Chapter 17 Ang Paggiba ng Templo

242 6 0
                                    

===★

  Samantala, pumunta ang ilang mga kawal upang gibain ang templo na itinayo nila.

  Umiiyak ang mga naglilingkod kay Yahweh habang sinisira ng mga kawal ang Templo.

Haran: Huwag nyong gibain ang templo na pinaghirapan naming itayo!!!

(at pinagtulungan nilang pagbabatuhin ang mga kawal)

  Nagalit ang mga kawal at sinugod sila.

Kawal: Kayo na nga itong nagkasala at lumabag sa kautusan, ay kayo pa rin ang may ganang bumato sa amin!?

-- at lahat ng nandoon ay hinagupit nila isa-isa.

  Natakot naman ang ibang kababaihan.

--

  Gusto man nilang pigilan ang mga kawal sa paggiba ng templo, ay wala na silang nagawa...

  Ang lahat ng lingkod ni Yahweh ay nandoon at malungkot na malungkot, tumingin sa kanilang lahat ang punong kawal,

Kawal: Kayong lahat… na naniniwala sa turo ni Jes, lahat kayo ay nagkasala! Nilason nya ang mga isipan ninyo! Naniniwala kayo sa gawa ni Jesus at sa mabuting balita!? Napakalaki nyong HANGAL!!

(nagtinginan sila at hindi na makakibo, natatakot na sila)

Kawal2: Wala man lang sa inyo ang maglalakas-loob na mangatwiran!? O kaya'y ipagtanggol ang inyong Diyos!? Nasaan na ang inyong paniniwala?

(mas lalo silang natahimik, bakas sa mukha nila ang pag-aalala)

.
.
.

  Tumawa ng malakas ang mga kawal...

P.Kawal: Hahahaha!!! Sinasabi ko na nga ba! Wala man lang bang nangangahas! Hindi nyo Sya kayang ipagtanggol! Maging sa isinugo Nyang si Jes ay hindi nyo kayang ipaglaban!!!

Kawal: Nakakatawa kayong lahat! Wala pa rin kayong tiwala kay Yahweh! Mas lalaitin namin ang inyong Diyos!

.
.
.

  Nagtitimpi lang naman sa galit ang mga lalaki,

Siquem: Ipaglaban natin ang ating paniniwala, baka lalo nila tayong laitin!

(ngunit natatakot ang iba)

Tamar: Nawawalan na tayo ng pag-asa, baka hindi rin tayo tulungan ni Yahweh. (malungkot)

-- Mas lalo namang lumakas ang tawanan ng mga kawal.

Kawal: Mga mahihina at walang mga silbi! Magsibalik na lang kayo sa inyo-inyong tahanan at sumamba muli kay Baal! Dahil simula sa araw na ito, ay papatayin namin ang sinumang maniwala at maggiit kay Yahweh!

(Lalo silang natakot)

Mga tao: Paano na tayo ngayon…? (umiiyak na sabi nila)

.
.
.
.

  Ngunit biglang umihip ang isang napakalakas na hangin na nagpagulat sa kanila.

  "Ano iyon!?" ,gulat nilang tanong.

-- Humuhugong ang hangin na may kasamang buhangin papunta sa mga kawal!

  Sila ang pinuntirya ng malakas na hangin at tila tinatangay na sila.

  "Aaahhhh!!!!!" ,sigaw ng mga kawal na napapikit at halos hindi makakita.

  Pilit nilang nilalabanan  ang hangin na humaharang sa kanila,

  ngunit sadyang napaka lakas ng pwersa ng hangin.

Nagulat din sina Haran at nagtaka.

Jotbata: Ano'ng nangyayari? Sila lang ang tinatamaan ng hangin?

Haran: Marahil ay nagalit sa kanila si Yahweh sa kanilang mga sinambit!

Tamar: Tunay ngang makapangyarihan si Yahweh!

(at namangha sila)

***

  Lalo namang lumakas ang hangin at nagsitakbuhan na ang mga lingkod ni Yahweh.

Ngunit ang mga kawal ay hindi makaalis.

Mga kawal: Tulungan nyo kami! Tulong!!!

.
.
.

  Mayamaya'y humandusay na ang mga kawal at nawalan ng mga malay...

Saka pa lang tumigil ang hangin.

====★====

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon