Chapter 11 - Sino ang Lumimbag?

302 8 0
                                    

===★

  Nagpasyang umalis si Jes at nagpunta sa kagubatan, doon sya nanalangin muli.

Jes: Panginoon, gabayan Mo pa po ako...

-

  Pagkatapos, ay naghubad na sya ng damit upang maligo sa batis.

Jes: Pakiramdam ko ang dungis-dungis ko kaya maliligo ako nang bumango ako kahit konti!

-- at nagpakasarap syang lumusong sa batis.

***

.
.
.
.
.

===★

  Sa labas naman ng tahanan ng Gobernador...

nagtatanong ito sa mga tao sa lungsod.

Gobernador: Sino ang lumimbag ng sulat na ito??

-
Sumagot ang mga tao,

Lalaki: Isa pong binata, mahal na Gobernador! Tama lang ang taas at katawan nya, magandang lalaki sana sya.. ngunit madungis sya!

Lalaki2: At napaka misteryoso nya, ipapangaral raw nya ang mabuting balita mula kay Jesu-Cristo!

Babae: Lahat kami rito ay inaaya nyang magbalik kay Yahweh! Lahat kami ay sinusubukan nyang lituhin!

Lalaki3: At ang isa pang kababalaghang ginawa nya, ay nang MAGPAGALING sya ng may SAKIT at NAGPABABA sya ng APOY!

(nagulat ang marami at nagbulungan)

  Matatag na nagsalita ang Gobernador,

Gbrndr: Totoo ba ang lahat ng inyong mga sinabi!?

Lalaki: Opo, Gobernador! Marami kaming nakakita sa ginawa nya at kami'y natakot!

Lalaki2: At isa pa, ipinamamalita nya na magugunaw ang lungsod!

  Lalong natakot ang marami, ang iba naman ay nagagalit.

Napaisip ang Gobernador...

Gbrndr: 'Sino kaya ang binatang iyon? Sigurado akong sya rin ang nagsulat sa akin noon... Ano ang pumapasok sa isip nya? Totoo nga kaya?'

--

Nagsalita pa ang isa,

Lalaki2: Gobernador, kailangan nating ipahuli ang taong iyon bago pa sya makapanghikayat ng marami at tuluyang maniwala sa kanyang Diyos!

Gbrndr: Ipahuhuli ko sya! Nasaan sya!???

(nagtinginan sila at walang maisagot)

-- nandoon si Samaria na nag-alala, katabi nya ang Gobernador.

Gbrndr: Kailangan syang mahuli! Kalapastangan ang ginagawa nya sa ating diyos na si Baal! Kailangan nyang magbayad!

Mga tao: Tama po kayo!

Gbrndr: Kung sino man sa inyo ang magdala sa akin sa kanya, ay bibigyan ko ng pabuya!!!

-- natuwa ang iba at may ngiti na nagbulungan..

A: Madali nating mahahanap ang binatang iyon dahil lagi syang pagala-gala dito!

  Nag-alala si Samaria at kinausap ang Gobernador,

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon