Pangatlong Pagsubok (SODOMA AT GOMORA)

302 8 0
                                    

(Halaw sa 1 Samuel 17:41-54)

===★

  Nagpatugtog na ulit ang mga musikero, sumigaw ang Heneral..

Heneral: Sa pangalawang pagsubok, panalo pa rin si Jes!!!

-
  Ang nagpalakpakan lang ay sina Samaria, ang marami ay walang imik, bakas ang pagkainis.

Tumayo ang hari,

Hari: Ibig nyo pa bang ituloy ang huling pagsubok?

 (nagtinginan ang lahat kay Jes na noon ay hinihingal pa rin, hirap na hirap at sobrang pagod)

Napangisi ang bayan,

Lingkod ni baal: Opo mahal na hari! Ituloy ang huling pagsubok! Dito na makikita kung tunay nga ang Diyos na kanyang pinaglilingkuran!

 (sumang-ayon ang mga lingkod ni Baal,

  payag na payag sila sapagkat nakikita nilang mahina na si Jes at tila hindi na kakayanin ang huling pagsubok)

--

  Nagsalita ang hari na hindi kinakabahan sa mangyayari, dahil may tiwala sya sa Panginoon..

.
.
.

Hari: Kung ganoon, humanda na kayo! Dahil naririto na ang huling pagsubok...

(nasasabik na sila, pero nag-aalala sina Samaria)

Sumigaw ang hari,

Hari: Ilabas na ang dalawang higante!!!

--

  Nagulat ang lahat, nataranta at nakaramdam bigla sila ng takot at kaba sa narinig nila sa hari.

Kanya-kanya sila ng bulungan,

A: Ang dalawang higante nga ba ang tinutukoy ng mahal na hari!?

B: Tama ba ang ating narinig? Nakakatakot ang dalawang higanteng iyon!

C: Marami na rin silang napatay!

D: Matagal ng nakakulong ang dalawang higante at mabilasik sila! Ngunit ngayon ay pinalaya sila ng hari para ilaban kay Jes?

  (sobrang nag-alala sina Samaria, kinatatakutan ng buong lunsod amg dalawang higanteng taong iyon)

  Ngunit kung may mga natakot, mas marami naman ang natuwa dahil iniisip nilang mamamatay na si Jes.

****

  Binuksan ng mga kawal ang kulungan ng higanteng tao, at lumakad papunta doon.

  Yumanig ang lupa sa bawat hakbang ng dalawa, nabuwal ang marami.

   Tulalang-tulala naman si Jes nang makita ang mga ito, hindi sya makakilos sa kinatatayuan nya,

  ngayon lang sya nakakita ng ganoong kalalaking tao!

--

Nagsalita ang hari sa lahat,

Hari: Ipinakikilala ko sa inyo, ang dalawang higanteng matagal ng nakakulong... Oo!! Pinalaya ko sila kapalit ng pakikipaglaban nila ngayon kay Jes!

(kinabahan sila)

Hari: Sila nga ang makakatunggali ng lingkod ni Yahweh, naririto... Nandito na! SINA SODOMA... AT GOMORA!!!

 (nagpalakpakan ang bayan, naghiyawan sila sa tuwa)

Lingkod ni baal: Ngayon ay mapapatay na talaga si Jes!

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon