Chapter 2 - Ang Lungsod

376 9 2
                                    

===★

  Sa paglalakad ni Jes ng isang oras pa, ay naririnig na nya ang ingay ng lungsod.

  Patag na rin ang nilalakaran nya at mahangin na rin.

Jes: 'Mukhang malapit na 'ko.'

Napangiti sya.

  Nagmadali na syang lumakad habang tinatanaw ang Lungsod.

Jes: 'Konting lakad na lang, nandon na ako!!'

  Binilisan na nya, naglakad pa sya ng kaunti.

.
.
.

===★

  At hindi nagtagal... nasa harap na sya ng malaking lungsod!!!

  Humanga sya sa malaking gate nito at matataas na tore.

Jes: 'Wow malalaki ang mga pader, ang gagandamukhang matitibay. Buti na lang walang nagbabantay dito'

  Bukas ang gate at malaya syang nakapasok sa lungsod.

  Narinig na nya lalo ang ingay-- mga nag-uusap, nagtatawanan, nagbibili ng kung anu-ano.

  Hindi naiba ang suot ni Jes sa kanila, kaya hindi sya pinagdudahan na isang dayo.

-- Ang mga babae doon ay mahahaba ang damit at may patong na tela sa ulo.

  Ang mga lalaki naman ay katulad ng suot ni Jes, pero karaniwa'y mahahabang balabal na nakasabit sa balikat nila.

--

  Luminga-linga si Jes na manghang-mangha.

Jes: 'Parang nasa ibang mundo ako. Maganda ang lungsod… sayang naman kung magugunaw.'

**

(( ang Lungsod na ito ay inihalintulad sa lugar ng sa panahon ng mga Propeta))

==★

  Sa sobrang mangha nya, di nya namalayan na may karwahe na dadaan na nagdadala ng mga gamit!

Muntik na syang mabangga, pero agad syang nakaiwas.

-- Dumaan pa ang ilang kabayo sakay ang mga kutsero.

  Pinagmasdan nyang mabuti yon, naglakad sya ng kaunti.

  Puro magagandang bahayan ang nakikita nya, halatang mayayaman.

-- ngunit sa tabi naman ay may mga nag-iinuman, nagkakasiyahan at nagsusugal.

  Naglalakad pa si Jes. Maraming umiigib mula sa malayong balon.

Pinagmamasdan nyang mabuti ang bawat masulyapan.

  Halatang abala ang mga taga-roon at di sya napapansin.

Maingay pa rin ang paligid.

Napakunot-noo sya,

Jes: 'Paano ako magsasalita sa kanila?'

==★

  Nilaksan nya ang loob, nagsalita na sya ngunit mahina…

.
.
.

Jes: Ah… magsipagbago na kayo…

Calling... "GOD" 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon