Chapter 25: Pista ng Lungsod

254 8 0
                                    

===★

Sa Lungsod...

  Nagsisimula na ang pista at pagdiriwang.

  Naghanda na sila ng maraming pagkain, nakasabit na ang mga bandiritas,

  maingay na rin ang paligid, nagtutugtugan na ng iba't-ibang instrumento.

  Maraming nag-uusap na mga tao, abala sa paghahanda.

--

  Sa loob ng templo, inaayusan na ang rebultong si Baal.

  Nilalagyan at pinalilibutan na nila ito ng mga bulaklak sa paligid.

Mamaya lang ay ilalabas na ito.

==★

.
.
.

  Sina Samaria naman at sina Siquem ay nasa isang sulok, malulungkot ang kanilang mga mukha.

Napaiyak muli si Samaria,

Samaria: Sumasamba na muli sila sa diyus-diyosan.. Paano na si Yaweh?

Jotbata: Huwag kang umiyak Samaria. Natitiyak kong darating si Jes ngayon. At kahit sumamba pa sila sa rebulto, si Yahweh pa rin ang ating paniwalaan.

(sumang-ayon sila)

.
.
.

==★

  Nasa pinaka-loob sa itaas ng Templo sina Palmira at Gobernador kasama ang ibang kawal.

Palmira: Siguradong masaya ang ating pagdiriwang ngayon, lalo na't walang sagabal.

Gbrndr: Sa kabila ng mapangahas na si Jes, ay wala pa ring makapipigil sa atin. Si Baal pa rin ang nagtagumpay! Sya pa rin ang paglilingkuran ng lahat!

(ngumiti sila)

Sila: Wala na talagang makahahadlang sa ating kasiyahan!!!

(tumawa sila at hinalikan ang rebulto)

.
.
.

===★

  Habang naglalakad si Jes, ay nagpakita muli si Anghel Gabriel...

Napatigil sya sa paglakad.

A.Gabriel: Jes, tatagan mo pa ang iyong loob. Ngayon na ang araw...

(ngumiti si Jes)

Jes: Oo Anghel Gabriel, malapit ko na ring matapos ang misyon na ito. Salamat.

(ngumiti ang anghel at tumango)

A.Gabriel: Mag-iingat ka Jes.

  --at nagpatuloy ulit sya sa paglalakad.

==★

.
.
.

  Nagpatugtog na ng trumpeta ang mga musikero -- simbolo na tinatawag na ang lahat ng tao sa lungsod.

  Lalong umingay ang paligid, nagsipuntahan na ang lahat sa labas ng templo.

  Bakas ang ngiti ng marami, lumakas lalo ang tugtog, may mga dala silang bulaklak.

==

  Habang naglalakad si Jes, ay naririnig na nya ang ingay at tugtugan kahit nasa malayo pa lang sya.

Lalo nyang binilisan ang paglalakad.

.
.
.

===★

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon