Chapter 22: Sa Kalapit-kulungan

270 5 0
                                    

===★

Sa bilangguan...

.
.
.

N1: Cades! Ipinatatawag ka na ng mahal na hari!

  (nagkatinginan muna sina Cades, Jes at ang ibang kasamahan,

sila'y tumango at ngumiti)

  Pinakawalan na ng nagbabantay si Cades, isinama paalis.

--

Hamat: Sana'y matulungan tayo ni Cades.

Elim: Wag sana nyang malimutan ang kanyang ipinangako.

.
.
.

===★

  Mayamaya'y, sa kalapit nilang kulungan ay narinig nila ang sigawan, hiyawan ng mga bilanggo roon.

  Nakita nilang sinasaktan at pinagtutulungan ng mga bilanggo ang isa ring bilanggo.

  Narinig nila ang hinagpis, paghingi ng tulong ng bilanggo sa pananakit sa kanya.

.
.
.

  Hindi na nakatiis si Jes, pasigaw nyang sinabi sa mga ito,

Jes: Ano'ng nangyayari mga kapatid? Bakit nyo sinasaktan ang isa nyong kasama?

  (nagkakagulo pa rin sa kalapit nilang kulungan, maingay na tila may rambol)

Jes: Huminahon kayong lahat! Wag nyo syang saktan! Wag nyong gawin yan sa inyong kapwa, ituring natin ang isa't-isa bilang magkakapatid!

--

Doon pa lang sya narinig ng mga bilanggo,

  tumigil ang mga ito at tumingin silang lahat kay Jes...

L1: Ikaw na lingkod ni Yahweh, bakit mo kami pinipigilan? Ang lalaking aming sinasaktan ay nagkasala sa amin! Nandaya rin sya sa aming sugal, bukod pa don ay sya ang pinakamahina sa amin!

--
sumagot si Jes,

Jes: (mahinahon)  Mga kapatid, una sa lahat.. hindi kayo dapat nagsusugal. Ang anumang galing sa masama, o hindi pinaghirapan ay madaling nawawala at hindi nagtatagal! At hindi tamang saktan ninyo ang inyong kasama! Kung mahina man sya, ay kailangan nyo syang palakasin.

  (natahimik ang lahat, tumayo ang ibang bilanggo at tumingin sa kanya, nakinig sa kanyang sinasabi)

.
.
.

Jes: Dapat lamang na nagtutulungan tayong lahat, sapagkat pare-pareho tayong nasa bilangguan...  Ang kailangan natin ngayon ay pag-uunawaan, pagmamahalan at pagkakaisa. Kailangan nating magdamayan at hindi magsakitan!
  Lahat tayo'y mga bilanggo, hindi tamang tayo pa ang nagpapahina ng loob sa ating mga kasama!

(nagkatinginan sila, nagtatanungan, nagbulungan)

  Isang saglit pa ay tumingin ulit sila kay Jes,

L1: Binata, ipakilala mo sa amin ang iyong sarili!

(lumapit pa ng husto si Jes sa may selda)

  Tumingin sya sa lahat ng nandon, tumayo rin ang mga bilanggo sa kabilang kulungan at nakinig sa kanya.

.
.

Jes: Mga kaibigan, ako si Jes. Isa akong dayo, nagmula ako sa isang malayong lugar.  At hindi na  rin ako maglilihim sa inyo, dahil naparito  ako para sa isang misyon.. upang magpangaral sa inyo at magbigay ng babala.

 (nagulat ang mga nagbabantay sa narinig)

L2: Tunay nga ba ang iyong sinasabi?

Jes: Hindi ako nagbibiro, lahat tayo dito ay may pananagutan, ipinadala ako ni Yahweh upang maligtas kayong lahat. Makikinig ba kayo sa 'kin?

--

nagbulungan muna ang mga bilanggo...

L1: Maniniwala ba tayo sa kanya?

L2: Bakit nya sinasabi sa atin ang mga iyon?

L3' Wala namang masama kung maniniwala tayo. At isa pa, wala na rin namang silbi ang mga buhay natin dito. Kung makikinig tayo sa kanya, ay maari pang mabago ang buhay natin!

L4: Tama ka, baka mas maliwangan na rin tayo at matutong magmahalan dahil sa ituturo nyang Mabuting Balita! At saka, matagal na rin tayong hindi nakakarinig ng Salita ni Yahweh.

.
.
.

--

  Matapos nilang mag-usap usap, sabay-sabay na silang tumingin kay Jes,

L1: Binata, handa na kaming makinig sa iyo. Ibig naming maligtas, at makarinig ng ipangangaral mo.

(napangiti si Jes)

.
.
.

==★

  Humarap si Jes sa kanila, ang mga bilanggo ay nasa unahan ng kulungan at taimtim na nakikinig sa kanya.

  Maging sa pinaka dulo ng kulungan ay matiyagang nakikinig sa kanya,

  nilaksan na lang ni Jes ang kanyang tinig upang marinig ng marami.

.
.
.

Jes: Magdamayan tayong lahat, magpakasipag at buong pusong naglilingkod sa Panginoon. Magalak tayo sa ating pag-asa, matiyaga sa ating kapighatian... at laging manalangin.

  "Tumulong tayo sa nangangailangan, bukas ang pinto sa mga taga-ibang lugar. Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, idalanging pagpalain at wag sumpain.

  "Magkaisa nawa ang ating mga saloobin... Kung may nananangis ay makitangis tayo, at makigalak sa mga nagagalak.

  Makisama tayo sa mga aba, wag magmataas. Huwag nating gantihan ng masama ang masama. Sikapin nating mamuhay ng marangal.

  Mga minamahal, huwag kayong maghiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos, sapagkat nasusulat, 'Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti.' ,sabi ng Panginoon."

-

Jes: Ito'ng sulat na ito ni Pablo sa Roma, ay kapaki-pakinabang para sa atin. Itinuturo nito na pairalin pa rin ang kabutihan sa lahat ng panahon.
  Kapag may kapatid man tayong nagdadalamhati, samahan natin sila at palakasin ang kanilang loob.
  At kung sya man ay nagkaroon ng pagkakasala dahil sa maling nagawa, wag natin silang agad husgahan... sa halip, ay bigyan natin sila ng pag-asa.
  Kailangan nila ng mga salitang nakapagpapahilom ng sugat, na nakakatulong upang ipakilala sa kanila ang ating Tagapagligtas!

--

  'Mga kapatid, huwag kayong magsasawa sa paggawa ng mabuti. Tandaan ninyo at iwasan ang sinumang ayaw sumunod sa tagubilin upang siya'y mapahiya...

  Ngunit, huwag naman ninyo siyang ituturing na kaaway; sa halip, pangaralan ninyo bilang kapatid.' (Tesalonica 3:13-15)

.
.
.

Jes: Kung may pagsubok man tayong kinahaharap, maari tayong magtulungan at magdamayan.
  Wag tayong malungkot o magdamdam kung tayo'y nakararanas ng pagsubok, magalak pa rin tayo sa ating paghihirap kung ito naman ang magiging dahilan upang mas mapalapit tayo ng husto sa Panginoon..
  May dahilan tayo upang magsaya, magpasalamat at magpuri kay Yahweh!
  Sya ang tunay at mapagmahal na Ama, minamahal Nya tayo bilang mga anak Nya.

====★====

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon