Ch.12 Pagpapalayas ng demonyo

361 7 0
                                    

===★

  Pagdating nina Jes at Samaria sa tahanan ng mag-anak...

  nagkakagulo na ang mga tao, ang iba ay nakasilip sa bintana at pintuan.

Natakot si Samaria.

  Narinig nila ang sigawan sa loob. Sumilip sila at hindi man lang sila napansin ng mga tao doon.

Ina: Aaaahhhhh!!!! Walang makapipigil sa akin!!

(pilit itong kumakawala sa pagkakatali sa kanya)

-- maging ang dalawang anak nito ay nagwawala sa sahig, umiiyak, tumatawa at nanlilisik ang mga mata.

  Puro sigawan ang maririnig, pinapakalma naman ng mga tao ang mga biktima.

Lalaki: Ano'ng gagawin natin? Bakit hindi nyo sila mapagaling??

Arbularyo: Paumanhin sa inyong lahat, ngunit sadyang makapangyarihan ang mga dyablong sumasapi sa kanila. Hindi ko sila kaya!

(lalong natakot ang mga tao)

Mga tao: Delikado tayo! Ano'ng gagawin natin?!

Ina: (tumawa) Hindi nyo kami kaya!!!! Hahahaaaaa!!

--subalit umiyak ang asawa nya..

Ama: Parang-awa nyo na, pagalingin nyo sila... Ayaw kong mawala ang pamilya ko sa akin...

(naawa ang iba ngunit nag-aalinlangan)

Arbularyo: Ngunit malalakas sila, hindi ito kaya ng kapangyarihan ko.

--
nagsalita ang isang lalaki,

Lalaki: Mabuti pa, dalhin natin sila sa rebulto ni Baal! Tiyak na gagaling sila at mapapalayas ang masasamang espiritu!

(pumayag sila ngunit malalakas ang pwersa ng mag-iina)

-- hindi nila kayang buhatin o hawakan man lang ang mga ito.

Ina: PAPATAYIN KO KAYONG LAHAAAATTTT!!!!! (nagwawala at nandudura)

--napalayo ang ilan at natakot.

  Nagsilabasan ang ilan nang sumuka ng berdeng likido ang mag-iina.

Sila: Manalangin tayo kay Baal!!!

--nagpatirapa sila habang bumubulong sa ritwal na hindi maintindihan.

.
.
.

--

   Hindi na nakatiis si Jes, nagpasya na syang pumasok sa loob.

Samaria: Jes... (nag-aalinlangan)

  Pero nagsumiksik pa rin si Jes sa mga tao, pumasok sya sa loob... at nakita ang mga tao na nanalangin kay Baal.

Arbularyo: Sadyang napaka makapangyarihan ng mga dyablong sumasapi sa kanila!!!

(natakot na rin ang marami)

Ngunit nagsalita na si Jes,

.
.
.
.

Jes: May mas makapangyarihan pa ba kaysa kay Jesus at sa Diyos na si Yahweh...?

--sabay-sabay silang napalingon kay Jes, nabigla sila!

Mga tao: Ano'ng--

Jes: Hindi ninyo mapapalayas ang dyablo sa katawan nila kung si Baal ang tatawagin nyo. Si Yahweh lang ang dapat ninyong tawagin!

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon