Chapter 3 - Mga makikilala...

416 10 0
                                    

===★

Si JERICO

  Sumapit ang gabi, pero maingay pa rin ang paligid. Tila laging may kasiyahan.

Jes: 'Grabe naman sila, mas matindi pa ito sa iskwater sa amin.'

--

  Naglakad-lakad ulit sya nang masulyapan nya ang batang binigyan nya ng tinapay,

  tumatakbo ito na may dala ulit na malaking tinapay.

Jes: Bata!!! (tawag nya at sinundan nya ang bata)

  Narinig nyang sumigaw ang ale,

Ale: Magnanakaw!!! Magnanakaw ang bata!!!

--

  Nagtatakbo lalo ang bata at medyo nakalayo na sa karamihan,

.
.
.

pero bigla itong nadapa!

Bata: Aahh..!!!

-- nasaktan ang bata, napaluhod at pinagpagan ang tuhod..

Bata: Ang sakit...

Jes: Bata!!!!

(nagmadali si Jes na habulin ang bata)

  Agad tumayo ang bata, akmang tatakbo--

pero nahawakan sya ni Jes.

Jes: Ano'ng nangyari sayo? (sabay tingin sa tuhod)

Bata: Wala po! (tatakbo sana)

Jes: Sandali! Bakit ka ba hinahabol ng ale? Ano'ng ginawa mo?

Bata: Gutom na gutom na po kasi ang kapatid ko... hindi po sapat ang kalahating tinapay. (paiyak)

Jes: Kaya mo ba nagawa yan ay dahil sa kanya?

Bata: Opo. May sakit po sya, hinihintay na nya ako. Aalis na po ako!

Jes: Pero hindi pa rin tama ang magnakaw..

Bata: Mamamatay na po kami sa gutom!

Jes: Alam ko ang nararamdaman mo, pero mali pa rin ito. Sa tingin mo ba matutuwa ang kapatid mo pag nalaman nyang nagnakaw ka?

(natahimik ang bata)

Jes: Alam mo hindi naman tayo pababayaan ni Yahweh.  Magpapadala sya ng pagkain para sa inyo, mabubusog rin kayo.

Bata: Pero nagugutom na po talaga sya...

Jes: Hayaan mo, bibigyan ulit kita ng tinapay... basta ibalik mo na yang kinuha mo. Kaya ba ng konsensya mo na kainin yan ng kapatid mo?

  (napaisip ng saglit ang bata)

Bata: O sige po. Ibabalik ko na. Pero ayoko pong ako ang magbalik nito sa aleng masungit!! .. Natatakot po ako sa kanya, sasaktan nya ulit ako!

Jes: Hindi mangyayari yon, hindi ka nya masasaktan.. Kasama mo ako at ako na ang magbabalik nito sa kanya.

...

Ibinigay ng bata ang tinapay.

  Maglalakad na sana si Jes.. nang makita ang ale na nasa harapan na nila--

Ale: Magnanakaw! Sya ang magnanakaw! Ang bata!!! (galit na galit) Magnanakaw ka talagang bata ka! Daig mo pa ang pusa!!!

-- susugurin sana ng ale ang bata pero humarang si Jes..

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon