Chapter 26: Pagdalo ng hari at reyna

263 7 0
                                    

====★

  Nagkakagulo pa rin ang marami sa lunsod, nagsisigawan sila, ang iba'y nag-aaway-away na.

  Napatingin naman ang lahat nang masulyapan na nila ang Hari at Reyna, at narinig nila ang tugtog.

--

  Napatigil silang lahat, paparating na ang mga ito kasabay ng mga kawal at mga musikerong tumutugtog.

.
.
.

Heneral: Nandito na ang Mahal na hari at mahal na reyna!!

  Napangiwi naman si Jes, dahan-dahan syang tumayo.

Lahat ng atensyon ay nabaling sa hari at reyna.

Gbrndr: Magsilayo kayong lahat!!!

(upang makadaan ng mabuti ang hari at reyna)

--

  Nagsibaan na rin ang mga tao sa tanghalan at saglit silang nagsitahimik.

  Bumaba na ng karwahe ang hari at reyna, humawi ang daan at lumapit sila sa unahan.

  "Mahal na Reyna, Mahal na Hari!" ,sabay-sabay silang nagbigay-galang.

.
.
.

  Nauna ng umakyat ng tanghalan si Reyna Gaza, at matapang na hinarap ang Gobernador,

Reyna: Ano'ng nangyayari rito!? Hindi ba't kasiyahan ang dapat naming abutan dahil pista ngayon ni Baal? Subalit ano ito? Nagkakagulo kayo? Ano'ng mga problema ninyo!?? (mataray na sabi)

-
Hiyang-hiya namang sumagot ang Gobernador,

Gbrndr: Mahal na reyna Gaza, ipagpaumanhin ninyo ang nangyayaring ito. Hindi namin ito inaasahan... Maligaya at matagumpay ang aming hangad, ngunit-- ang binatang lingkod ni Yahweh! ang syang may kagagawan!!

(mataray na tumingin ang reyna)

Reyna: Lingkod ni Yahweh!?

Palmira: Opo, mahal na reyna. Ginugulo nya ang aming pagsasaya! Siya ang dahilan ng kaguluhan ng lunsod, sya ang nagpasimula ng lahat kung bakit muntik ng magkawasak-wasak ang aming bayan!!!

--

  Nagalit ang reyna, at agad nitong nilapitan si Jes at malakas nya itong sinampal!

Reyna: Sino'ng nagbigay sayo ng awtoridad na gawin iyon!? Wag mong dalhin dito ang pagiging Kristiano mo!!!

Jes: Ngunit makasalanan na ng labis ang lungsod na ito! Kailangan na nilang humingi ng tawad, maging kayo!

Reyna: Mapahangas ka!

-- sasampalin ulit sana sya pero agad nya itong sinalag.

Lumapit na ang mga kawal kay Jes...

Mga kawal: Ano na pong gagawin namin sa kanya?

Reyna: Paslangin nyo na!!!

(nagkagulo sila)

Ngunit may nagsalita,

.
.
.
.

Hari: Huwag!

--
  sabay-sabay silang napatingin sa mahal na hari na doon pa lang nagpasyang umakyat ng tangahalan...

Reyna: Mahal na hari!

(nagpalakad-lakad muna ang hari..)

Hari: Huwag ninyong hahatulang mamatay ang lingkod ni Yahweh.

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon