
.
.
.

====★

  Sa tahanan naman ng Gobernador, kasama nito si Samaria na malungkot ang mukha.

Gobernador: Bakit Samaria? Ayaw mo na ba akong paligayahin? Tinatanggihan mo na ang limang pirasong ginto na inaalok ko sa iyo??

Samaria: Paumanhin Gobernador, ngunit hindi ko talaga mapagbibigyan ang nais mo. Masama ang aking pakiramdam.

Gbrndr: Samaria!

  --tumayo si Samaria, aalis sana pero tumayo rin ang Gobernador at pinigilan sya.

Gbrndr: Akala mo ba ay hindi ko naaalala?

(nagtaka si Samaria sa sinasabi ng Gobernador)

Gbrndr: May utang ka sa akin! Hindi ba't sinabi mong baliw ang lingkod ni Yahweh!?

(kinabahan si Samaria at umiling)

Samaria: Pasensya na po, hindi ko alam...

-- at dali-dali syang lumabas na kinakabahan.

Naiwan ang Gobernador na may galit.

  Dumating naman ang mga kawal,

Kawal: Gobernador! Marami ng mga tao ang umaanib sa sektor ng binatang lingkod ni Yahweh!

Kawal2: Balita pa po namin ay magpapatayo sya ng templo na wala man lang pasabi sa inyo!

  Lalong nagalit ang Gobernador at binasag ang mga babasagin nyang gamit at mga bote ng alak.

Gbrndr: Kalapastanganan ang ginagawa nya! DALHIN NYO SYA SA 'KIN AT AKING PARURUSAHAN!!! SAPAGKAT INALIPUSTA RIN NYA ANG ATING DIYOS NA SI BAAL! HULIIN SYAAAAA!!!

--
  at nagmadaling lumabas ang mga kawal.

***
.
.
.

===★

  Masaya namang naglalakad si Jes dala ang mga ibinigay ng dalawang matanda.

  Ngunit nabitawan nya ang dalang inumin at natapon ang laman.

Jes: Sayang... (hinipo nya ang tubig na natapon) Hindi pa ako nakakainom ay natapon na..

  --at sa paghipo nya sa tubig, ay may kakaiba syang naramdaman.

  Dali-dali nyang pinunasan ang daliri nya. Tumayo sya at tinitigan ang tubig mula sa lalagyan...

-- Nagulat sya nang bigla na lang itong umusok, napalayo sya sa matinding pagsabog nito!

Jes: Aaaaahhh!!

  Umusok ang paligid ng lalagyan at nalusaw ang mga halaman.

  Ilang minuto pa, nawala ang usok. Nagtaka si Jes, nalilito at kinakabahan...

Jes: May gusto pa ring pumatay sa 'kin!

.
.
.

===★

  Sama-sama ulit silang umaakyat sa bundok Nilai, kasama na rin nila sina Samaria at Tamar.

  Habang naglalakad sila, napatingin si Jes kay Samaria.

Jes: Samaria...

Samaria: Jes, wag kang mag-alala, kakampi mo na kami at maasahan mo kami ni Tamar sa pagbuo ng grupong ito.

(ngumiti)

---

  Tumigil sila sa isang malaking puno, kinausap ni Jes ang lahat.

Jes: Lahat tayo dito ngayon, ay may pananagutan... magkakaroon tayo ng mga paalala upang hindi kayo basta-basta mapatid at hindi madaling sumuko kung kayo man ay tuksuhin. ...
  Ngayong naniniwala kayo kay Yahweh, tatagan nyo ang inyong loob... Maraming pagsubok ang darating, mas marami ang magbabalak sa atin ng masama. Ngunit ang hinihiling ko ay, huwag kayong mawalan ng pag-asa.
  Kahit ano ang mangyari, hindi Nya tayo pababayaan... Kaya sana, magtiwala kayo sa Kanya at sa kapangyarihan Nya!

(sumang-ayon sila)

  Napagpasyahan rin ni Jes na ang magbantay sa grupo kapag wala sya ay sina Samaria at Jotabata.

  Iisang tao na silang lahat sa iisang misyon.

====★====

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon