Pagiit kay Yahweh

254 6 0
                                    

===★

  Nagpaiwan si Canaan sa isang tabi, at si Jes ang naglakad mag-isa sa gilid ng mga tao.

  Pinagmasdan nya ang lahat, wala pa ring nakakapansin sa kanya.

--

  At sa kanilang kaabalahan, ay nakaakyat na si Jes sa tanghalan sa unahan kung saan naroroon ang Gobernador at ang rebulto ni Baal.

Tumingin si Jes sa lahat.

.
.
.

  Saktong napatingala si Samaria at nakita sya,

Samaria: Jes? (gulat na sabi)

--narinig iyon nina Siquem at napatingin din,

nagulat din sila.

  "Si Jes???"

--narinig din iyon ng iba, napatingala rin ang ilan at nakita sya.

(nagbulungan ang iba)

   Mayamaya'y, nagsalita na si Jes ng pasigaw..
.
.
.
.

Jes: Hindi pa ba kayo nadadala..??

  Narinig na iyon ng lahat at doon na nagulat ang marami nang makita sya.

Agad silang nagsitayuan,

Mga tao: Sya? Ano'ng ginagawa nya dito? Bakit nandito sya?

(nagtatanungan sila)

  Napatayo na rin ang Gobernador na gulat na gulat.

Jes: Hindi pa rin ba kayo maniniwala sa akin? Patuloy pa rin kayo sa pagsamba sa rebulto!!?

.
.
.

  Nagalit ang Gobernador at lumapit sa kanya..

Gbrndr: Paano ka napunta dito!? Hindi ba't ikinulong na kita!? SINO ANG NAGPALAYA SAYO!!!?

(galit na galit ang Gobernador)

Sumagot si Jes,

Jes: Pinalaya ako ni Yahweh. (walang gatol na sabi)

Gbrndr: Lapastangan ka talaga sa iyong mga sagot!!!

--galit na susugod ang Gobernador ngunit nagsalita si Jes,

Jes: Sige... subukan mo ulit akong saktan... (seryoso)

 -- at biglang humangin sa paligid nya.

  Nagulat ang Gobernador, natakot ang mga tao, ang iba naman ay nagagalit.

  Nagkagulo na ang lahat, natataranta ang iba.

  Lalong umingay ang paligid, galit na galit sila.

Mga tao: Bakit ka ba nandito!? Umalis ka na binata! Ginugulo mo na naman ang buong lunsod!!!

(humarap si Jes sa mga tao)

Jes: Nandito ako upang magbigay muli ng babala sa inyo! Hindi ako nagsasawang ulit-ulitin hanggat hindi pa nangyayari ang paggunaw...  Ginawa ko ang lahat upang hikayatin kayo, ngunit hindi kayo nakikinig!

  "Hindi madaling magalit si Yahweh... ngunit Sya'y lubhang makapangyarihan, tiyak na parurusahan Nya ang sinumang magkasala." (-Nahum 1:3)

(bulungan)

.
.
.

Jes: Binigyan Nya kayo ng maraming araw upang magsisi-- subalit tinanggihan nyo pa rin Sya. Ano pa ba ang ibig ninyo? ... Ipinadala na N'ya ako dito upang mangaral, magpahayag... Ang iba sa inyo'y naniwala, ngunit nagbalik pa rin kay Baal! Maliligtas na sana kayo, subalit sinayang nyo ang pagkakataon. Napaka-sakit ng inyong ginawa sa Kanya!

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon