Chapter 23: Pagkabulag at Pagguho

314 6 1
                                    

===★

  Samantala, ibinalik na nga muli si Cades sa Palasyo at iniharap sya sa Hari.

Kawal: Naririto na po si Cades, mahal na Hari. Pagmasdan nyo po sya.

Hari: Salamat, makakaalis ka na.

Kawal: Masusunod po!

--
  at nagmadali na ngang umalis ang kawal.

.
.
.

==★

  Tumingin muli ang Hari kay Cades at pinagmasdan syang mabuti.

Hari: Tunay nga ang sinabi nila... nawala agad ang mga sugat mo. Wala kang mga galos at nakakalakad ka kaagad. Wala man lang makitang latay sa iyo? Ano'ng ritwal ang ginawa mo?

-

Sumagot si Cades,

Cades: Ipagpaumanhin ninyo mahal na hari, subalit-- hindi ako nag-ritwal o gumawa ng anuman. Sapagkat, ipinalangin lamang po ako ng aking mga nakasama sa bilangguan sa pangunguna ni Jes.

(nagtaka ang hari)

Hari: Jes..??

Cades: Opo! Ang mga kasama nya ay may takot rin sa Diyos na si Yahweh at sila ang nanalangin para sa akin na gumaling at manumbalik ang aking lakas. Pinagaling ako ng Panginoong Jesu-Cristo!

(nag-isip ng mabuti ang hari)

Hari: Si Jes…? Sino nga ba ang binatang iyon sa palagay mo?

Cades: Mahal na hari, natitiyak kong isa syang Propeta. At nararamdaman kong ipinadala sya ng Tunay na Diyos upang magbigay-babala sa lungsod na malapit ng magunaw!

(natigilan ang Hari)

Cades: Kaya nakikiusap po ako sa inyo, sa pamamagitan ng inyong katayuan... ay palayain nyo po si Jes. Kailangang matupad ang mga bilin sa kanya.

-- dahan-dahang lumuhod si Cades na nagsumamo...

Cades: Nakikiusap ako, mahal na haring Asiria… tulungan n'yo po sya. Palayain n'yo po sya pati na ang kanyang mga kasama. Bilang dating taga-sunod ng Panginoon, pinakikiusap kong huwag nyo silang hayaang makulong. Kailangan natin S'ya.

--

  Hindi nakapagsalita ang hari, at patuloy na nag-iisip sa kanyang mga planong gagawin.

.
.
.
.

==★

Sa bilangguan,

  Nagpalakpakan ang mga preso pagkarinig ng mga sinabi ni Jes.

  Tuwang-tuwa sila sa mga narinig na nagpabuhay sa kanilang mga loob.
.
.
.

  Ngunit-- nagimbal silang lahat nang biglang dumating ang dalawang nagbabantay at nakita silang naghihiyawan sa tuwa!

  Nagulat ang mga nagbabantay at galit na sumigaw...

N1: Ano'ng kalapastangan ang nangyayaring ito!!?? Talagang sumusuway kayo sa kautusan!

--
  nagulat silang lahat at natakot ang iba.

  Galit na tumitig ang mga nagbabantay kay Jes,

N1: Ikaw binata! Nasisiguro naming ikaw ang nagpasimula nito!

N2: Nasa bilangguan ka na at lahat, ay nagagawa mo pa ring magturo at magpahayag ng Salita ng Diyos!? Kailan mo pa ito ginagawa? Hindi ka ba talaga natatakot!!?

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon