Chapter 5: Alinlangan

347 9 0
                                    

====★

Samaria: Maaari ko bang malaman kung ano'ng nasasaad sa iyong isinulat sa Gobernador?

-- nasa bahay na sila ni Jes.

  Nakaupo si Jes habang naghahain si Samaria.

Samaria: Naguguluhan kasi ako, at napapaisip.. Ano ba talagang gusto mong ipasabi sa amin?

-- inabutan ni Samaria ng inumin si Jes at umupo sa tabi nito.

Tinanggap ni Jes ang inumin,

Jes: Salamat. (uminom) Hindi mo ba ako pagtatawanan o hahamakin, Samaria…?

Samaria: Ano ba iyon? Karapatan ko naman sigurong malaman iyon, hindi ba?

Jes: Karapatan mo talaga...

--umayos ng upo si Jes, tumingin ng seryoso..

Jes: Bilang isang mamamayan ng inyong lungsod, may ipinasasabi sa inyo si Yahweh..

Samaria: Si Yahweh?

--nakaramdam ng takot si Samaria,

Samaria: Tama ba ang narinig ko? (nanginig sa takot)

Jes: Oo Samaria, at isa akong lingkod Nya. Ipinasasabi Nya na magugunaw ang lungsod nyo!

(napatayo si Samaria)

.
.
.

Samaria: Sabihin mong hindi totoo yan!!

(tumayo rin si Jes)

Jes: Totoo, Samaria! Maniwala ka sa 'kin! Ipinadala Nya ako dito upang magbigay-babala! Nararapat na kayong magbalik-loob sa Kanya!

Samaria: Hindi ako naniniwala sa iyo!!!

Jes: Pati ba naman ikaw hindi maniniwala sa akin?  (hinawakan nya sa braso si Samaria)

Samaria: Wag mo akong lokohin, Jes!! (inalis ang kamay ni Jes) Kung ang Gobernador nga, hindi naniwala sayo ako pa kaya!?

Jes: Akala ko pa naman kakampi kita...

Samaria: Pagtatawanan ka nga nya! Nahihibang ka na! Hindi na ako magtataka kung sinasabi mo yan, dahil si Yahweh naman ang pinaglilingkuran mo! Pero dito sa Lungsod, si Baal lang ang aming sinasamba! Iba ang aming pinaniniwalaan at walang mangyayaring paggunaw!!!!

  (matagal silang nagkatitigan...)

***

.
.
.

===★

  Nagpasya ng umalis si Jes sa tahanan ni Samaria.Naglakad na lang ulit sya.

Jes: 'Kung si Samaria pa nga lang hindi naniwala sa akin, paano pa kaya kung lahat na ng tao dito ang sinabihan ko? Malamang pagbabatuhin nila ako!'

--

  Nalalakad pa sya nang makita nya si Palmira na nagpatirapa sa lupa upang sambahin ang rebultong si Baal.

Lumapit sya dito...

Jes: Bakit nyo ba yan sinasamba!? (may galit sa kanyang tinig)

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon