Chapter 30 Ang Paggunaw

248 8 0
                                    

==★

  Nagkakagulo pa rin sa lungsod, makikita sa paligid ang mga taong nag-aaway away.

  Pinagmasdan pa ni Jes ang mga nangyayari, napangiwi pa sya sa mga sakit ng pambabato sa kanya.

--

  Ayaw pa ring tumigil ng mga mananamba ni Baal, nakikilaglaban pa rin ang mga lingkod ni Yahweh.

Ngunit ilang saglit pa…

.
.
.
.

  ay biglang kumulog ng malakas! Nayanig ang lupa sa sobrang lakas!

  Napasigaw ang marami, napatigil at napatingin sila sa nagdilim na langit.

  Napatingala rin si Jes at lahat ng tao doon, natahimik sila sa pagkabigla.

  Tila tumigil ang mundo, hindi sila makagalaw.

  Natahimik silang lahat, nanginginig ang marami at natakot.

  Tila ba nararamdaman na nila ang mga susunod na mangyayari.

At ilang saglit pa…

.
.
.
.
.

 -- ay tila bulkang sumabog ang lupa mula sa malayo!

  Kumulog ulit ng napakalakas at nagsimula ng gumalaw ang paligid!

  Napasigaw na sila sa takot, nagtaob silang lahat!

  Nararamdaman nila ang nakakatakot na pagyanig!

  "AAAAaaahHhh!!!"

,halos hindi sila makakilos sa paggalaw ng lupa.

  Takot na takot ang reyna, lalo na ang mga mananamba ni Baal…

Lingkod ni baal: Ano'ng nangyayari?

(naiiyak na sila sa takot at pangamba)

  Nabibiyak na ang ibang bahagi ng lunsod, unti-unting gumuguho ang mga maliliit na pader at tahanan.

.
.
.

Elim: Jes!!! (nilapitan si Jes at kinalag ang pagkakatali)

Jes: Salamat, Elim.

Elim: Jes, katapusan na ba…?? (paiyak)

Jes: (hinawakan nya si Elim)  Wag kang matakot, Elim. Manalig ka pa rin sa Diyos kahit ano pa'ng mangyari. Huwag mong hayaang mawala ang pananalig mo sa Kanya.

 (tumango si Elim at tumingin sila sa paligid)

Takot na takot ang lahat.

***

  Lumakad si Jes ngunit nahihirapan sya sa paglakad dahil sa matinding paggalaw ng lupa, tinignan nya ang mga tao, hinahanap nya sina Jerico.

.
.
.

  Ilang saglit pa at gumuguho na ang malalaking tore at pader ng lungsod.

  Narinig nila ang malakas na pagbagsak ng pintuan ng lungsod!

Mga tao: Aaaaahhh..!!!

--

  Nagbagsakan na rin ang maliliit na tahanan.

Lingkod ni baal: Nagugunaw na nga ang lungsod! Pinarurusahan na tayo!!!

.
.
.

  Umihip naman ang isang malakas na hangin na nagpagulat sa kanila,
nagsigawan na sila at nagsiiyakan.

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon