Chapter 13: Panawagan

334 8 0
                                    

===★

  Nagsilabasan na ang mga tao sa tahanan ng mag-anak at bumalik sa kanilang mga gawain, ngunit nagbubulungan pa rin sila.

  Nagtatanong, nagtataka.. at nawala na rin sa isip nila na huliin si Jes.

.
.
.

==★

  Magkasama na ulit sina Jes at Samaria, naglalakad sila.

Samaria: Paano mo nagawa iyon?

Jes: Hindi ka pa rin ba naniniwala sa sinasabi ko?

(at tumigil sila sa paglalakad)

Jes: Samaria, kailangan din kita. Tulungan mo sana akong  makapanghikayat ng mga tao..

Samaria: Pero Jes-- nalilito pa rin ako.

Jes: Sige, hindi kita pipilitin. Salamat na lang sa pag-aalala at pagsama mo sa 'kin.

--mayamaya'y nagdesisyon na si Jes at naglakad na sya palayo.

  Nalungkot si Samaria na nanghihinayang.

Samaria: 'Kahit na bayaran akong babae, tinanggap pa rin nya ako at hindi hinusgahan.'

.
.
.

==★

  Samantala, may nagbalita sa Gobernador,

Lalaki: Gobernador, nagpalayas ng mga demonyo ang binatang lingkod ni Yahweh! At hindi po sya nababaliw!!

--
  nagalit ang Gobernador at sinipa ang upuan sa harapan nya.

Gobernador: Bakit hindi nyo sya hinuli!?

Lalaki: Patawad po, natakot kami sa kanya at sa kakayahan nya! Sapagkat natitiyak naming makapangyarihan ang kanyang Diyos!

(sumigaw sa galit ang Gobernador)

Gbrndr: Mga inutil! Hindi kayo nag-iisip! Marahil ay kampon lang sya ng kadiliman!! ISANG DYABLO!!!!!

(dumagundong ang galit ng Gobernador)

***

.
.
.

==★

  Gumawa naman ng isang maliit na intablado si Jes, kaunting taas lang yun na tatapakan nya upang makapagturo.

  Inayos nya ang paligid nito at nilinis.

  Napapatingin man sa kanya ang iba pero agad ding umiiwas.

  Dumating ang gabi, nanalangin sya at doon na rin sya nakatulog.

--

Kinaumagahan.

  Nagising sya, at sa pagmulat ng mga mata nya ay nakita nya si Jerico at ang kapatid nitong babae.

Jes: Jerico?

Jerico: Kuya Jes, bakit dito po kayo natulog?

  (tumayo si Jes at ngumiti)

Jes: Pasensya na, dito na kasi ako nakatulog. Sino ang kasama mo?

Jerico: Siya nga po pala yung kapatid ko, siya po si Mari.

Jes: (ngumiti sa bata)  Kumusta? Ako si kuya Jes...

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon