Pagpapagaling

253 8 0
                                    


Samaria: Jes!! (umiiyak pa rin)

Jes: Samaria... (mahinang sabi habang pabagsak ang talukap ng mga mata)

Samaria: Jes, dadalhin kita sa pagamutan. Wag kang mag-alala, tutulungan kita.

  (at inaakay nya patayo si Jes)

Jes: Hindi. Kailangan kong-- puntahan ang mag-anak... na sinasapian ng masasamang espiritu. K-kailangan ko silang tulungan...

Samaria: Hindi maaari! Baka saktan ka ulit ng mga tao! Pagkakataon mo na ito upang tumakas!

Jes: Ngunit pagkakataon ko na rin ito upang mapatunayan sa kanila na totoo ang sinasabi ko.

-
  nabibigla pa rin si Samaria sa mga sinasabi ni Jes.

Samaria: Pero Jes--

--pinilit ni Jes na tumayo habang inaalalayan sya ni Samaria.

Jes: Huwag kang mag-alala, Samaria... kaya ko ito, hindi ako pababayaan ng Diyos.

--

  Kinakabahan man, ay sumang-ayon na lang si Samaria.

  Ngunit mayamaya'y napaluhod si Jes, nahihirapan syang maglakad dahil masyado na syang mahina.

Samaria: Jes, magpagaling ka muna...

Jes: Manunumbalik rin ang lakas ko.

Samaria: Mamaya na tayo lumakad, magpahinga ka muna.

--

  Umupo si Jes, hinawakan ang nasugatang braso.

Samaria: Gagamutin ko yan, kukuha lang ako ng dahon ng bayabas at ng makakain mo. Diyan ka muna, sandali lang ako.

  --at nagmadaling umalis si Samaria.

.
.
.

==★

  Masakit pa rin ang katawan ni Jes, dama nya ang sakit at hapdi ng mga pasa nya.

At sa sobrang pagod din nya ay nahiga sya sa lupa, at napapikit.

Jes: 'Kailangang maging malakas akong muli ako, hindi ako maaaring manghina'

.
.
.
.

  At nagpakita ulit sa kanya si Anghel Gabriel.

A.Gabriel: Jes, oras na upang patunayan mo ang kapangyarihan ni Yahweh.

(mumulat si Jes at tumango)

A.Gabriel: Huwag kang mag-alala, alam nya ang mga nangyayari sayo. Malapit ng matapos ang mga araw… wag kang susuko…

(at muling nawala si Anghel Gabriel)

--

   Umupo na lang si Jes at muling pumikit... ngunit naramdaman nyang may kakaibang ginhawa ang bumalot sa kanya.

  Nagliwanag ang paligid at unti-unting nanunumbalik ang lakas nya, nawala ang mga pasa at sugat nya sa katawan.

  Nagmulat sya ng mga mata at mabilis sya nakatayo.

  Pinagmasdan nya ang sarili, hinawakan ang braso at mukha nya.

Jes: Wala na? Naghilom na ang mga sugat ko? Malakas na ulit ako?

--agad syang napangiti at natuwa.

Jes: Salamat Yahweh! (tuwang-tuwa sya)

--

  Sakto namang nakangiting bumalik si Samaria na may dalang dahon ng bayabas, isang tinapay at isang inumin.

Samaria: Jes, heto na ako. Gagaling ka na...

(ngunit nawala ang ngiti nya nang makita si Jes)

Samaria: Jes...?

Jes: Magaling na ako Samaria! Mabuti na ang lagay ko! Malakas na ulit ako! (masayang sabi)

Samaria: (nagtaka) Paanong nangyari?

Jes: Pinagaling ako ni Yahweh! Hindi Nya ako pinabayaan! Nakikita mo ba ako ngayon?

--
ngunit lalong nalungkot si Samaria, nalilito pa rin.

Jes: Samaria, maniwala ka na rin sa Kanya. Hindi ako nagsisinungaling, at lalong hindi ako nasisiraan ng ulo.

Samaria: Imposible...

Jes: Sa tingin mo ba sino ang makakagawa ng himalang ito? Makinig ka, tanggapin mo si Jesus... Sya ang doktor, Sya ang paniwalaan mo at ililigtas ka Nya..!

 (hindi na lang umimik si Samaria, ibinigay na lang nya ang tinapay at inumin kay Jes)

***

   Pagkatapos kumain ni Jes ay tumayo na sya, tumayo na rin si Samaria.

Samaria: Pupunta ka pa rin ba?

Jes: Kailangan nila ako... Sasama ka ba?

(napatango na rin si Samaria kahit nag-aalinlangan)

====★====

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon